top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | November 12, 2023


Nitong nakaraang linggo sinimulan na ang marathon plenary deliberations ng Senado para sa proposed P5.768 trillion na national budget para sa susunod na taon.


Ang pagtalakay sa 2024 General Appropriations Bill ay pinangunahan ni Senate Committee on Finance Chairperson Senador Sonny Angara.


Naunang isinalang ang budget ng Office of the President (OP) at naging mabilis at malinaw ang talakayan tungkol dito.

☻☻☻


Bukod sa OP, isinalang na rin sa plenary ang budget ng Office of the Vice President (OVP).


Dito, inanunsyo ni Sen. Angara na hindi na magre-request ng confidential and intelligence funds ang OVP at Department of Education (DepEd).


Ayon sa statement ni Vice President Sara Duterte na binasa ni Sen. Angara, masyado raw kasing “divisive” ang usapin ng confidential funds at hindi na nila ito hihilingin “to keep the country peaceful and strong.”


Simula pa lamang ito ng ating paghimay sa budget ng pamahalaan para sa susunod na taon.


Makakaasa kayo na sisiguruhin namin sa Senado na lahat ng pondo ay ilalaan para makapagbigay ng karampatang serbisyo sa mga Pilipino.


☻☻☻


Nais ko ring batiin ng belated happy birthday ang aking mga magulang na sina former Vice President Jejomar at Elenita Binay.


Maraming salamat sa paglilingkod n’yo sa bayan at sa walang sawang pagmamahal sa amin na inyong pamilya.


Mahal na mahal namin kayo!

☻☻☻


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask ‘pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | November 9, 2023


Pagkatapos ng halos isang taong pagpapaliban, matagumpay nang naidaos ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) noong October 30.


Naiproklama na ang mga nanalong opisyal ng barangay at SK sa 42,001 barangay sa buong bansa.


Wala rin daw “failure of elections” na naideklara sa kahit saan, ayon sa Commission on Elections.


Nagbigay din ng paalala ang Comelec sa lahat ng kandidato na mag-file ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) bago ang deadline sa November 29.


Base sa Republic Act No. 7166 o ang Synchronized National and Local Elections and Electoral Reforms Act, walang naihalal na opisyal ang maaaring maupo nang hindi pa nakakapag-file ng SOCE.

☻☻☻


Congratulations sa lahat ng nanalo.


Mahalaga ang papel na ginagampanan ninyo sa ating komunidad, kaya’t nawa’y taos-puso ninyong paglilingkuran ang ating mga kababayan.


Nasa P174.2 billion ang panukalang national tax allotment share ng mga barangay para sa 2024.


May pondo para maipatupad ang mga programa’t adhikain para sa ikabubuti at maayos na pamamalakad ng inyong mga komunidad.



Nawa’y maging seryoso tayo sa paggampan ng ating sagradong tungkulin ng paglilingkod-bayan.

☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | November 5, 2023


Kahapon, Nobyembre 4, naging bahagi ang inyong lingkod ng joint session ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso na naging saksi sa makasaysayang talumpati ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida.


Bago ang talumpati ni Prime Minister Kishida, ang huling pagkakataon na may dayuhang head of state na nagtalumpati sa joint session ng Kongreso ay naganap pa noong Pebrero 2006 nang magtalumpati noon si President Avul Pakir Jainulabdeen Abdul Kalam ng India.


Nauna nang nagbigay ng mainit na pagtanggap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Prime Minister Kishida at sa delegasyon nito nang bumisita sila sa Malacañang noong Biyernes ng gabi.


Ilan sa mga kasunduan na nilagdaan sa official visit ni Prime Minister Kishida ay ang Official Security Assistance Grant aid from Japan to the Government of the Philippines worth JPY 600 million (or approximately P235 million) for coastal radar system. The Exchange of Notes concerning the provision of construction equipment for Road Network Improvement/Implementation and Disaster Quick Response Operation Under the Economic and Social Development Programme, Memorandum of Cooperation in the field of Tourism, Memorandum of Cooperation on Mining Sector between the Department of Environment and Natural Resources and the Ministry of Economy, Trade and Industry of Japan.


☻☻☻


Isa ang bansang Japan sa pinakamalaking pinagkukunan ng official development assistance (ODA) ng Pilipinas.



Ayon sa Department of Finance, umabot sa halagang $14.139 bilyon o P7.77 trilyon sa loob ng 20 taon mula 2001 hanggang 2020 ang ODA mula sa Japan.


Ito ay 70 porsyento ng lahat ng $19.656 bilyong kabuuang bilateral loan portfolio sa katulad ding panahon.


Kaya naman malaking bagay ang pagbisita ni Prime Minister Kishida sa ating bansa dahil umaasa tayong lalo nitong pagtitibayin ang kooperasyon at pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at bansang Japan.

☻☻☻


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask ‘pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page