top of page
SPECIAL - KIM, TAMEME SA KASAL DAW NILA NI PAULO SA US-IG _chinitaprincess.jpg
Search

ni Nitz Miralles @Bida | May 25, 2026



BIDA - AGOT KAY SEN. ROBIN SA HINA NG ULO MONG ‘YAN, SA TINGIN MO, MAUUTO MO KAMI-FB Agot Isidro & Robin Padilla

Photo: FB Agot Isidro & Robin Padilla



Malakas ang loob nina Pokwang at Agot Isidro na i-call-out si Sen. Robin Padilla dahil sa umano’y pagtulong nito sa pagtakas ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa.


May reaksiyon si Agot sa naging pahayag ni Robin na, “Ang sabi ni Sen. Bato, ‘Sasabay na ako.’ Alangan namang tanggihan ko ‘yun? Walang sasakyan si Sen. Bato dahil inihatid lang s’ya sa Senado ng sasakyan ni Sen. Alan Peter Cayetano.”


Reaksiyon ni Agot, “Sa hina ng ulo mong ‘yan, sa tingin mo, mauuto mo kami?”

May reaksiyon din si Pokwang sa pahayag na iyon ni Sen. Robin. Mas mild ang sinabi nito, “Ipinasyal lang n’ya po. Kasi sa tagal na ‘di na pumapasok sa Senado ni Bato, baka nakalimutan na n’ya ang pasikut-sikot kaya nag-tour lang po sila. ‘Wag po tayong mapagbintang.”


May susunod pa kaya kina Pokwang at Agot na magko-call-out kay Sen. Robin mula sa showbiz?


Speaking of Agot Isidro, may birthday concert siya sa July 17 at 18, 2026 sa Maybank Performing Arts Theater sa BGC Arts Center billed as The Story of A.I. 

Directed ito ni Rowell Santiago at musical director naman si Ejay Yatco.





KAHIT si Dingdong Dantes ay tinawag na ‘Timothée Chalamet of the Philippines’ si Miguel Tanfelix nang mag-guest ang aktor at mga kasamahan niyang cast ng Taskforce Firewall (TF) sa Family Feud (FF)


Ito rin ang tingin ng mga fans kay Miguel dahil kahawig umano niya ang French-American actor na si Timothée Chalamet.


“S’yempre, nakakatuwa, pero kahit ‘di ko masyadong nakikita ang sarili ko sa kanya, natutuwa ako dahil idol ko s’ya at pinapanood ko ang mga projects na ginagawa n’ya.


“Favorite ko ang A Beautiful Boy. Para maikumpara kay Timothée Chalamet, masarap sa pakiramdam, pero sana ‘di lang sa looks n’ya. Gusto ko ring makagawa ng mga materyal na ginagawa n’ya,” reaksiyon ni Miguel sa pagkukumpara sa kanya kay Chalamet.


Anyway, mahaba ang buhok at may bigote si Miguel bilang si Galo Villareal sa TF at may dahilan ang bago niyang look. In fairness, bumagay sa aktor ang kanyang hitsura sa series.


“Ibinabase ko talaga ang look ko sa karakter ko. Dito, may PTSD o Post-Traumatic Stress Disorder ang karakter ko. ‘Di nakakapag-shave, mahaba ang buhok, walang masyadong time para alagaan ang sarili dahil may ibang bagay s’yang iniintindi bukod sa sarili n’ya.


“Nag-research ako sa karakter ko para ‘di tayo magkamali. Kakaibang approach sa acting. Totoong nangyayari, ayaw nating magkamali, ayaw nating may ma-offend,” paliwanag nito.


Pinag-aralan at nag-training si Miguel para sa kanyang role sa political action series. Nag-training siya sa Air Force at nag-overnight sa Army sa Tarlac. Nag-aral siyang humawak ng pistol at rifle at kung paano ang tamang pagpasok sa building.


“Ang ipapakita namin ay totoong nangyari,” ayon pa kay Miguel, na nakatulong nang malaki sa pagpo-portray ng kanyang role.


Ang Taskforce Firewall ay directed by Rico Gutierrez at Mark Kevin de Vela.

Busy si Miguel Tanfelix, pero nababalanse raw niya ang career at love life. Hindi niya napapabayaan ang girlfriend na si Ysabel Ortega na busy din at may bagong project.





Eman, gets mo?

JILLIAN: ‘DI DATE ANG PANONOOD NAMIN NG CONCERT NI KOBIE BROWN



MALINAW na ang mukha ni Jillian Ward sa poster ng kanyang concert at may title na rin ang July 31, 2026 concert nito. Billed na Jillian ang first major concert niya at kahapon ay puwede nang bumili ng tickets.


May nagtanong kung guest ba sa concert ni Jillian si Eman Bacosa Pacquiao. Saka lang daw siya bibili ng ticket kapag guest ang kanyang idol. 

Ang sagot ni Jillian, “Announcing the guests soon!”


Sana nga ay guest si Eman para matuwa ang kanilang mga shippers. 

May nagtanong din kung guest ba si Kobie Brown na nali-link ngayon kay Jillian. Sila kasi ang magka-date nang manood ng concert ni Jessica Sanchez last May 16 at pinagtatalunan ng mga fans kung nag-holding hands ba sila habang naglalakad.


Sey naman ni Jillian, hindi date ang panonood nila ng concert, pero hindi naman niya nilinaw kung ano ang maitatawag sa pagsasama nilang dalawa. Ang lumalabas, matagal nang magkaibigan ang aktres at si Kobie Brown at friends din ang kanilang mga nanay.


At least, may iba nang napag-uusapan kay Jillian Ward at hindi na puro trabaho. Ngayon, pati love life niya ay inuusisa na rin.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 24, 2026



BIDA - KYLIE AT JAK, TODO-HOLDING HANDS-IG _jakroberto & _kylienicolepadilla

Photo: IG _jakroberto & _kylienicolepadilla



Mas sweet talaga sina Kylie Padilla at Jak Roberto off-cam kesa sa mga interviews sa kanila. 


Sa mediacon ng Taskforce Firewall (TF), hindi sila kinakitaan ng katiting na sweetness. In fact, hindi rin sila na-interview tungkol sa isyu na may special relationship sila batay na rin sa kanilang mga kilos sa mga naa-upload na mga reels.


Sa latest na napanood namin at base sa photo, nasa set ng kanilang series ang dalawa, magkatabi ng upuan at nagkukuwentuhan siguro habang naghihintay ng kanilang eksena. Black and white ang photo, pero kita pa rin na magkadikit ang kanilang braso. 


Comment ng fan, lumaktaw ang braso ng aktor at umabot sa tabi ng braso ni Kylie.

Sa reels, naka-posas ang mga kamay nina Jak at Kylie (JakLie), kaya hindi maiwasan na sila ay mag-holding hands. Hindi nabanggit kung sinadya bang iposas ang mga kamay ng dalawa at kung sino ang gumawa nito, pero ang JakLie fans, kilig na kilig.


Ang wish nila, sana ay sina Kylie at Jak ang magkapareha sa TF para laging sila ang magkaeksena. Kaya lang, si Miguel Tanfelix ang ka-partner ng aktres at ito ang madalas niyang kaeksena.


Dahil pala sa sweetness at pagpi-PDA (personal display of affection) nina Kylie at Jak, ayaw maniwala ng mga fans sa sinasabi ni Kylie na single siya at ine-enjoy ito. Hindi naman nakausap si Jak sa mediacon tungkol sa aktres dahil nagmamadali at may hahabulin daw. 


Si Kylie Padilla kaya ang hinabol nito dahil naunang umalis?

Anyway, ang Taskforce Firewall ay mula sa direksiyon ni Rico Gutierrez at associate director si Mark Kevin de Vela.





MARAMI na ang excited sa movie nina Maricel Soriano at Bela Padilla na Life After You (LAY), at kahit clip sa shooting pa lang ang ipinakita, gusto nang mapanood ng mga fans. 


Tinawag na ‘Drama Movie of the Year’ ang nabanggit na pelikula ng Viva Films at tiniyak na intense drama ito.


Post ni Bela sa X (dating Twitter), “The way that I love this woman,” sabay post ng short clip ng eksena nilang dalawa. 


Parang mag-ina ang role nina Bela at Maricel sa movie, nagka-clash dahil yata sa anak ni Bela na apo ng karakter ni Maricel.


Samantala, may nag-suggest pala kay Bela na ibahin naman niya ang hitsura niya sa movie, lalo na ang hairstyle niya. Magpa-short hair daw siya o kaya ay mag-bangs para maiba lang ang datingan niya.


Sagot ni Bela, “Sa true!!! Kung walang kasabay, gusto ko sana magpagupit.” 

Kaso nga, magiging problema ang continuity dahil ginagawa ni Bela Padilla ang Blood vs. Duty (BVD).





Nagpunta pa raw sa HK…

CRISTINE, PANTULOG ANG SUOT SA PROPOSAL NG BF, INOKRAY



PINUNA ang suot ni Cristine Reyes sa photos na in-announce nito ang engagement nila ni Atty. Gio Tingson. Hindi raw bagay sa special occasion ang suot niya na mala-lingerie. Pati ang sandals na suot ni Cristine, pinuna rin at hindi raw pang-announce ng engagement.


Dumayo pa raw ang engaged couple sa Hong Kong para ru’n ipaalam na engaged na sila. Sana raw ay nagbihis ng mas espesyal ang aktres dahil espesyal na okasyon ang in-announce niya.


Kahit may nagsabing uso ngayon ang mala-lingerie na suot ni Cristine, ayaw pa rin siyang patawarin ng iba. 





On the other hand, pinuri rin ng ilan ang kasimplehan ng engagement announcement. Kung iba raw, sana ay ginawang malaking event at espesyal ang venue. Pero sina Cristine at Gio, sa gilid-gilid ng Hong Kong nag-photoshoot at hindi man lang sa restaurant.


Anyway, masaya ang mga netizens sa bagong pag-ibig ni Cristine at naghihintay sila sa wedding. Sana raw ay hindi ganito kasimple ang maging kasal ng dalawa dahil deserve ni Cristine Reyes ang isang espesyal na wedding day.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 23, 2026



Will at Mika Salamanca - Instagram

Photo: Will at Mika Salamanca - Instagram



Mukhang hindi nakaapekto sa kanilang karera ang kontrobersiyal na TikTok (TT) nina Will Ashley at Mika Salamanca kung saan sila na-bash dahil may sinabing bastos, at posibleng tuluyan pa ngang ilunsad ang love team ng dalawa sa pagbibidahan nilang


Afternoon Prime na Delivery Boi (DB). Nag-storycon na ang series at ipinakilala na ang cast at mga director.


Makakasama nina Will at Mika sina Eric Quizon, Meryll Soriano, Keempee de Leon, Yasser Marta, Mikoy Morales, Vince Maristela, Angeli Nicole Sanoy, at Maricar de Mesa. 

Sina Dominic Zapata at Adolf Alix, Jr. ang mga directors ng series.


Naging controversial ang dalawa dahil sa kanilang TT na may playtime banter na may binanggit na body parts. 


Si Mika Salamanca ay binanggit ang ‘SS’ sabay takip ng mukha ng throw pillow, habang si Will Ashley naman ay nagsabi ng ‘fekdek’ na umani ng reaksiyon lalo na’t may mga batang fans sila.





Parehong Kapuso stars…

RHIAN AT FAITH, TINUHOG DAW NI SAM



NAKAKATUWA ang mga fans, ginigi-guilty si Faith da Silva dahil siya ang madalas nakikitang kasama ng businessman-pulitiko na si Sam Verzosa. 

Ipinaalala nila sa aktres na magkasama sila ni Rhian Ramos, ex ni Sam, sa Sang’gre. Ngayon, siya na ang bagong babae nito.


Magka-date sina Sam at Faith sa concert ni Jessica Sanchez at magkasama rin sa birthday party ng showbiz reporter na si Jun Lalin. 


Sa concert ni Jessica, may pagitan pa ang kanilang upuan, pero obvious na sila ang magkasama.


Pati nga sa mga reels na ifinlex ni Sam na bago nilang office building, si Faith ang kanyang kasama na nag-check ng mga offices. May napa-comment tuloy na wish niyang si Rhian ang kasama nito.


Hindi rin maiwasang may magkumpara kina Rhian at Faith na pareho namang Kapuso stars. Bakit daw ang hilig ni Sam sa Kapuso stars dahil after Rhian, na-link sa kanya si Kyline Alcantara dahil lang nag-attend ito sa isang event ng Maserati. 

Biglang out na sa picture si Kyline dahil si Faith na ang madalas kasama ni Sam.


May nag-comment pa na mahilig pala si Sam sa mga diwata, dahil parehong diwata ang mga karakter nina Rhian at Faith sa Sang’gre


Pero tama ang isang fan na i-wish na lang natin na pare-parehong maging masaya sina Rhian Ramos, Faith da Silva, at Sam Verzosa.





ISA sa mga concerts na gugustuhin mong mapanood ay ang Ngayon at Kailanman: The Music of George Canseco, isang tribute sa mahusay na songwriter na si George Canseco. 


Sa buong concert, puro compositions nito ang mapapakinggan at paniguradong makiki-sing along ka pa.


Sa June 13, 2026 ang nasabing concert na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater. Si Frank Mamaril ang director nito at musical director si Louie Ocampo.


Malaking pang-come-on sa mga fans ang mahuhusay na singers na mag-i-interpret sa komposisyon ni Canseco na pinangungunahan nina Basil Valdez at Kuh Ledesma. Kasama rin sina Leah Navarro, Anthony Castelo, at Dulce. 


Sa mga younger singers, kasama sina Rita Daniela, Jona, at Mark Bautista.

Ang daming kuwento ni Kuh tungkol kay Canseco, kabilang ang kanyang paniniwala na kailangan niyang ma-in love sa mga singers na pinapakanta ng kanyang mga komposisyon upang mas gumanda ang kanyang isinusulat na kanta.


Naikuwento rin niya na si Dulce ang kasama ni Canseco sa huling araw nito sa ospital, at hawak ni Dulce ang kamay ng composer bago ito pumanaw.


Sabi naman nina Jona, Rita, at Mark, hindi man nila nakilala nang personal si Canseco, alam nila at kinakanta nila ang kanyang mga komposisyon. May panghihinayang ang tatlo na hindi nila ito nakilala at hindi nabigyan ng pagkakataon na ma-interpret ang kanyang mga kanta.


We asked Kuh, Jona, Mark, at Rita to describe the music of Canseco.

Sey ni Mark, “Timeless. His music is timeless. Iba ang choice of words n’ya kaya timeless.”


Ani Rita, “Aside from being timeless, his music is classic. Tama si Jona, ‘pag pinakinggan sa mas bata sa akin, mararamdaman nila ang music n’ya, makaka-relate sila lalo na ang mahihilig sa tula at malalalim na Tagalog. Sobrang galing n’ya.”

Sabi ni Jona, “Timeless din, kahit noon pa nagawa ang mga songs na ‘to, after this generation, his songs still speak to us. Also, aside from being timeless, his songs are hauntingly beautiful.”


Wika ni Kuh, “Si George Canseco ay makata, malalim ang kanyang lyrics. His music is so much heart. He is romantic, he is a lover boy. He falls in love with his singer at kailangan in love s’ya para makapagsulat ng kanta. ‘Di ko sinabi na in love s’ya sa akin. He is special, he is a gift to us Filipinos. Ang music n’ya ay walang kamatayan. 

“When I first heard the album of Basil Valdez, ‘di ko alam kung kay Basil. Magaling talaga s’ya at alam n’ya kung paano pumili ng singer at boses para sa kanyang mga kanta.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page