top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | October 22, 2023


Nagsimula na noong Huwebes, Oktubre 19 ang campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Ayon sa Comelec, inaasahang aabot sa 1,414,487 ang mga kandidato sa darating na BSKE.


Kabilang dito ang 96,962 kandidato sa pagka-barangay captain; 731,682 para sa Sangguniang Barangay; 92,774 sa Sangguniang Kabataan chairman at 493,069 naman para sa SK council.


Tatagal ng 10-araw o hanggang sa Oktubre 28 ang panahon ng kampanya.


Tandaan, bawal mangampanya ang mga kandidato sa Oktubre 29, na bisperas ng eleksyon hanggang sa Oktubre 30, na mismong araw ng halalan.


☻☻☻


Nauna nang nagpahayag ang COMELEC na mahigpit nilang ipapatupad ang mga panuntunan lalo sa campaign expenditures kaya kailangang magsumite ng mga kandidato ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) matapos ang eleksyon.


Ayon sa COMELEC, pinapayagan lamang na gumastos ng P5 kada rehistradong botante ang bawat kandidato.


Bawal din ang pamamahagi ng mga t-shirt, baller, cap at iba pang bagay na may halaga.


Sa mga supporters naman ng mga kandidato, huwag na ring magsuot ng t-shirt na may larawan ng kanilang kandidato at baka iyan pa ang maging dahilan ng kanilang diskuwalipikasyon sa halalan.


Lahat sana ng mga kandidato ay patuloy na sundin ang mga batas at alituntunin ng COMELEC sa pangangampanya.


Nawa’y makiisa tayo upang matiyak ang isang maayos, ligtas, at mapayapang eleksyon.


☻☻☻


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask ‘pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | October 19, 2023


Maituturing na matagumpay ang nakaraang Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China, para sa bansa.


Nagkamit ang ating mga atleta ng apat na gold, dalawang silver, at 12 bronze medals, na naging sapat para makuha natin ang 17th place.


Ito ang pinakamataas na ranggo natin mula noong 1994, nang makamit natin ang 14th place sa palaro na ginanap sa Hiroshima, Japan.


Sa 395 na atletang Pilipino na lumahok sa Asian Games, maraming salamat sa pagbandera ninyo ng ating bansa!


Patunay kayo ng husay at potensyal ng mga Pilipino na namayagpag at nakipagsabayan sa buong mundo.


Tunay kayong mga bayani.

☻☻☻


Nasa 17 na kababayan nating nagtatrabaho sa Israel ang umuwi na sa bansa, ayon sa Department of Migrant Workers dahil sa kasalukuyang gulo sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gaza.


Ayon sa Department of Foreign Affairs, ligtas ang kalagayan ng 135 Pilipino sa Gaza, at 78 sa mga ito ang nasa Rafah border at naghihintay na makapasok sa Egypt.


Samahan ninyo ako sa panalangin na sa lalong madaling panahon ay manaig ang kapayapaan at matigil na ang pagkitil ng buhay.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | October 15, 2023


Nitong nakaraang linggo ay naibalik na sa National Museum ang Bust of Juan Luna y Novicio.

Ang bust na ito ay nilikha ni Mariano Benlliure noong taong 1884, parehong taon nang manalo si Juan Luna ng First Class Medal at Madrid’s Exposición Nacional de Bellas Artes para sa Spoliarium.

Lubhang mahalaga ang bust na ito sa ating kasaysayan at kultura dahil inaakalang nawala na ang bust na ito matapos ang World War II.

☻☻☻

Ayon sa mga kuwento, ibinenta ng isang magbabakal ang bust na ito kay Irineo Cristobal at ‘di naglaon ay napunta sa kamay ng artist at antique store owner na si Elsie “Inday” Cadapan na siya namang nagbenta nito sa MIB Capital Corporation noong 1979.

Ngayong taon naman ay nagdesisyon ang MIB Capital Corporation na ipa-auction ang bust at dito ito nakita ng mga opisyal ng National Museum.

Agad silang nakipag-ugnayan sa Salcedo Auctions at sa MIB Capital Corporation na mabilis namang pumayag na ibalik ito sa National Museum.

☻☻☻

Napakaganda ng istorya ng bust na ito ni Juan Luna.

Dahil bukod sa kahanga-hangang paglalakbay nito pabalik sa National Museum, sinisimbolo rin nito ang pagkakaibigan nina Mariano Benlliure at Juan Luna.

Akmang-akma din dahil kasabay ng pagbalik ng bust na ito ang 166th birth anniversary ni Luna sa October 25, at ang pagdiriwang ng Museums and Galleries Month.

☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page