top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | March 5, 2023



Tuwing Marso, ipinagdiriwang natin ang buwan ng kababaihan at sa darating na ika-8 ng Marso naman ay ating ipagdiriwang ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan.


Sa buwan na ito, ating kinikilala at binibigyang-parangal ang mga naiambag at naitulong ng mga babae sa pag-angat ng ating lipunan.


Magandang pagkakataon din ito para bigyang-pansin ang mga isyung patuloy na kinahaharap ng mga kababaihan at ituloy ang laban para sa pantay na karapatan ng bawat isa.

☻☻☻


Sinimulang ipagdiwang ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan noong Marso 8, 1910 bilang pagkilala sa pakikibaka para sa karapatan ng babae.


Taong 1977 naman nang ipagtibay ng United Nations General Assembly ang isang resolusyon tungkol sa pagdiriwang ng International Women’s Day tuwing sasapit ang ika-8 ng Marso ng bawat taon.


☻☻☻


Hitik ang ating kasaysayan sa mga babaeng malaki ang naiambag sa ating bansa.


Sina Gabriela Silang, Teresa Magbanua, Trinidad Tecson, Gregoria de Jesus, at Melchora Aquino ay ilan lamang sa mga magiting na bayaning nakipaglaban para sa ating kalayaan.


Sa kasalukuyan naman, halos lahat ng sektor ng ating lipunan ay may mga babaeng kayang tapatan o higitan ang kakayahan ng mga kalalakihan.


Hindi nga ba, ang una at kaisa-isang gintong medalya ng ating bansa sa Olympics ay mula kay Hidilyn Diaz?


☻☻☻


Kaisa tayo sa pagkilala sa lakas ng kababaihan at sa pagsulong ng pagkakapantay-pantay.


Patuloy nating bigyang-pugay at pagpapahalaga ang mga kababaihan.


Happy Women’s Month sa lahat!


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | March 2, 2023



Noong mga nakaraang araw ay naging laman ng balita ang paglahad ng Bureau of Corrections na plano nilang gawing headquarters ang Masungi Georeserve sa Rizal.


Base raw sa Proclamation No. 1158 na inilabas noong Setyembre 8, 2006, nakalaan ang 270 hectares na tinatawag na ‘Lot 10’ para sa pagtayo ng New Bilibid Prison.


Dagdag pa ni BuCor acting Director General Gregorio Catapang, kasama sa planong headquarters ang pag-develop ng residential area para sa kanilang personnel, at pag-implementa ng land use development plan para sa ‘basic institutional food requirements.’


☻☻☻


Marami ang nagulat sa balitang ito, na lumabas pagkatapos magsagawa ng ocular inspection ang BuCor sa Masungi.


Ilang araw matapos ang ocular inspection, sinabi ng DG Catapang na magpapatuloy ang proyekto kung magbibigay ng katiyakan ang mga eksperto, partikular ang mga urban planning experts ng University of the Philippines, na mananatiling protektado ang Masungi Georeserve.


Nagbabala ang Masungi Georeserve Foundation na may negatibong epekto sa kalikasan at maging sa sektor ng turismo ang plano ng BuCor.


☻☻☻


Dahil sa mga nangyari, inihain natin ang Senate Resolution No. 495 na nagpapatawag ng imbestigasyon sa plano ng BuCor.


Ang Masungi ay simbolo ng sustainable development at nangunguna sa mga pagsisikap na konserbahin at palaguhin ang kalikasan, lalo na sa harap ng krisis sa klima.


Dahil dito, kailangang protektahan natin ang Masungi.


Naiintindihan natin ang pangangailangan ng BuCor sa mga pasilidad na plano nitong itayo.


Ngunit kailangan ding timbangin natin kung ano ang magiging epekto sa kalikasan kung matutuloy ang pagpapatayo sa bagong BuCor headquarters.


Hindi natin dapat kalimutan na pagdating sa kalikasan, kahit ang pinakamaliit na aksyon ay may epekto sa kabuuan.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | February 26, 2023



Kahapon ipinagdiwang natin ang ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.


Malapit sa aking puso ang People Power dahil human rights lawyer ang aking ama noong panahong ‘yun at naranasan niyang makulong dahil sa kanyang adbokasiya.


Nakalulungkot lang dahil sa kasalukuyan, tila marami ang hindi na nakikita ang halaga nito sa ating lipunan.


☻☻☻


Dapat nating ipaintindi, lalo na sa mga kabataan na walang kulay ang EDSA. Hindi ito pula, puti, asul, o dilaw.


Hindi rin ito maaaring ariin ng iilan dahil ang tunay na diwa nito ay makikita sa ating pagkakaisa at pagbabayanihan.


Higit sa lahat, mahalagang alalahanin ang EDSA dahil tagumpay ito ng karaniwang tao.


Ipinakita nito ang lakas at potensyal ng mga Pilipino na iwaksi ang pagkakaiba para makamit ang isang layunin.


Hanggang ngayon, nananatili itong buhay sa bawat adbokasiya na ating ipinaglalaban at sa ating patuloy na paghangad ng panlipunang hustisya at pagkakapantay-pantay.


☻☻☻


Noong nakaraang Linggo, pinarangalan natin sa Senado si Mr. Romeo “John” Arcilla dahil sa kanyang pagkapanalo ng Volpi Cup for Best Actor sa 78th Annual Venice International Film Festival sa Italy para sa pelikulang “On the Job: The Missing 8”.


Kilala sa kanyang pagganap bilang Heneral Antonio Luna, muli siyang nagbigay-inspirasyon at karangalan sa ating bansa.


Nakatataba ng puso na isang Pinoy ang muling kinilala at kasama na sa mga nagawaran ng prestisyosong parangal na ito.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBin

 
 
RECOMMENDED
bottom of page