top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | June 22, 2023



Plano raw ng Department of Health na payagan ang mga hindi lisensyadong nursing graduates para tugunan ang kakulangan ng nurse sa mga pampublikong ospital.


Ayon kay newly-appointed Sec. Teodoro Herbosa, papayagan daw nila ang mga nursing graduate na hindi pumasa sa board exam na may grade na 70-74 % na magtrabaho sa mga public hospital.


Bibigyan sila ng temporary license at magtatrabaho under supervision.


Ayon kay Herbosa, temporary solution lang daw ito.


☻☻☻


Tunay ngang problema ang kakulangan ng mga nurse sa public hospitals.

Nabigyang-diin ito noong kasagsagan ng pandemya at nanawagan tayo na gamitin ang mga fresh nursing graduates at iyong mga katatapos lang ng board exams upang makapagpahinga ang mga over-fatigued nating medical frontliners.


Ngunit bago ituloy ng DOH ang plano nito, sana magkaroon muna ng komprehensibong pag-aaral.


Mahalagang makinig ang DOH sa sektor at magkaroon ng malalimang konsultasyon kasama ang mga allied sectors sa medical field.


☻☻☻


Ang pinaka-practical na maaaring gawin ay i-prioritize ang pag-empleyo sa mga lisensyadong nurse na walang trabaho subalit handa nang magserbisyo para maisaayos din ang working hours ng mga overworked nating nurses.


At sana, hindi piecemeal o bara-bara ang approach natin sa pagtugon sa iba’t ibang isyu ng health sector.


Umaasa tayong maglalatag ng malinaw at kongkretong programa ang DOH para maitaguyod ang kapakanan ng ating mga health care workers.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | June 18, 2023




Sa Hunyo 21 ay magkakaroon ng imbestigasyon sa Senado para suriin ang ilan sa mga aberya at reklamo ng mga pasahero kontra sa Cebu Pacific.


Ang imbestigasyon na ito ay bunsod ng Senate Resolution No. 575 na inihain ng inyong lingkod dahil sa sunud-sunod na mga reklamo ng overbooking, offloading at glitches laban sa nasabing airline.


Matatandaan na nitong mga nakaraang buwan, bumaha sa social media ang mga reklamo ng mga pasaherong na-offload sa kanilang mga Cebu Pacific flights.


Ang nakakadismaya pa rito, karamihan sa kanila ay hindi binigyan ng agarang paliwanag o dahilan kahit na pilit silang dumudulog sa kanilang official chatbot at in person help desks.


☻☻☻


Bilang chair ng Senate committee on tourism, lubos tayong nababahala sa masamang epekto ng mga reklamong ito sa ating turismo.


Hindi maiiwasan na maaaring mag-iwan ito ng bad impression sa mga turista lalo pa at nakikita nila kung paano tratuhin ng airline ang kanilang mga customers.


Umaasa tayo na sa darating na hearing ay tatalakayin kung naipapatupad ba nang maayos ang Air Passenger Bill of Rights.


Tatalakayin din natin kasama ng ating mga kaibigan sa Department of Tourism at Civil Aeronautics Board kung papaano natin reresolbahin ang isyung ito kasama na kung ano at papaano ba ang compensation na nararapat sa mga apektadong pasahero.


☻☻☻


Sa araw na ito nais ko ring bigyang pasasalamat ang lahat ng sakripisyo at walang sawang pagmamahal ng mga ama at tumatayong ama sa ating buhay.


Pagpupugay po sa mga haligi ng tahanan at Happy Father’s Day po sa lahat!


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | June 15, 2023



Kailangang patuloy na tutukan ang sakit na dengue lalo pa’t tag-ulan na.

Ayon sa Department of Health, patuloy na tumataas ang kaso ng dengue sa bansa.


Base sa pinakahuling disease surveillance report ng ahensya, 48,109 kaso ang naitala mula January 1 hanggang May 13.


Mas mataas ito nang 38 percent kumpara sa 34,963 kaso na naitala sa parehong panahon noong 2022.


☻☻☻


Hindi na bago ang sakit na ito, at kabisado na dapat ng lahat ng antas ng pamahalaan, mula national hanggang barangay, ang mga protocol sa pagtugon dito.

Ngunit kailangan nating bigyan-diin at laging paalalahanan upang hindi tayo maging pabaya.


Tandaan natin na ang ating mga anak ang nahaharap sa panganib ng nakamamatay na sakit na ito.


Gawin nawa natin ang lahat upang maprotektahan sila at mapanatili ang kanilang kalusugan.


☻☻☻


Pumanaw kamakailan lamang ang dating Senador Gen. Rodolfo Biazon.

Bilang sundalo at mambabatas, walang patid na itinaguyod ni Sen. Biazon ang ating demokrasya.


Nakikiramay tayo sa kanyang pamilya.

Tunay na isang malaking kawalan para sa bansa ang pagpanaw niya.

☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page