top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 11, 2023



Kamakailan lamang ay naghain ng resolusyon sa Senado ang ating kaibigan na si Senate President Pro Tempore Loren Legarda para magkaroon ng isang espesyal na komite na naatasang pag-aralan ang rehabilitasyon ng Manila Central Post Office (MCPO).


Sa kabutihang palad, kabilang ang inyong lingkod sa nasabing komite kasama sina Minority Leader Aquilino "Koko" Pimentel III, at ang aking mga kapwa senador na sina Pia Cayetano at Sonny Angara.


Ilan sa mga bagay na kailangan naming busisiin sa komite ay:


* Kung gaano kalawak ang pinsala ng sunog sa MCPO?


* Magkano ang halaga ng reconstruction at rehabilitation?


* Ano ang mga aksyon na kailangan para masimulan agad ang rehabilitation?


☻☻☻


Nauna nang nagsabi si Senate President Juan Miguel Zubiri na magtutulungan ang Senado at ang Department of Budget and Management (DBM) para mahanapan ng pondo ang pagsasaayos ng MCPO.


Lubhang mahalaga ang rehabilitasyon ng MCPO dahil isa ito sa itinuturing na historic buildings sa bansa at idineklara pang Important Cultural Property (ICP) base sa Republic Act 10066 o National Cultural Heritage Act of 2009.


Umaasa rin tayo na magsisilbing aral ang pagkasunog nito para lalo pa nating pahalagahan at bigyang proteksyon ang ating mga historical sites.


☻☻☻


Bukas ay ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan.


Kaya naman nais nating magbigay ng pagsaludo sa ating mga magigiting na bayani mula noon hanggang ngayon na nagbuwis at nag-alay ng kanilang buhay para sa ating bansa.


Advance Happy Independence Day po sa lahat!


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 08, 2023



Sa wakas, humirang na si President Bongbong Marcos ng kalihim para sa Department of Health (DOH) at Department of National Defense (DND).

Na-appoint bilang DOH Secretary si Dr. Teodoro Herbosa at DND Secretary naman si Gilberto Teodoro, na dati na ring naging kalihim ng ahensya noong Arroyo administration.

☻☻☻

Sa laki ng pamahalaan, hindi kayang tutukan ng Pangulo ang bawat isang ahensya. Ang papel ng mga kalihim sa bawat ahensya ay para punan ang pangangailangan ng lider sa mga ito. Nagsisilbing “alter ego” ng Pangulo ang mga kalihim upang maayos na mapalakad ang mga departamento.

Ito ang dahilan kaya mahalagang napupunan agad ang mga bakante sa mga leadership positions na ito upang masigurong nasa tamang direksyon ang pagkilos ng bawat ahensya at nagagampanan ang tungkulin nilang maglingkod sa bayan.

☻☻☻

Kaugnay nito, umaasa tayong maghihirang na rin si Pres. Marcos ng kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Naiintindihan natin ang simbolismo na pangulo ang namumuno sa mahalagang sektor ng agrikultura. Ang mensahe nito ay kinikilalang top priority ang agrikultura sa gitna ng krisis sa klima at mataas na presyo ng pagkain.

Ngunit masyado nang maraming papel na ginagampanan ang Pangulo sa ngayon.

☻☻☻

Kailangan na natin ng dedicated agriculture secretary na tututok sa iba’t ibang hamon na hinaharap ng sektor, kasama na ang dinaranas nating El Niño.

Ito rin ang panawagan ng iba’t ibang agriculture stakeholders sa bansa.

Nawa’y pakinggan ng Pangulo ang panawagang ito.


☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | June 4, 2023


Nitong nakaraang Miyerkules, pinagbotohan sa Senado ang panukalang pagtatayo ng Maharlika Investment Fund (MIF).


Labing-siyam na senador ang bumotong pabor dito ngunit ang inyong lingkod ay piniling mag-abstain sa botohan.

☻☻☻

Sa ilang linggong deliberasyon, nagkaroon tayo ng pagkakataon na magtanong at mapakinggan ang mga argumento para at laban sa pagtataguyod ng Maharlika Investment Fund.


Naniniwala tayo na kailangang gumawa ng mga hakbang para muling bumangon ang ating ekonomiya.


Naiintindihan din natin kung papaano makakatulong ang Maharlika Investment Fund sa ating long-term economic growth.


Maraming amendments at safeguards ang aming naidagdag sa panukalang batas ngunit sa kabila nito, naniniwala ako na mas marami pa rin ang mga katanungan na hindi nasagot.

☻☻☻

Kabilang sa aming tungkulin bilang halal ng taumbayan na protektahan ang interes ng taumbayan.


Sinuri natin at tinimbang ngunit sadyang kulang ang panukalang batas.


Kapos pa ang Maharlika Investment Fund sa mga batayang dapat magsusulong sa interes ng taumbayan, at magbibigay proteksyon sa pondo natin na dapat pangalagaan.


Huwag tayong magmadali at siguruhin natin na hindi natin pagsisisihan ang pagsasabatas ng Maharlika Ivestment Fund.

☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page