top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | April 30, 2023



Sobrang nakakabahala ang balita ng UNICEF na nagsabing mayroong isang milyong bata na ‘at risk and unprotected’ dahil wala silang kahit isang bakuna.


Ayon sa tala ng UNICEF, pang-lima tayo sa may pinakamaraming ‘zero-dose’ children na mga bansa at pangalawa sa East Asia and the Pacific Region sa pinakamaraming bata na hindi pa nakakakuha ng routine vaccinations.


Maituturing na ‘zero-dose’ children ang mga bata na hindi pa nakakakuha ng unang dose ng trivalent diphtheria-tetanus-pertussis (DTP) vaccine.


☻☻☻


Ayaw na nating lumobo pa ang bilang ng zero-dose children.


Naiintindihan natin na malaki ang naging epekto ng pandemya sa ating routine vaccine services.


Pero hindi natin puwedeng idahilan ang pandemic fatigue dahil mayroon tayong malaking accountability sa mga bata.


Siguro, napapanahon na para i-improve ng Department of Health (DOH) ang kanilang ‘patak’ strategies at para masiguro na isang milyong bata ang mababakunahan sa loob ng dalawang taon.


☻☻☻


Para may katuwang ang DOH, kailangan ding paigtingin pa ng mga local government units ang kanilang information campaign para mapataas ang vaccine confidence ng ating mga kababayan.


Marami pa ring underserved communities, at napakaimportante ng parte rito ng ating mga barangay.


Kailangan nating kumilos at sa pagtaas muli ng bilang ng COVID positive cases sa bansa, talagang kailangang mag-step-up ng pamahalaan para gumanda ang ating immunization status.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!



Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | April 27, 2023



Noong lunes, inanyayahan tayong makibahagi sa 343rd Founding Anniversary ng bayan ng Cabangan sa Zambales.


Sa idinaos na Gabi ng Cabangan, binigyang-diin ko ang halaga ng mga kapistahan at iba pang okasyon sa muling pagbuhay ng sektor ng turismo pagkatapos ng dagok ng pandemya.


Bilang chair ng Senate Committee on Tourism, lubos nating sinusuportahan ang ganitong mga aktibidad na nagbibigay ng pagkakataon sa mga bayan na itanghal ang kanilang kultura at pamanang-lahi.

☻☻☻


Ngunit kailangan nating mag-ingat dahil nar’yan pa rin ang banta ng COVID-19.


Ang patuloy na hamon para sa pambansa at lokal na pamahalaan ay ang pagbalanse ng ating pagsisikap na muling makabangon at ang kalusugan ng lahat.


☻☻☻


Habang nasa Zambales ako, nagkaroon din ako ng pagkakataon na madalaw ang isang mango farm.


Nakatikim tayo ng sikat na Zambales mangoes at nakita rin ang proseso sa produksyon nito sa Mario Magsaysay Farm sa Cabangan.


Mahalagang salik din ng turismo ang pagkain. Natutuwa tayo na marami sa ating mga kababayan ang nagsusumikap na pagbutihin ang kanilang mga produkto na tunay namang maipagmamalaki sa buong mundo.

☻☻☻


Sa ating mga kababayan na nagpaplanong magbakasyon ngayong tag-init, sana’y sikapin din natin na madiskubre ang iba’t ibang yaman ng bansa.


Napakaraming magandang lugar sa Pilipinas na naghihintay sa pagbisita natin.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | April 23, 2023



Marami ang hindi natuwa sa pag-anunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na papel na lisensya muna ang kanilang ibibigay sa mga kumukuha ng driver’s license habang hindi pa naaayos ang supply para sa plastic na lisensya.


Ayon sa LTO, mayroong shortage ng plastic cards at hanggang katapusan na lang ng Abril ang suplay ng plastic card ng driver’s license.


Dagdag pa nila, tinatayang aabot sa 5.2 milyon na driver’s license holders ang maaapektuhan ng shortage na ito.


Hindi natin alam kung bakit patuloy na nagkakaroon ng ganitong aberya sa LTO.


Matapos nating palawigin ang validity ng lisensya sa sampung taon, binigyan naman natin ng bagong problema ang ating mga motorista.


Binabayaran naman ng ating mga kababayan ang pagkakaroon ng lisensya at dapat lamang ibigay ang karampatang serbisyo sa kanila.


☻☻☻


Nitong nakaraang Linggo din ay binatikos ang LTO matapos ihanay ng isang regional office ang mga LGBTQ sa priority lane na para sa mga senior citizens, buntis, at PWD.


Umalma ang publiko at maging ang mga kabilang sa LGBTQ community sa ginawang desisyon ng LTO regional office.


Depensa ng LTO, isolated case ang nangyari at bahagi ng gender and development project ng nasabing opisina.


Maganda man ang naging intensyon ng LTO, hindi pa rin maipagkakaila na mali ang ginawang desisyon ng LTO regional office na gawin ito.


☻☻☻


Ibayong pag-iingat po sa lahat ng ating mga kababayan dahil nagbabala ang PAGASA na muling tataas ang heat index sa ating bansa.


Hinihimok natin ang lahat na uminom ng tubig, magsuot ng preskong damit at iwasang lumabas bandang tanghali hanggang hapon.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page