top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | April 24, 2022


Habang tayo ay patuloy na nag-iingat laban sa COVID-19 ay isabay din natin ang pag-iingat laban sa iba pang sakit.


Isa na rito ang dengue, na isang viral disease na dala ng infected na lamok na kabilang sa Aedes species.


Kabilang sa mga sintomas ng sakit na ito ay pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng ulo, panghihina ng katawan, kawalan ng ganang kumain, pagsusuka, pagtatae, at skin rashes.


☻☻☻


Kamakailan lamang ay sinabi ng ating Department of Health (DOH) na tumaas ang bilang ng mga kaso ng dengue sa ilang probinsiya sa apat na rehiyon sa bansa.

Naitala ang mga kaso sa ilang lalawigan sa Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, Western Visayas, at Davao Region.


Bagama't mababa ang mga kaso sa first quarter ng 2022 kumpara sa mga kaso noong 2021, kailangan pa rin nating mag-ingat.


Nagdeklara na ng outbreak ang Zamboanga City, na may naitalang 893 na kaso mula January 1 hanggang April 2. Sa kasamaang palad, 11 rito ang namatay.


☻☻☻


Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), halos kalahati ng populasyon sa buong mundo ay nakatira sa mga lugar na may risk ng sakit na ito.

Kada taon, hanggang 400 milyong katao ang nai-infect ng dengue. Tinatayang 100 milyon ang nagkakasakit, habang 40,000 naman ang namamatay dahil sa severe dengue.


Noong 2021 ay nakapagtala ang DOH ng 79,872 kaso ng dengue sa bansa, at 285 na namatay dahil dito. Mababa ito kumpara sa pigura noong 2020 na may 91,108 na kaso at 363 na namatay.


☻☻☻



Ayon pa sa DOH, posibleng dahil sa madalas na pag-ulan na nararanasan sa ilang parte ng bansa kung kaya’t tumaas ang bilang ng mga kaso.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad na ugaliing sundin ang 4S laban sa dengue:

• Search and destroy mosquito-breeding sites,

• Secure Self-protection measures like wearing long pants and long-sleeved shirts and daily use of mosquito repellent,

• Seek early consultation, at

• Support fogging/spraying only in hotspot areas where increase in cases is registered for two consecutive weeks to prevent an impending outbreak.

Sa ating masusing pag-iingat ay maiiwasan natin ang pagdami pa ng mga kaso. Manatili po sana tayong malusog.


☻☻☻



Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | April 21, 2022


Pinayagan na ng pamahalaan ang mga unibersidad at kolehiyo na nasa mga lugar na nasa Alert Level 1 na magsagawa ng face-to-face classes sa full classroom capacity.

Subalit mga estudyanteng bakunado at may health insurance lamang ang maaaring sumali sa face-to-face classes.


☻☻☻

Umalma tayo sa requirement ng health insurance, hindi dahil tutol tayo sa layunin nito, kundi dahil dagdag lang na pasanin ito sa mahihirap na estudyante.


Ibinase ang requirement na health insurance sa Section H ng Joint Memorandum Circular No. 2021-004 ng Commission on Education at Department of Health na nagtakda ng guidelines sa implementasyon ng limited face-to-face classes para sa lahat ng programa ng higher education institutions.


Maraming magulang ang nagrereklamo dahil sa mga dagdag na documentary requirements dahil sa diumano’y maling interpretasyon sa guidelines ng pamahalaan.


Kung walang maipakitang PhilHealth, hihingan ng private health insurance, may dagdag pang duly-notarized waiver, health certificate, at certificate of indigency — at ang iba may nire-require pang negative antigen results.


☻☻☻

Nasabi na ng pamahalaan na maaari namang PhilHealth ang kunin na insurance. Kung mahigit 21 taong gulang ang estudyante, puwedeng mag-register bilang indigent. Kung mas bata naman, bilang dependent ng mga magulang o legal guardian.


Ngunit hindi na rin dapat ito kailangan dahil ayon sa Republic Act No. 11223 o ang Universal Health Care Law, lahat ng Pilipino ay automatic members na ng National Health Insurance Program ng PhilHealth.


Ang mga proseso, dapat sinisimplehan sa halip na kinukumplika.


Ang dehado na naman kasi sa requirement na ito ay ang mga naghihirap nating kababayan, o mga working student.


Mag-aayos pa sila ng papeles, kukuha ng birth certificate at marriage certificate ng magulang sa Philippine Statistics Authority. Tapos certificate of indigency sa local government unit, pipila sa PhilHealth, gagastos ng oras at pamasahe para makapagrehistro samantalang hindi naman na kailangan dahil miyembro na sila.


☻☻☻

Sana’y pag-isipang mabuti ng pamahalaan kung tunay na kailangan pa nga ang requirement na health insurance.


At kung ipipilit, baka naman maaaring gawing requirement na ang mga HEI ang mag-ayos ng rehistrasyon ng mga estudyante, kagaya ng ginawa ng University of the Philippines nang mag-set up ito ng sariling PhilHealth kiosk para iwas-perhuwisyo sa mga mag-aaral.


☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | April 18, 2022


Inanunsiyo kamakailan ng Department of Tourism na umabot na sa 200,000 ang foreign tourist arrivals sa bansa.


As of April 7, 2022, nakapagtala ang bansa ng 202,700 foreign tourist arrivals sa bansa, dalawang buwan matapos luwagan ang travel restrictions ng mga international travelers.


☻☻☻


Ayon sa datos na nakalap mula sa One Health Pass, mula sa Estados Unidos ang pinakamaraming dumating na turista (43,744 bisita).


Sinundan ito ng Canada (9,618 bisita), United Kingdom (9,315 bisita,) South Korea (8,440 bisita), at Australia (8,212 bisita).


Inilahad din ng DOT na nagpunta sila sa Korea upang muling makipagpulong sa mga Korean tour operators para muling mahikayat ang Korean nationals na dumalaw sa bansa.


Bago ang pandemya, Korea ang pinakamalaking contingent ng mga turistang dumadalaw sa bansa. Noong 2018, nasa 1.98 million ang mga turistang galing Korea.


☻☻☻



Nakasalalay ang pagdating ng mga turista sa bansa sa maayos na pamamalakad.


Patuloy nawa ang pagsasaayos ng mga proseso at pasilidad hindi lang para maging efficient, kundi para maging responsive ang mga ito sa bagong realidad na hinaharap natin.


Kailangang mapanatag ang mga turista, mapa-foreign man at sarili nating kababayan, na ligtas sila at hindi magkakasakit sa pagdalaw sa ating mga tourist sites.


Mahaba-haba ang proseso bago natin muling maabot ang antas ng turismo na isa sa top contributors ng ekonomiya bago ang pandemya.

Ngunit kung gagawin natin ang mga nararapat, gaano man kahirap, makakabangon tayong muli.


☻☻☻



Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page