top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 26, 2025



Photo: Kathryn Bernardo - IG


Nagulat ang mga KathNiel fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang makitang suot ni Kathryn sa isa niyang larawan ang regalo sa kanya ni Daniel na relo at bag. 


Akala ng mga fans, ipinamigay ni Kathryn ang regalo sa kanya ng ex. Natuwa ang mga fans na makitang gamit ni Kathryn ang mga regalo ni Daniel, may mga kinilig, pero karamihan sa kanila, hindi na umaasang magkakabalikan pa ang dalawa. 


Okey na silang malamang na kay Kathryn pa rin ang mga regalo ni Daniel.  


Ang tingin ng mga fans sa pagsusuot ni Kathryn ng mga regalo ni Daniel ay nakapag-move on na siya sa breakup nila, kaya wala nang awkwardness na gamitin ang mga regalo ng ex.  


Anyway, 30th birthday ni Daniel today at may birthday salubong na inihanda ang mga fans nito kaninang madaling-araw.  


Ginawa rin nilang special ang birthday ni Daniel by a Twitter party. Mula April 1 hanggang birthday ng isa sa mga bida ng Incognito, pina-trending nila ang aktor at iba-iba ang theme araw-araw. 

For sure, na-appreciate ito ni Daniel.  


And speaking of Daniel, hindi lang sa Incognito siya busy. May mga shows siya sa ibang bansa gaya sa London. Susundan ito ng show nila ni Ian Veneracion sa September 19, 2025 sa Redwood City, California. Sa mga show abroad, ang pagiging singer naman ang ipapakita ni Daniel Padilla sa kanyang mga fans.



Idinaan na lang ng mga netizens sa biro ang dahilan ng pag-a-unfollow nina Cristine Reyes at Marco Gumabao sa isa’t isa sa Instagram (IG). 


May kinalaman daw si US President Donald Trump sa isyu ng dalawa. May sumagot naman na baka sina Marco at Kobe ang meant-to-be.


Nagbibiruan muna ang mga netizens dahil hindi pa alam ang rason ng unfollow-han ng dalawa na sumunod sa pag-a-unfollow sa IG nina Sofia Andres at Daniel Miranda. 


Kapag nalaman na ang dahilan, mag-iiba na ang mga comments at tiyak, may kakampi kay Cristine at may kakampi kay Marco.


May umaasa namang may problema lang ang dalawa at maaayos din nila ito. Sayang daw ang kanilang relasyon at marami na silang pinagdaanan para maghiwalay lang.


Samantala, kahit pumanaw na ang adoptive father ni Cristine, may mga iniisyu pa rin sa kanya. Gaya ng bakit hindi raw niya inilipat ng bahay ang itinuring niyang pamilya, marami naman siyang pera?


Sagot ni Cristine, sinubukan niya at nagpatulong pa nga sa mga netizens na maghanap ng bahay, pero sa may Santolan, Pasig lang dahil ayaw umalis ng daddy niya sa bahay.

Ayaw din nitong iwan ang iba nitong kapamilya.

Pati wheelchair pinuna, hindi man lang daw niya binilhan ng bagong wheelchair ang daddy niya. 


Sagot ni Cristine, “Meron si daddy, automatic wheelchair. Pero d’yan s’ya comfortable. Okey?”


Pinayuhan si Cristine ng ibang mga netizens na ‘wag na siyang magpaliwanag dahil wala siyang dapat ipaliwanag, lalo na sa mga sarado ang isip. Ang importante, alam ng daddy niya na minahal niya ito.



CURIOUS ang mga netizens kung ano ang gagawin ng KyBe fans nina Kyline Alcantara at Kobe Paras na nagpa-tattoo ng basketball at sunflower ngayong break na ang dalawa?


Ang basketball ay para kay Kobe at ang sunflower ay para kay Kyline, pero dahil hiwalay na ang KyBe, wala nang saysay ang tattoo.


Speaking of Kyline, mukha namang wala siyang time magmukmok at malungkot sa breakup nila ni Kobe dahil sa Beauty Empire (BE)


Sa TikTok (TT), nag-post siya ng photos sa contract signing at may caption na: “I’m back by popular demand. I can finally share this project with all of you guys! Beauty Empire will soon be in GMA and Viu.”


Sa nag-comment ng “Show ‘em that you don’t come to play!” sumagot si Kyline ng “Oh, I don’t babe. I came to slay and be successful.” 


Ipinag-react ito ng kanyang mga bashers at ikinonek na naman sa kanila ni Kobe.


Maganda ang role ni Kyline sa BE bilang social media CEO Shari de Jesus na ang mentor ay si Ruffa Gutierrez bilang si Velma Imperial. 


Happy, excited at natsa-challenge si Kyline to be working for the first time with Ruffa and Barbie Forteza.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 25, 2025



Photo: Mikee Quintos - IG


“It’s official !! I’m finally graduating,” ang masayang post ni Mikee Quintos na sinundan ng text na, “POV: your thesis jury just gave you your final grade and you’re finally graduating after 10 years in college.”


Yes! Ten years ang inabot bago naka-graduate si Mikee dahil hindi naman tuluy-tuloy ang kanyang pag-e-enroll dahil sa kanyang showbiz career. Ang importante, ga-graduate na siya at nag-share ang SLAY star ng clips at photos sa kanyang thesis defense.


Nag-post si Mikee ng photo na inihahanda nito ang kanyang presentation, photo na ipine-present niya ang kanyang thesis at photo na nasa labas siya ng room habang hinihintay ang result at grade niya, hanggang pabalikin siya sa loob ng room. 


May photo rin na nasa harap siya ng panelist, binabasa ang result ng kanyang thesis defense na napahawak sa kanyang noo at halos maiyak sa tuwa.


Matatandaang nagkaroon ng kontrobersiya ang thesis ni Mikee nang may taga-UST (University of Santo Tomas) na nag-blind item na may classmate siyang celebrity na walang ambag sa thesis. Si Mikee agad ang naisip ng mga netizens, dahilan para siya ay ma-bash. Kahit nilinaw na nito na hindi group at solo ang thesis niya sa course niyang Architecture, ayaw pa rin siyang paniwalaan ng mga bashers.


Anyway, napatunayang nagsabi ng totoo si Mikee dahil solo siyang humarap sa panelist to defend her thesis. Saka, dedma na ang Kapuso actress sa mga bashers, malapit na siyang maging full-fledged architect kapag nakapasa sa Architectural Licensure Examination (ALE).


Pero, kahit hindi pa nagbo-board exam, “Arki” na ang tawag kay Mikee ng kanyang mga kaibigan at supporters. Ang daming nag-congratulate sa kanya, kabilang ang good friend niyang si Ruru Madrid na ang sabi, “Congrats, Bee! Labyuu (love you)!”


Barbie, gustung-gusto…

ISIGAW NG MADIR NI DAVID: I LOVE BARDA


Hindi pa rin nagkita si Barbie Forteza at ang mom ni David Licauco na si Eden Licauco dahil hindi inimbita ang aktres sa pa-block screening ng BarDa (Barbie at David) fans sa movie ni David na Samahan ng mga Makasalanan (SNMM). Ang mom lang ni David ang inimbita ng mga fans at dumating ito.


Game pa nga si Mommy Eden sa picture taking with the BarDa fans, ini-repost nito sa kanyang Instagram ang photo at may caption na: “I love BarDa. Thank you, guys!”


Aminadong BarDa fan ang mom ni David at sa isang guesting, nabanggit na gusto niyang ma-meet si Barbie. Inulit niya ito sa convo niya with a BarDa fan na looking forward na magkita na sila ni Barbie. 


Sagot ni Mommy Eden, “It would be nice to meet you and I’m looking forward to meeting Barbie soon.”


Ikinatuwa ng BarDa fans ang sinabing ito ng mom ni David, na sana magkita na sila ni Barbie. Chance na sanang magkita sila, pero wala ang mom ni David sa premiere night ng nasabing pelikula at siblings lang ng aktor ang dumating.


Speaking of Barbie, mukhang hindi si David ang makakasama niya sa Beauty Empire (BE) na ikinalungkot ng kanilang mga fans. Unless, pumasok si David sa series kahit nagsimula na silang mag-taping at malapit na ang airing nito. 


Hindi na nababanggit kung si Sam Concepcion ang magiging love interest ni Barbie o wala siyang kapareha.


Gagampanan ni Barbie sa BE ang role ni Noreen Alfonso at makakalaban niya si Kyline Alcantara na gaganap sa role ni Shari de Jesus. First time magsasama ang dalawa at pareho nang excited sa mga confrontation scenes nila. 


Maganda nga kung totoo na kontrabida ang role ni Barbie sa series, para maipakita niyang hindi lang siya magaling na bida, kundi mahusay ding kontrabida.


Kyline, 1 linggo lang break, pinalitan agad…

20-ANYOS NA BISAYANG TIKTOKER, KA-HOLDING HANDS NI KOBE SA BALI


INFLUENCER at Tiktoker daw ang ka-holding hands ni Kobe Paras sa Bali, Indonesia. Ibig sabihin, may mga nakakakilala na kay ate gurl (read: girl). 

Bata pa, 20 years old lang daw ito at taga-Visayas. 


Dahil nakatalikod at likod lang ang nakita, hindi makukumpirma kung sino ba talaga ang girl na mabilis na ipinalit ni Kobe kay Kyline Alcantara.


Ang dami agad alam ng mga fans sa girl na ka-holding hands ni Kobe na malamang, siya rin ‘yung girl na katabi ni Kobe sa isang bar sa Bali at nakahawak pa siya sa waist nito. Ilang araw pa, malalaman na ang pangalan ng girl, abang lang tayo!


Dahil sa nag-viral na post ni Kobe with a new girl, tila nagbago ang tingin ng mga netizens kina Kobe at Kyline. Ang dating like si Kobe, nag-iba na ang mga comments. At ang dating hate si Kyline, mukhang bumait at ipinagtatanggol na siya.


Chickboy daw pala si Kobe, mabilis magpalit ng jowa at kabe-break lang, may iba nang girl. Hindi raw uso sa kanya ang three-month rule at sa halip, 1 week rule ang pinairal nito. 


Madali raw pala itong magsawa sa relasyon at may nakaabang agad na ipapalit na sabi ng mga netizens, sa Bali, Indonesia lang nito nakilala.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 24, 2025



Photo: Nora Aunor, Pilita, Margarita at Gloria - IG, FB, Circulated


Mauuna na ang Ayala Malls na ibigay ang request ng mga Noranians at mga casual fans na muling ipalabas ang mga ginawang pelikula ni Nora Aunor. 


Ipapalabas ang mga pelikulang Tatlong Ina, Isang Anak (TIIA) at Tatlong Taong Walang Diyos (TTWD) na idinirehe ni Mario O’Hara.


Sa ilang piling Ayala Cinemas daw ito mapapanood mula April 25 to 29. 

Ang nakasulat na cinemas ay Ayala Malls The 30th, Circuit, Fairview Terraces, Marquee at sa Legazpi.


Ang ABS-CBN Sagip Pelikula ang nasa likod ng screening ng movies ni Nora na tinawag nilang “In Honor of Aunor.”


Dahil sa announcement na ito ng SINEGANG.ph, may mga requests na isang full filmfest ng mga pelikula ni Nora at kung puwede, hindi lang sa Manila. May request din na muling ipalabas ang Mananambal, Pieta at Kontrabida.


Samantala, bibigyan ng Presidential Medal of Merit ng Malacañang sina Nora, Pilita Corrales, Margarita Fores at Gloria Romero. Sa May 4, naka-schedule ang pagbibigay ng Presidential Merit Awards.


Ang sabi, ang Presidential Merit Award is one of the highest awards conferred by a Philippine president to individuals in recognition of their contribution to nation-building.



Nasa cycling phase na ang paghahanda ni Alden Richards para sa planong pagsali sa Tokyo Marathon na naka-schedule sa March 1, 2026. 


Bumili siya ng Colnago bike na for cycling na kanyang ginagamit sa training. Dahil nagte-training, madalas pang sumemplang si Alden.


Ipinadala nito sa sister niyang si Riza Faulkerson ang photos ng mga sugat niya dahil sa pagsemplang sa bike. Meron sa binti, sa kamay at braso. Natawa ang mga fans ng aktor sa nabasang sagot ni Riza na, “Sige, Kuya. Sabay na kayo ni lola mag-wheelchair.”


Kung saan-saan nakakarating si Alden at mga kasama sa pagba-bike at minsan, nakakasama pa niya sina Kristoffer Martin at Sam YG. Ang daming gustong sumama kay Alden kabilang si Paulo Avelino, kaya mas masaya ang pagbibisikleta ng grupo.


Hindi pa naman kinakalimutan ni Alden ang running at noong isang gabi nga, mga taga-Bench ang nakasama niyang tumakbo sa BGC. Saka, pinaghahandaan na rin ni Alden at ng kanyang Myriad Corporation ang gaganaping charity run na “Lights, Camera, Run!” in partnership with Mowelfund.


Takbo ito para sa Pelikulang Pilipino at naka-schedule sa May 11, 2025. Nag-register na sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Julia Montes at Dingdong Dantes. Kinumpirma na rin ni Barbie Forteza na tatakbo siya at marami pang celebrities ang sasali, kaya abangan sila sa nasabing petsa.



HINDI na pala natuloy sina Ruru Madrid at Bianca Umali sa plano nilang Holy Week vacation sa El Nido, Palawan. Sa Instagram (IG) post ng aktor, parang sa Batangas na lang sila nagbakasyon ng girlfriend. 


Pahayag niya, “One thing I’ve learned this long weekend: When you give so much of yourself to your work, you also need to give yourself time to breathe. Dahil ang pahinga, hindi ‘yan pagtakas sa ginagawa mo—ito ang bumabalik ng sigla, para mas kaya mong ipagpatuloy ang mahal mong ginagawa.


“After days of taping for Lolong, I drove straight to Batangas—the moment we got there, everything changed. Did some yoga. Got fresh air. Slowed down for real.


“No phones. No noise. Just presence. Kumain ng masarap, tumawa ng malakas, at nabuhay ng simple. I wasn’t thinking about time or to-do lists. I was just there—enjoying life. And in that stillness, I felt something I didn’t know I was missing—nahanap ko muli ang sarili ko.


“Now I’m heading back to work with a clear head and a full heart. Grateful. Recharged. Ready.”


Nag-resume nang mag-taping si Ruru ng Lolong: Pangil ng Maynila (LPNM) at nag-report siya sa taping na maayos nang maglakad. Wala na siyang saklay at hindi na gumamit ng wheelchair. 


Ang payo lang ng kanyang doctor, be careful sa mga gagawing stunts para gumaling na siya at para maganda ang result ng another MRI na gagawin sa kanya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page