top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | March 16, 2023



Napansin n’yo ba na tila nabawasan na ang mga spam messages at mga scam na natatanggap sa inyong cellphone?


Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC), malaki ang ibinaba ng bilang ng mga text scam mula nang maisabatas ang SIM Card Registration Act.


Iniulat ng NTC na mula sa daily average na 1,500 complaints tungkol sa text scam, bumaba na lang ito sa 100 per day.

☻☻☻


Ang text scam ang isa sa mga dahilan kaya naisabatas ang SIM Card Registration Act o Republic Act 11934 noong Oktubre 2022.


Sinimulan noong Disyembre 27, 2022 ang registration alinsunod dito.


Base sa datos ng Department of Information and Communications Technology (DICT), nasa 44,298,445 subscribers o 26.22% ng 168,977,773 subscribers sa buong bansa ang nakapagrehistro na.

☻☻☻


Napakakaunti pa ng bilang na ito, kaya kinokonsidera ng DICT na i-extend ang deadline nang dagdag na 120 days. Ang deadline ay sasapit na sa Abril 26, 2023.


Nauna na nating pinakiusapan ang pamahalaan na mag-set up ng mga kiosk sa mga pamayanan, mall, at iba pang lugar para mapadali ang access at masiguro na makakapagrehistro ang mga subscriber na walang internet at mga hirap sa paggamit ng teknolohiya.


☻☻☻


Nananawagan din tayo sa ating mga kababayang hindi pa nakakapagrehistro na huwag palampasin ang pagkakataon na mag-register upang hindi ma-deactivate ang inyong mga account.

☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | March 12, 2023



Noong Martes ay nagsagawa ng hearing ang Senate Committee on Justice and Human Rights para imbestigahan ang pagkamatay ni John Matthew Salilig na pinaniniwalaang dahil sa hazing rites ng isang fraternity.


Nakakalungkot dahil sa kabila ng pagkakaroon ng pinahigpit na RA 10053 o ang Anti-Hazing Act of 2018 ay nananatili pa rin ang pananakit ng ilang mga grupo.


Wala na ba talaga tayong takot o konsensya para ipagpatuloy ang pananakit sa ating kapwa?


Walang lugar sa isang sibilisadong lipunan ang kultura ng karahasan at dapat panagutin ang mga taong sangkot sa insidenteng ito.


☻☻☻


Hindi rin natin maintindihan kung bakit ginagamit ng ilang mga mambabatas ang insidenteng ito para isulong ang pagkakaroon ng mandatory ROTC sa bansa.


Ayon sa kanila, kailangan ang ROTC para maturuan ang mga kabataan na respetuhin ang batas, galangin ang bansa at ang kapwa.


Sa kasalukuyan, anim na panukalang-batas ang inihain sa Senado para muling ibalik ang mandatory ROTC sa mga college students sa bansa.


☻☻☻


Tila nakalimutan na ng iba na ang dahilan na kaya nasuspinde ang ROTC program ay dahil sa katiwalian, pang-aabuso at hazing.


Siguro, dapat munang ipaliwanag ng mga nagsusulong nito kung bakit ang ROTC na kanilang sinasabing may ‘tradition of discipline’ ay may mahabang listahan ng hazing cases.


Bukod dito, nais ko ring idiin na hindi hawak ng ROTC ang prangkisa ng pagdidisiplina o pagmamahal sa bayan.


Iba’t iba ang hugis ng patriyotikong pagmamahal, at lahat tayo ay may sari-sariling paraan ng hindi mapanakit na pagdidisiplina.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!



Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | March 9, 2023



Mariin nating kinukondena ang pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at 8 iba pang indibidwal nitong nakaraang Sabado, Marso 4.


Napatay si Gov. Degamo nang sugurin siya sa kanyang bahay ng mga armadong lalaki na may suot na pixelized uniforms habang nagpapamigay siya ng ayuda sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).


☻☻☻


Nababahala tayo, sapagkat pang-apat na ang nangyari kay Gov. Degamo sa mga kamakailang kaso ng pananambang sa loob lamang ng 15 araw, mula Pebrero 17 hanggang Marso 4.


Bukod kay Gov. Degamo, naging biktima rin si Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr. Habang nakaligtas siya at nagtamo ng ibang sugat, apat sa kanyang security detail ang sa kasamaang-palad ay namatay.


Si Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at 5 pa niyang kasama ay napatay habang bumabiyahe sa Bagabag, Nueva Vizcaya. Si Datu Montawal, Maguindanao Mayor Ohto Montawal naman ay nasugatan sa hiwalay pang ambush attempt.


☻☻☻


Kaugnay ng sunud-sunod na krimeng ito, kasama tayo sa mga naghain ng Senate Resolution No. 517 na kumukondena rito.


Sa pamamagitan ng resolusyong ito, hinihimok din namin ang mga awtoridad na gawin ang lahat ng makakaya upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng mga karumal-dumal na krimeng ito.


Kasama rin sa panawagan natin ang patuloy na pagtaguyod ng batas upang maprotektahan ang kapakanan ng sambayanang Pilipino.


☻☻☻


Nitong Martes, Marso 7, sinimulan na natin ang pagdinig ng Committee on Tourism, kasama ang Committee on Sustainable Development Goals, Innovation, and Futures Thinking tungkol sa mga nauulat na kaso ng paglapastangan sa Masungi Georeserve.


Gaya ng nasabi ko sa hearing, hindi pagtuturuan ang habol natin sa imbestigasyon.


Ang nais natin ay malaman kung ano ba talaga ang problema at kung bakit ito nananatili dahil saka lamang natin maiisipan ng solusyon kung nakikita natin ang buong larawan.


Asahan n’yo na magiging masigasig tayo sa pag-abot ng layunin na ito para mapanatili natin ang Masungi at iba pa nating protected areas.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page