top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | July 2, 2023


“Love the Philippines” ang bagong slogan ng turismo sa Pilipinas na inilunsad ng Department of Tourism (DOT) kamakailan.


Ito ang papalit sa dating “It’s More Fun in the Philippines” na simulang ginamit ng ating bansa noong 2012.


Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, layon ng bagong slogan na ito na i-highlight ang ating pagiging Pilipino pati na rin ang pagpapakilala sa mga tourism asset ng bansa na hindi pa lubusang natatapik ang potensyal.



☻☻☻


Naiintindihan natin na nais ng DOT na magkaroon ng bagong atake sa ating tourism campaigns.

Malaking bagay na ipakita sa mundo kung gaano kaganda ang Pilipinas at handang-handa na tayong tumanggap ng mga turista sa bansa.


Wala rin tayong pag-aalinlangan na dumaan ito sa masusing pag-aaral at FGDs.


Pero, for me, it's a question of timing.


Laging may kakambal na gastos ang pagbabago ng slogan at malaking alalahanin ang gagastusin ng bansa para sa rebranding na ito.


Sa dami ng mga kailangan nating unahin at i-prioritize na pagkagastusan, naniniwala ako na wala tayong sapat na pondo para gastusan ang re-brand.


☻☻☻


Pero dahil naihayag at nailunsad na ito ng DOT, wala na tayong choice kundi tanggapin ang rebranding na ito.


‘Ika nga, ‘pag love mo ang isang tao o bagay, tatanggapin mo anuman 'yung kanyang kakulangan, and willing ka pa ring bigyan ng chance — with the hope na mag-work out.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | June 29, 2023



Nitong nakaraang Martes, idinaos ang unveiling ng marker na nagtatakda sa Tahanang Pilipino bilang Important Cultural Property.


Ang ICP ay iginagawad sa mga cultural property na may “exceptional cultural, artistic and/or historical significance.”


Ang gusaling kilala rin bilang Coconut Palace sa Cultural Center of the Philippines Complex sa Pasay City ay 45 taon nang nakatayo.


Dinisenyo ito ng National Artist na si Architect Francisco "Bobby" Mañosa. Si Mañosa ang isa sa mga nagtaguyod sa bansa ng tinatawag na neo-vernacular architecture, o iyong paghahalo ng mga elementong tradisyunal at katutubo sa moderno.


Bukod sa pagtanggap sa iba’t ibang heads of state at iba pang dignitary mula nang itayo ito, nagsilbi ring official office and residence ng Bise Presidente ng bansa ang Tahanang Pilipino.


☻☻☻


Mahalaga ang “built heritage” sa paglinang ng kaakuhan nating mga Pilipino.


Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon tayo ng tinatawag na “pride of place”. Nagsisilbi ang mga istrukturang gaya ng Coconut Palace na tulay ng kasalukuyan sa nakaraan, at nagpapaalala sa atin ng husay at dangal ng ating lahi.


Umaasa akong magkakaroon tayo ng mas malalim na pag-unawa sa halaga ng ating built heritage, at mula rito ay mag-uugat ang pagpapahalaga natin sa mga mahahalagang lugar na ito.


Nawa’y magtulungan ang bawat Pilipino sa pagprotekta at pagkonserba ng mga ito.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | June 25, 2023


Noong Miyerkules sinimulan natin ang imbestigasyon sa sari-saring reklamo ng ating mga kababayan laban sa Cebu Pacific at iba pang airlines sa bansa.


Ilang mga resource persons ang naglahad ng kanilang mga karanasan kung papaano nauwi sa kanselasyon ang kanilang mga flight.


Base sa kanilang mga kuwento, pare-pareho sila na hindi nabigyan ng malinaw na paliwanag kung anong nangyari sa kanilang mga flight.


☻☻☻


Nakalulungkot dahil lumalabas sa ating pagdinig na tila manhid na sa reklamo at dinaranas ng mga pasahero ang ating mga airlines.


Tila nawala na rin ang human touch dahil chatbot na lang ang hinaharap sa mga pasahero gayung ang gusto lang naman nila ay tao mismo ang magpaliwanag kung bakit na-cancel ang flight o kung bakit hindi sila makakasakay.


Our people deserve better. Hindi puwedeng pasahero na lang lagi ang patuloy na mag-a-adjust.


Gastos nang gastos ang ating gobyerno sa promotion ng ating bansa pero sangkaterba pa pala ang problema lalo na pagdating sa ating mga airport at airlines.


Bukod dito, baka ‘yung mga inaasahan nating magiging repeat tourists ay hindi na bumalik at mag-iwan pa ng bad review sa Pilipinas dahil sa hindi magandang experience nila.


☻☻☻


Hindi finger-pointing ang target natin sa hearing kundi ang paghahanap ng epektibong solusyon para matapos na itong aberya ng mga pasahero ng airlines.


Umaasa tayong mula sa imbestigasyon na ito ay makakahanap tayo ng solusyon upang mapabuti ang lagay ng ating air transport sector at magtataguyod sa kapakanan ng ating mga kababayan.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page