top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | April 20, 2023



Noong Martes, Abril 18, nagsagawa tayo ng ocular inspection sa Masungi Georeserve.


Parte ito ng imbestigasyon na sinimulan natin dahil sa iba’t ibang isyu na pumapalibot sa naturang lugar.


Mayroong isyu ng paggamit ng dahas na nakakabit sa isyu ng land-grabbing, illegal logging, at quarrying.


☻☻☻


Ang isa pang nagbabagang isyu ay ang naiulat na plano ng Bureau of Corrections (BuCor) na patayuan ng bagong headquarters at iba pang pasilidad ang Masungi Georeserve.


Ayon kasi sa BuCor, pagmamay-ari nila ang Masungi, na kabilang sa sinasabing ‘Lot 10’ na ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng Proclamation No. 1158.


☻☻☻


Tutol tayo sa pagpapatayong ito.


Nagsilbing eye-opener ang aming pagbisita sa Masungi. Kailangan nating maprotektahan ang napakagandang lugar na ito upang ma-enjoy, hindi lang ng mga taga-Rizal at Metro Manila kundi ng bawat interesadong bisita na nais maranasan ito.


May mga praktikal din na konsiderasyon dahil hindi akma ang Masungi para sa mga building, kaya tiyak na magdudulot ng pagkasira ng lugar kung ipipilit ang pagpapatayo ng mga ito.


☻☻☻


Kukumbinsihin ko ang aking mga kapwa senador at maging ang ibang ahensya na dalawin din ang Masungi upang makita nila kung bakit mas makabubuti para sa bansa at sa ating mga kababayan na konserbahin ito.


Nawa’y magtagumpay tayo sa pagprotekta, hindi lamang sa Masungi kundi sa lahat ng natural parks sa buong bansa.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | April 16, 2023


Nakakabahala ang lumabas na ulat ng Commission on Audit (COA) na nagsasabing kailangang gumawa ng paraan ng Nayong Pilipino Foundation (NPF) na magkaroon ng alternative revenue sources para sa kanilang operations.


Ayon sa COA, kung walang konkretong plano o proyekto para magkaroon ng income, at walang movement para maging sustainable ang operations ng NPF, paniguradong masisimot kung anumang pondo na mayroon sila.


Siguro, kailangan na balikan at i-review ng Department of Tourism (DOT) ang na-approve ng National Economic and Development Authority (NEDA) na orihinal at kauna-unahang PPP (Public Private Partnership) model para sa isang cultural theme park ng Nayong Pilipino.


Kung ating babalikan, kasama sa planong ito ang pagkakaroon ng P1.5-billion tourism-oriented project under PPP na magtatampok sa kulturang Pilipino.


☻☻☻


Maaari ring tingnan ng DOT ang financial and sales projections ng NPF sa susunod na lima hanggang 10 taon.


Bukod pa rito, tingnan na rin ng DOT ang ibang activities yung mga corporate function na nadodoble lang ang mga ginagawa na ng ibang ahensya.


Kailangang magkaroon ng sense of urgency ng NPF at kailangan na nilang kumilos para masiguro na patuloy na maging self-sustaining GOCC.


☻☻☻


Bukas, Abril 17, ang deadline ng filing ng income tax return (ITR) at sinabi na rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi nila i-e-extend ang deadline na ito.


Lubhang mahalaga ang buwis na naiaambag nating lahat sa mga programa at proyekto ng pamahalaan para sa ikauunlad ng ating bansa.


Kaya naman pinaalalahanan natin ang lahat na huwag kalimutan ang kanilang obligasyon na magbayad ng tamang buwis.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice!


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | April 13, 2023



Tila ‘back on track’ na ang turismo ng bansa.


Ayon sa Tourism Congress of the Philippines, naobserbahan ang pagdami ng turista sa mga top destination kagaya ng Boracay, Mactan sa Cebu, Siargao, Bohol, at Palawan sa nakaraang Holy Week.


“All the hotels are full, especially the hotels in the popular destinations. They’re full and they’re charging high because they know it is peak (season) and that’s the only time they can recover.


We’re very happy with what’s happening,”ani Roberto Z. Zozobrado, ang president ng TCP.


☻☻☻


Naniniwala naman si Benito C. Bengzon, Jr., Philippine Hotel Owners Association, Inc. (PHOA) executive director na aarangkada ang turismo ngayong summer.


Dagdag pa niya, ilan sa mga member hotels ng PHOA sa Metro Manila ay nakabalik na sa pre-pandemic levels kung ang pag-uusapan ay occupancy at average daily revenue.


Umaasa ang dalawang grupo na tuluyang makakarecover ang turismo ng bansa ngayong taon.


☻☻☻


Umaasa rin tayo na magtutuluy-tuloy na ang ating tourism recovery.


Ang target ng Department of Tourism (DOT) para sa international tourist arrivals sa taong ito ay 4.8 million, o halos doble ng 2.65 million arrivals natin noong 2022.


Ngunit malayo pa rin ito sa 8.26 million international arrivals na naitala natin noong 2019.


Kailangang maging mas agresibo pa tayo sa pagpuno ng mga pagkukulang sa infrastructure, transportation, at iba pang salik upang mas mahikayat pa natin, hindi lang ang mga dayuhan kundi maging kapwa natin Pilipino, na bumiyahe at tuklasin ang bansa natin.


Nawa’y sa lalong madaling panahon ay maging mas malaking bahagi ng ekonomiya, at kaugnay nito, ng kabuhayan ng ating mga kababayan, ang turismo.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page