top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 26, 2022


Dapat i-streamline ang pagkuha ng kinakailangang approvals at permits ng mga planta.

Ito ay ilan sa ating mungkahi sa susunod na administrasyon bilang pangmatagalang sagot upang mapigilan ang power blackouts sa hinaharap.


Matatandaang isinailalim sa yellow alert level ang Luzon grid ng ilang araw nitong nakaraang linggo dahil na rin sa hindi inaasahang pag-offline ng ilang baseload plants.

Nauna namang inilagay sa red alert status ang grid noong Sabado dahil sa mababang supply ng kuryente.


☻☻☻


Taon ang inaabot upang makakuha ng mga kinakailangang approval at permit sa pagpapatayo ng power plant.


Taon din ang inaabot ng mismong konstruksyon.


Dahil dito ay nahihirapang sumabay ang supply sa kasalukuyang demand para sa kuryente, lalo na kung wala o mababa ang reserbang enerhiya.


Ipinakita rin ng hindi inaasahang downtime ng ilang planta na posibleng kailangan na nitong sumailalim sa mas madalas na maintenance upang makalikha ng kuryente.


☻☻☻


Dapat ding humanap na ng mas maraming alternatibong pagkukunan ng enerhiya at kuryente ang bansa.


Kailangan ito, lalo na kung magpapatuloy pa ang gera sa pagitan ng Ukraine at Russia at ang disruption sa global supply chain. Ilan ito sa mga sanhi ng mataas na presyo ng fossil fuels na ginagamit ng mga planta.


Bagama’t may mga bagong investment na sa renewable energy sa bansa, hindi naman ito agad-agad maisasama sa electric grid.


Kailangang ding paigtingin ng Department of Energy, sa tulong ng akademya at pribadong sektor, ang research and development upang makakita ng iba pang pagkukunan ng enerhiya at kuryente.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 22, 2022


Kamakailan, inihayag ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na pansamantala niyang pamumunuan ang agriculture portfolio ng pamahalaan.


Pabor tayo sa desisyong ito ng pangulo lalo pa’t dumaranas tayo ng patuloy na food insecurity dahil sa iba’t ibang salik tulad ng digmaan sa Ukraine, pandemya, sunud-sunod na bagyo at African swine fever.


Kung pangulo mismo ang namumuno sa sektor ng agrikultura, masisigurong hindi lang nakatuon sa isang departamento, kundi buong pamahalaan ang masusuri at kikilos para tugunan ang lumalalang problema ng sektor.


Maganda rin ang mensaheng ipinamamalas nito sa ating mga kababayan dahil ipinahihiwatig na top priority ang pagsigurong may makakain ang pamilyang Pilipino.

Umaasa tayong magtatagumpay ang pamahalaan sa layuning maisaayos ang produksyon ng ating mga magsasaka’t mangingisda nang matustusan ang pangangailangan sa pagkain.


☻☻☻


Usap-usapan din ang pag-review sa implementasyon ng K-to-12 program.


Napapanahon ang review upang masukat natin kung epektibo ba ang edukasyong natatanggap ng ating mga mag-aaral.


Matatandaang ayon sa isang ulat ng World Bank, mahigit 80% ng estudyanteng Pilipino ay kapos sa minimum proficiency levels o ang antas ng dapat alam nila bases sa edad o grade level.


Ayon naman sa National Economic Development Authority, nasa P11 trillion ang productivity loss sa susunod na 40 taon dahil sa isang taong walang face-to-face schooling dahil sa pandemya.


Ito ang ilan sa mga hamon na hinaharap natin sa sektor ng edukasyon, kung kaya kailangan ng komprehensibo at strategic na pagtugon sa krisis. Ang pag-review sa K-to-12 ay simulaing nararapat na gawin upang matukoy natin ang susunod na hakbang.



☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 19, 2022


Happy Father’s Day!


Ang ating mainit na pagbati sa lahat ng ama, tatay, itay, father, daddy, dad, pudra, ‘tay-‘nay (tatay na, nanay pa) o ano pa mang tawag natin sa ating mga haligi ng tahanan ngayong araw nila.


Kinikilala natin ang kanilang mga ambag upang maging kapaki-pakinabang na bahagi tayo ng lipunan — mula sa pag-aaruga at paggabay, maging ang kanilang mga sakripisyo at pagpupunyagi.


Partikular nating binibigyang-pugay ang mga ama ng tahanan ng pamilyang Binay: ang aking amang si dating Vice-President Jojo Binay, ang aking kapatid na si Junjun, ang mga asawa ng aking mga kapatid, at ang aking asawang si Pete.


Ang aking ama ang isa sa aking mga unang guro, samantalang ang asawa kong si Pete ang aking katuwang at sandigan sa pagpapalaki ng aming apat na anak.


Hindi rin matatawaran ang pagganap ng aking kapatid na si Erwin bilang ‘Tay-Nay’ sa kanyang apat na anak, at ang mahusay na pagpapalaki ng aking mga bayaw sa aking mga pamangkin.


Muli, isang maligaya at makabuluhang araw sa ating mga ama! Nawa’y patuloy silang maging malusog at matibay na sandigan ng ating mga pamilya at lipunan.


☻☻☻


Nais din natin bigyang-pugay ang ating bayaning si Jose Rizal sa kanyang ika-161 na kaarawan sa araw na ito.


Manatili sanang nag-aalab sa ating mga puso ang mga aral na ibinahagi niya, lalo na ang pagmamahal sa ating pamilya at bayan.


Maging gabay rin sana natin ito, lalo na sa laban kontra inhustisya at kawalang damdamin sa mga araw-araw na pinagdaraanan ng ating mga kababayan.


Gamitin din natin ito para sa pagpapabuti ng ating kapwa Filipino at mabigyan sila ng mas magandang Pilipinas, na malaya mula sa kawalang hustisya, kahirapan, at misedukasyon.


Mabuhay si Gat Jose Rizal!


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page