top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 5, 2022


Isa ang Pilipinas sa mga disaster-prone na bansa sa buong mundo. Nitong nakaraang taon ay nasa 8th place tayo sa 2021 World Risk Index, na may score na 21.39.


Sinusukat ng WRI ang “risk of disaster” na bunga ng mga extreme natural events, tulad ng mga bagyo, lindol at pagsabog ng bulkan. Noong 2020 ay nasa 9th place tayo, na may score na 20.96.


Kung kaya’t patuloy nating kailangan ang mga pag-aaral, paghahanda at mabilisang aksyon upang mapigilan o maibsan ang pinsala ng mga sakuna sa ating mga kababayan at kabuhayan.


☻☻☻


Isa sa mga pananggalan natin ay ang promosyon at awareness-building ng mga sakuna, ano ang posibleng mangyari at paano ito maiiwasan o maiibsan ng lahat.


Nitong taon ay nakamit ng isang Pilipino at isang organisasyon sa bansa ang Sasakawa Award for Disaster Risk Reduction para sa kanilang kontribusyon sa pagtataguyod ng resilience o katatagan sa pamamagitan ng multi-hazard approach.


Ito ay sina Glenn Suerte Felipe Banaguas at ang Save the Children Foundation.


Si G. Banaguas ay ang Founder at President ng Environmental and Climate Change Research Institute (ECCRI).


Pinangunahan niya ang Climate Smart Philippines program na nagtitipon ng mga eksperto at stakeholder upang pag-usapan ang mga disaster risk at maiwasan ang mga pinsala na maaaring maidulot nito.


Ang Save the Children Philippines naman ay NGO na katuwang ng pamahalaan upang gumawa ng mga polisiya at plano upang masiguro na ang mga karapatan ng mga bata ay napapangalagaan.


Nilikha nila ang mobile app na Rapid Assessment of Damages Report (RADaR), na isang reporting mechanism na tinataya ang mga pangangailangan ng mga paaralan at ng kanilang tauhan at mag-aaral pagkatapos ng emergency o disaster.


Ipinapahatid natin, bilang tagapangulo ng Senate Committee on Science and Technology, ang ating mainit na pagbati sa inyo. Ipagpatuloy ninyo ang inyong nasimulan para sa kaalaman at kaligtasan ng ating mga kababayan.


☻☻☻


Tuwing panahon ng tag-ulan ay laman ng balita ang mga sakuna na dulot ng malakas na pag-ulan na dala ng mga thunderstorm o bagyo, tulad ng baha, landslide o storm surge.

Tayo sa Senado ay palaging nakaagapay upang mabigyan ng karampatang budget ang mga ahensiya ng pamahalaan upang makatugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.


Ngunit kailangan pa rin natin palaging maging mapagmatiyag at alerto upang maiwasan ang personal na kapinsalaan sa mga sakuna. Tulad ng palaging sinasabi ng isang personalidad, “ligtas ang may alam”.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 2, 2022


Good news para sa ating mga guro at iba pang nagsilbing poll worker nitong nakaraang halalan.


Pasado na sa Senado Senate Bill No. 2520 na nilalayong amyendahan ang National Internal Revenue Code upang gawing tax-exempt ang honoraria, travel allowance at iba pang benepisyong ibinibigay ng Commission on Elections sa mga poll worker.


Nasa 20 percent ang tax na ikinakaltas sa election service pay ng mga poll worker.


Ayon sa Department of Education, halos 650,000 ng empleyado nito ang naglingkod sa Halalan 2022. Kasama ang nasa 319,317 public school teachers na nagsilbing miyembro ng electoral board.

Umaasa tayong sa lalong madaling panahon ay maisabatas na ang panukalang ito.


☻☻☻


Noong Lunes ay pinarangalan natin ang 2019 The Outstanding Women in the Nation’s Service o 2019 TOWNS Awardees.


Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 218 ay nagbigay-pugay tayo sa mga kababaihang naglingkod-bayan at nagsilbing inspirasyon sa mga kababayan natin.


Napapanahon ang pagpupugay sa kanila upang maging paalala sa ating mga bagong halal na opisyal na isaalang-alang parati ang serbisyo at pagbibigay-pag-asa sa ating mga kababayan.


Sa ating 2019 TOWNS Awardees: Xyza Bacani, Carmina Bayombong, Clarissa Isabelle Delgado, Maria Regina Justina Estuar, Karla Patricia Gutierez, Samira Gutoc, Dr. Gay Jane Perez, Atty. Patricia Ann Prodigalidad, Stephanie Sy, Rohaniza Sumndad-Usman, Chiara Zambrano, at Dr. Geraldine Zamora, congratulations muli!


Nawa’y hindi kayo magsawang maglingkod sa bayan.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng facemask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | May 29, 2022


Pirma na lang ng Pangulo at magiging ganap na batas na ang Senate Bill Number 2484, o ang panukalang nagko-convert sa mga Provincial Science and Technology Center sa Provincial Science and Technology Office.


Noong nakaraang Lunes ay ipinasa na ng Senado ang panukalang ito sa ikatlo at pinal na pagbasa.


Nais ng panukalang batas na ito na palakasin ang ating mga PSTC upang lalo pa nitong magampanan ang mandato nito na maghatid ng siyensya at teknolohiya sa ating mga kababayan, lalo sa mga lalawigan.


Dekada na itong nilalaban ng mga kawani ng DOST at malaking tulong kung ito ay magiging ganap na batas sa lalong madaling panahon.


Makakatulong din ang panukalang ito upang maiwasan ang brain drain ng mga magagaling at talentadong kawani ng DOST, lalo na at nasa gitna tayo ng pandemya.

Ang inyong lingkod, bilang tagapangulo ng Senate committee on Science and Technology, ang principal sponsor ng panukalang ito.


☻☻☻


Sa isang banda ay nais kong kunin ang pagkakataon na ito upang bigyang pugay at parangal ang bagong hirang na Pangulo at Pangalawang Pangulo ng ating bansa.


Nitong nakaraang Miyekules ay ipinroklama sina Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at Sara Duterte bilang ika-17 na pangulo at ika-15 na pangalawang pangulo ng Pilipinas matapos ang canvassing ng Kongreso.


Kasama ang inyong lingkod sa Senate contingent na bumuo sa National Board of Canvassers.


Bilang isang opisyal ng bansa, makakaasa ang bagong administrasyon na tutulong tayo upang makamit ang adhikaing mapaganda ang buhay ng ating mga kababayan, lalo ngayong nasa gitna tayo ng pandemya.


Magbibigay din tayo ng mga suhestiyon at rekomendasyon upang lalo pang mapalakas ang mga panukalang batas na ihahain, pati na ang mga programa at proyekto ng administrasyon.


Panalangin ko rin na nawa’y gabayan at tulungan ng Maykapal kaming lahat na opisyal ng bayan upang magampanan namin ang aming mga tungkulin at responsibilidad sa bayan at sa ating mga kababayan.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page