top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | May 11, 2023


Nalalabuan tayo sa bagong country brand na nilabas ng pamahalaan kamakailan lang.


Namataan sa isang wrap-around bus sa London ang bagong country brand, na tinatampok ang Filipina-British nurse na si May Parsons na may hawak na syringe. May teksto itong, “The nurse who gave the world’s first COVID 19 vaccine. A Filipina. We give the world our best. The Philippines.”


☻☻☻


Nababahala tayo na tila ba ini-endorso natin ang labor exportation, na hindi naman opisyal na polisiya ng bansa. Nakukumplika rin ito ng sitwasyon ng ating pampublikong kalusugan dahil sa kakulangan natin sa healthcare workers.


Para kanino ba ang ad na ito, sa Department of Tourism, Board of Investments, o Department of Migrant Workers?


Ano ba ang target ng ad na ito, ang maghikayat na dalawin ang bansa, foreign investment o para kunin ng mga ospital sa ibang bansa ang mga nars natin?


Kung para sa turismo— sa unang tingin pa lang, ano ang konek ng nars, heringgilya at bakuna sa pino-promote nating mga tour destination?


☻☻☻


Napakaganda at epektib na ng kasalukuyang tourism slogan natin na, “It's More Fun...”


Sa halip na palitan, bakit hindi na lang natin ipagpatuloy ito at humanap ng bagong atake at estratehiya para manatiling ‘fresh’ ang kampanyang ito?


Dahil kung ipipilit natin ang ‘best’ ads sa turismo, sa unang nakita natin, mukhang hindi ito tugma sa gusto nating makamit sa turismo ng bansa.


Ang madalas sabihin, huwag ayusin ang hindi naman sira.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | May 7, 2023


Nitong nakaraang araw, naglabas ng babala ang OCTA Research na maaaring umabot sa 25% ang positivity rate sa NCR.


Bagama’t tumataas na ang positivity rate sa ilang lugar sa ating bansa, iminungkahi naman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na hindi na kailangang gawing mandatory ang pagsusuot ng face mask.


Sinabi naman ng Department of Health (DOH) na hindi dapat mabahala ang publiko dahil natural lang na tataas at bababa ang mga kaso sa Pilipinas dahil na rin sa patuloy na pagmu-mutate ng virus at paglitaw ng mga variant.


Sa kabila nito, pinapayuhan pa rin ng DOH ang lahat na mag-ingat at magsuot ng face mask kung maaari kahit hindi ito mandatory.


☻☻☻


Naniniwala ang inyong lingkod na kahit hindi gawing mandatory ang pagsusuot ng face mask, kailangan pa ring magkaroon ng informationn campaign tungkol sa mga benepisyo ng pagsusuot nito.


Sa ating palagay, gawin pa rin itong voluntary, pero mas maging maingay sa panawagan na maging mapagmatyag at magsuot ng mask, lalo na sa mga matataong lugar.


Naniniwala rin ako na tama lang na bigyan ng kapangyarihan ang mga industriya na magdesisyon kung on-site, hybrid o work from home muna ang kanilang set-up.


Sa kasalukuyan, may mga eskuwelahan na balik na ulit sa hybrid at may mga opisina na nagdesisyon na balik muna sa work from home.


Naiintindihan natin na kailangang balansehin ang productivity at employee safety dahil kung maraming empleyado ang magkaka-COVID, tiyak na mapipilayan din ang mga negosyo.


☻☻☻


Bukod sa pagsusuot ng face mask, kailangan din nating patibayin ang ‘wall of immunity’ ng ating bansa laban sa COVID-19.


Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagkukumpleto ng primary series, booster shot at second booster na bukas na ngayon sa general population.


Napakahalaga na patuloy nating palakasin ang ating pangangatawan at ang ating immunity, lalo na kontra sa COVID 19.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | May 4, 2023



Panibagong perhuwisyo at kahihiyan na naman ang inabot natin sa nakaraang power outage sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Labor Day.


Nasa 9,391 pasahero ang naapektuhan sa pagkansela at pagkadelay ng iba’t ibang domestic at international flights dahil sa power outage na inabot mula ala-1:05 ng hatinggabi hanggang alas-8:46 ng umaga.


Eksaktong apat na buwan ito mula New Year shutdown ng buong airspace ng bansa.


☻☻☻


Hindi magandang mensahe ang ipinararating ng ganitong regular na perhuwisyo. Ipinakikita nito kung gaano kahina at kapangit ang mga airport natin.


Bakit ba parang tuwing nasa kalagitnaan ang lahat ng long weekend, laging may aberya na nangyayari sa ating mga airport?


Kadalasan, may hindi magandang karanasan ang ating mga pasahero.


☻☻☻


Hindi ba dapat laging handa ang mga airport natin sa mga extraordinary at emergency situation, lalo pa ngayong summer at peak season?


Ano na ba ang nangyari sa pangako ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) na backup at redundant systems na ia-upgrade nila para maiwasan ang ganitong mga perhuwisyo?


Parang hindi na tayo natututo.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!



Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page