- BULGAR
- Jul 7, 2025
ni Nitz Miralles @Bida | July 7, 2025
Photo: David at Barbie - IG
Isyu na naman pala sa mga fans ni David Licauco ang birthday greetings via video ni Barbie Forteza sa late pa-birthday party ng mga fans ng ka-love team. May nag-comment kasi na isiniksik na naman ni Barbie ang sarili kay David at sa event ng mga fans para sa aktor.
Mabuti na lang at sa video, sinabi ni Barbie na nilapitan siya ng mga fans ni David (‘yung mga hindi galit sa kanya) para sa video greetings. Dahil magkaibigan at magka-love team sila, pumayag si Barbie.
May BarDa fans sa party dahil masaya sila sa video greetings ni Barbie for David at nagsigawan nang sabihin ng aktres na magkikita sila that night.
Nakakaloka ang ibang mga fans nina Barbie at David, ‘yung solo fans ni David, hate si Barbie and vice-versa. Mabuti na lang at hindi naapektuhan ang friendship at love team ng dalawa pati ang career nila. For sure, after ng mga projects ni Barbie na hindi kasama si David, magbabalik-tambalan din sila.
Pero sa Beauty Empire (BE), na simula na ang airing today, si Sam Concepcion ang partner ni Barbie. Si Jameson Blake naman ang partner niya sa Netflix movie na Kontrabida Academy (KA) at wala siyang partner sa horror movie na P77. Lahat ng projects na ito, this July mapapanood.
Mga alaga ng manager, kumpleto…
GABBY, DUMATING SA BUROL NI LOLIT
Halos kumpleto ang mga talents ni Lolit Solis sa second night ng kanyang wake sa Aeternitas Chapels and Columbarium sa QC.
Nag-attend ng mass sina Lorna Tolentino, Ali Sotto, Amy Austria, Benjie Paras and wife and son, Paolo Contis, Tonton Gutierrez and wife Glydel Mercado.
Nag-attend din ng mass si Gina Alajar.
After the mass, dumating sina Bong Revilla and wife, Cavite’s 2nd District Representative Lani Mercado.
Dumating din si Gabby Concepcion kasama ang manager na si Popoy Caritativo. Nagpaalam sandali ang aktor sa taping ng My Father’s Wife (MFW) para makabisita sa wake ng former manager.
Mahigpit ang yakap nina Gabby at Sneezy, anak ni Lolit, at nagkuwentuhan sila sandali.
Pinabuksan ni Sneezy ang sealed na coffin ng ina para makita nina Gabby, Bong at Lani.
Naging emosyonal ang tatlo, pero happy sila na at peace si Lolit.
Binati ni Gabby ang kapwa-artista na nasa wake, hindi na siya in-interview ng press, pero game na nagpakuha ng pictures. Okay lang siguro kay Lolit kung in-interview si Gabby, pero hindi na ginawa ng press, hinayaan si Gabby na magdasal sa harap ng kabaong ng former manager.
After Gabby left, dumating naman ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong, kaya lang, behave ang press. Walang pormalang interview na ginawa sa maraming artistang nasa wake. Kuwentuhan at tsikahan lang nang konti.
Si Paolo lang ang natanong ng kapwa writer naming si Erlinda Rapadas kung hahanap ng bagong manager ngayong wala na si Lolit, pero wala pa raw sa isip niya ‘yun.
Si LT naman, kayang makipagnegosasyon at tinutulungan daw ni Gory Rula.
Anyway, sa kuwento ni Sneezy, bukas, Tuesday ang cremation ng ina dahil hinintay pa ang kapatid na si Sloopy na mamayang gabi pa lang ang dating mula Amerika. Magtatagal daw ang stay niya sa bansa, hihintayin ang 40 days ni Lolit at maglilinis daw siya sa bahay nito.
SI Wilson Flores ang punong-abala sa awarding ceremony ng TikTok Video Competition in celebration sa 50 years of Philippines-China Diplomatic Relations. The event was organized by Youth & Integration Committee and Media & Public Information at ginawa sa Luxent Hotel ang awarding ceremony.
Masaya ang event na dinaluhan ng mga Chinese, Filipinos at Fil-Chinese. Present sa event si Mr. Victor Lim, Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce & Industry Inc., Mr. Reynold Siy, FFCCCII VP and Youth & Integration Committee Adviser, and Mr. Peter Mangasig, FICCCII Youth & Integration Committee Chairman.
Nakakatuwang malaman na lahat ng winners, grand prize winners at special awardees ay Filipino.
Ang gaganda ng entries nila na hina-highlight ang friendship at ugnayan ng dalawang bansa. Magtataka ka tuloy kung bakit may isyu sa WPS.
Tumanggap ng cash prizes ang special awardees at ang mga winners ng P100,000, P50,000, at P30,000 respectively.
Binigyan naman ng P10,000 ang special awardees.
In-announce ni Wilson na dahil sa success ng TikTok Video Competition, may susunod na TikTok Video Competition at sa September 30, 2025 ang deadline. May celebrity judges na pipili ng winners, kaya sumali na.










