top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 16, 2022


Muli binuksan ng Commission on Elections ang voter registration para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections na isasagawa sa October 2023.


Dapat ngayong buwan ang idadaos ang BSKE, subalit naiusog ito sa Oktubre pagkatapos maisabatas ang Republic Act No. 11935.


Ayon sa Comelec, inaasahan nilang 2 milyong Pinoy ang madaragdag sa mga rehistradong botante ng bansa.


Mula December 12 hanggang January 31, 2023 ang voter registration.


☻☻☻


Hinihikayat natin ang ating mga kababayan, lalo na ang kabataan na maaari nang bumoto, na magparehistro na.


Samantalahin ang holiday season at ang pagsisikap ng Comelec na palawakin ang registration sa mga mall.


☻☻☻


Bilang pangunahing unit ng pamahalaan, mahalaga ang papel na ginagampananan ng mga barangay at SK sa ating mga komunidad.


Sila ang nagsisilbing frontliners ng gobyerno at ang una nating dinudulugan sa oras ng problema at sakuna.


Kaya’t mahalagang makilahok tayo upang masiguro na mahalal ang mga karapat-dapat na kandidato ang mailuluklok sa mga importanteng posisyon.


Hindi lang karapatan ang bumoto, kundi sagradong tungkulin ng bawat Pilipino upang mapanatili ang ating demokrasya.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 11, 2022


Nitong nakalipas na dalawang linggo ay nakaranas ang Luzon at Visayas grids ng pagnipis o kakulangan ng supply ng kuryente.


Ilang araw din isinailalim ng mga awtoridad sa yellow at red alert status ang ating grid system. Bagama’t wala namang naiulat na brownouts, ito ay cause of concern pa rin.


Nangangahulugang hindi sapat ang supply ng kuryente na napo-produce ng mga power plant upang punuan ang demand ng mga konsyumer. Maaaring humantong sa brownout kung hindi ito maaagapan.


Ayon sa mga kinauukulan, ilang power plants ang nagkaroon ng forced outage o hindi makapag-produce ng kuryente o kaya’y tumatakbo sa limited capacity.


☻☻☻


Hindi na bago sa atin ang pagsasailalim sa mga alert level ang ating grid system, lalo na kung ang sanhi ay ang unscheduled shutdown ng mga power plant.


Ngunit ang matagal na nating tanong ay ano’ng ginagawa ng mga awtoridad upang bigyang-solusyon ang isyu ng manipis o kulang na supply ng kuryente?


Mayroon bang bagong power plant na bubuksan sa mga susunod na taon upang makadaragdag sa supply ng kuryente ng bansa?


At ano’ng timetable nito pagdating sa pagproseso ng mga kinakailangang permit upang makagsimula na ng commercial operations?


☻☻☻


Nauna na nating iminungkahi na bawasan ang red tape sa pagpapatayo at pag-operate ng mga bagong power plant sa bansa.


Taon ang inaabot bago makakuha ng permits para sa construction, taon para sa mismong construction at taon pa rin para makakuha ng permits para sa commercial operations.


Hindi lamang pampalit ito sa mga tumatanda na nating power plants, na nangangailangan na ng mas madalas na maintenance periods.


Ito rin ay pagsabay sa inaasahang pagtaas ng demand ng kuryente, lalo na at unti-unti nang bumabalik ang “normal” na daloy ang ating ekonomiya, lalo na sa manufacturing at commercial sectors.


Ito rin ay paghahanda sa palaging mataas na demand ng kuryente sa ating dry o “summer” season. At dahil sa epekto ng climate change, hindi na lamang ito nararanasan tuwing Marso hanggang Mayo.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 9, 2022


Tinatalakay ngayon sa House of Representatives ang paglikha ng P275-billion sovereign wealth fund, na mabubuo mula sa iba't ibang pondo na mula sa Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines at national budget.


Dagdag pa rito, na siyang pinagmumulan ng pagtutol mula sa iba't ibang sektor ay ang paglikom ng pondo mula sa Government Service Insurance System (P125 bilyon) at Social Security System (P50 bilyon).


☻☻☻


Kailangang pag-aralan muna natin nang maigi kung paano ba isasagawa ang sovereign wealth fund.


Kailangan natin ng mas maraming komprehensibo at malinaw na talakayan tungkol dito, lalo na sa usapin ng pagkuha ng pondo mula GSIS at SSS dahil pera natin lahat 'yan. Retirement fund ng sambayanan 'yan, eh.


Bilang myembro ng SSS at GSIS, tulad ng karamihan sa mga manggagawa’t empleyado sa bansa ay inaasahan nating magagamit natin ang contribution sa panahon na magreretiro na tayo.


Mahalagang malaman kung ano ang magiging epekto ng wealth fund sa perang ipinundar natin nang matagal, na isinantabi para makapamuhay pa rin tayo kahit wala nang trabaho.


☻☻☻


Ano ba ang opinyon ng academe, ng mga expert at ng mga kababayan nating maapektuhan nito?


Mahalagang magkaroon ng direktang konsultasyon sa lahat ng stakeholder para sa ganitong panukala na may malawakang epekto sa lipunan.


Sana'y hindi tayo magpadalus-dalos sa usaping ito.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page