top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | October 12, 2023


Sagabal sa daan at delikado ang mga poste ng kuryente at mga puno sa gitna ng mga kalsadang sakop ng mga road-widening project ng Department of Public Works and Highways.


Marami sa ating mga kababayan ang nagrereklamo dahil sa panganib na dulot ng mga ito.


Dahil dito, madalas tayong humihingi ng aksyon mula sa pamahalaan sa relokasyon ng mga ito upang maiwasan ang mga disgrasya.


Sa nakaraang pagtalakay ng budget ng DPWH sa Senado, muli tayong nanindigan na kailangang ilipat na ang mga ito sa lalong madaling panahon.


☻☻☻


Ayon kay DPWH Sec. Manuel Bonoan, mayroon nang alokasyon na P50 million para sa paglipat ng mga poste.


Kinausap na rin daw nila ang National Electrification Administration para maresolba ang problemang ito.


Inaasahan natin ang agarang pagtanggal ng ahensya ng mga nakahambalang poste ng kuryente at mga puno sa ating mga kalsada.


Marami nang aksidenteng nangyari at ayaw na nating madagdagan pa ito.


Sana, sa susunod na mga road-widening project ay masiguro rin na hindi na mauulit ang kawalan ng koordinasyon at aksyon na siyang responsable kaya’t may ganitong isyu.


Asahan ninyo na patuloy tayong mangungulit at mangangalampag hanggang kumilos ang pamahalaan para siguruhin ang kaligtasan nating lahat.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | October 05, 2023


Nitong nakaraang araw ay sinimulan na natin ang pagdinig ng panukalang 2024 budget ng Department of Tourism.


Sa hearing na ito ay inihayag ni Secretary Christina Frasco na hanggang Oktubre, mahigit apat na milyon na ang mga international tourist arrivals sa bansa.


Aniya, malapit na nitong maabot ang target na 4.8 milyong international tourist arrivals bago matapos ang 2023.


Malaking bagay ito dahil ang naturang bilang ay halos dalawang beses ang itinaas mula sa 2.65 milyon na international arrivals sa bansa noong 2022.


☻☻☻


Samantala, kinuwestiyon naman natin kung bakit sa mga turista mula China lamang binuksan ang e-visa system.


Bagama’t sinabi ng DOT na bahagi ito ng mga commitment program ng Pilipinas at China matapos ang state visit ni Pres. Bongbong Marcos sa Beijing, magandang masiguro rin natin na hindi hilaw ang safety measures ng programang ito.


Nababahala kasi tayo dahil maraming Chinese national ang pumapasok sa bansa bilang turista pero ‘di naglaon ay nasasangkot naman sa mga ilegal na aktibidad.


Hindi rin sapat na dahilan na priority market ang Chinese tourists kung ang kapalit naman nito ay ang seguridad ng ating mga kababayan.


☻☻☻


Happy World Teachers’ Day sa lahat ng ating mga guro.


Maraming salamat sa inyong dedikasyon at pagsusumikap para linangin ang kaisipan ng ating mga mag-aaral.


Mabuhay ang ating mga guro!


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | October 01, 2023


Nitong nakaraang linggo ay pinarangalan sa Senado ang 10 Huwarang Pilipinong mga awardees ng Metrobank Foundation Outstanding Filipinos.


Isa ang inyong lingkod sa co-sponsor ng Senate Resolution number 724 na nagbigay pugay sa 10 kapita-pitagang Pilipino na nagpamalas ng angking galing at inilaan ang kanilang sarili para sa ikauunlad ng kanilang kapwa.


Ang 10 Outstanding Filipinos sa taong ito ay sina June Elias Patalinghug, EdD; Rex Sario, MAT; Jovelyn Delosa, Ph.D.; Edgar Durana, MAEd; S/Sgt. Danilo Banquiao, PA; Col. Joseph Jeremias Cirilo Dator, PA; Lt. Col. Joseph Bitancur, PAF; Maj. Mae Ann Cunanan, PNP; Col. Renell Sabaldica, PNP; at Chief Master Sgt. Dennis Bendo, PNP.


Ipinakita ng Outstanding Filipinos, na binubuo ng mga guro, pulis at sundalo, ang natatanging pagmamahal sa kapwa at sa bayan.


Nawa’y maging inspirasyon ang mga nagawa ng mga awardees at nawa’y dumami pa ang sumunod sa kanilang mga yapak.


Muli, pagpupugay sa Outstanding Filipinos!


☻☻☻


Bukod sa Outstanding Filipinos, kinilala rin sa Senado ang ika-45 na anibersaryo ng Jesus is Lord Church Worldwide.


Sa pangunguna ni Bro. Eddie Villanueva, patuloy na isinasabuhay ng mga miyembro ng JIL ang kanilang pananampalataya at naging katuwang ng pamahalaan sa adhikaing paglingkuran ang mga nangangailangan.


Congratulations sa inyong kapatiran at patuloy n’yong isama sa inyong mga panalangin ang ating bansa.

☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page