top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | May 2, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Naniniwala tayong may untapped tourism potential ang street food sa ating bansa.

Mahalagang aspeto ng turismo ang pagkain, at maraming turista ang interesado sa pagtuklas ng mga pagkain sa mga lugar na pinupuntahan nila.


Dahil na rin sa mga food vlogs sa social media, mas nakikilala na ang ating local food culture, lalo na ang mga fusion street foods na talagang dinarayo ng mga foodies at turista. 


☻☻☻


Kaya mahalagang nariyan ang mga lokal na pamahalaan para suportahan ang ating mga food entrepreneur, kabilang na ang mga maliliit na manininda na mahalagang bahagi ng lokal na ekonomiya.


Marami sa mga street vendor natin ang napipilitang magtayo ng mga ilegal na bangketa dahil sa kawalan ng espasyo na nakalaan para sa kanila.


Naghahanapbuhay sila nang marangal, ngunit laging nakakabit ang takot na mapapalayas sila at bubuwagin ang mga puwesto nila.


Malaking tulong kung makapagbibigay ang LGU ng espasyo na ligtas, malinis, at may mga pasilidad gaya ng banyo at hugasan para maging mas maayos ang karanasan ng mga turista.


☻☻☻


Maaari ring tukuyin ng mga LGU ang mga vending at no-vending zones para maayos din ang daloy ng tao at trapiko -- lalo na ngayong buhay na buhay ang street food adventure.


Isa pang porma ng suporta mula sa LGU ay sa pamamagitan ng mga training at seminar tungkol sa mga sanitation and safety practices, food preparation, handling and serving, para mapataas ang kalidad ng street food.


Sa pagbibigay ng karampatang suporta, hindi imposible na maabot natin ang antas na tulad ng mga karatig-bansa natin gaya ng Thailand, Vietnam, Singapore, at Malaysia na kilala sa buong mundo dahil sa street food.


Malay natin, isang araw makapag-organisa tayo ng isang malaking street food event na magtatanghal ng mga best hits natin. Puwede nating tawaging ‘Jollyjeep Jamboree’,


‘Usok-Tusok’, o ‘Pares Olympics!’ 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | April 28, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Noong nakaraang linggo may ibinabang kautusan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may kinalaman sa pagluluwag ng non-tariff barriers sa mga inaangkat na produktong pang agrikultura.


Layon ng Administrative Order No. 20 na tanggalin ang paghihigpit sa mga administratibong proseso ng pag-aangkat na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga produktong agrikultura.


Sa tingin ko, bagama’t maraming makikinabang dito, mahalaga na pag-aralan na muna at bigyan ng naaayong direksyon ang ganitong polisiya.


Ano nga ba ang cost-benefit implications ng pagbigay alwan sa pag-angkat ng mga produktong agrikultura?


Bukod dito, kailangan ding tiyakin ang tamang paggamit ng mga import permit at siguruhin na ligtas ang mga maipapasok na agricultural products sa ating bansa.


☻☻☻ 


Aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni former Senator Rene Saguisag.


Malaking kawalan sa amin ang pagpanaw ni Tito Rene dahil naging bahagi na siya ng aming pamilya.


Matalik na kaibigan ng aking ama si Tito Rene. Magkasama sila noong Martial Law at sa panahon na iyon ay nasaksihan ko ang kanyang galing, tapang, at malasakit sa ating mga kababayan.


It was an honor to have known a true statesman and patriot whose dedication and deep compassion for our nation were unequaled.


Hanggang sa mga huling sandali, hindi nawala ang alab ng kanyang puso para sa bayan.

May you rest in peace, Tito Rene. Finally, magkasama na kayong nagsasayaw muli ni Tita Dulce.


Sa mga naiwan ni Tito Rene -- Rebo, Nonoy, Lara, Laurence at Kaissa -- kaisa ang aming pamilya sa pinagdaraanan ninyong pagdadalamhati.


☻☻☻ 


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | April 25, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Kinokonsidera ng Department of Transportation at ibang ahensya ang paglagay ng dedicated motorcycle lane sa EDSA upang maibsan ang malalang trapiko sa kalsada.

Nasa 170,000 motorsiklo daw kasi ang araw-araw na bumabagtas sa EDSA. Sa kasalukuyan, mayroon nang EDSA busway na ginagamit ng mga public utility bus.


☻☻☻


Matagal nang problema ang traffic congestion sa Metro Manila.

May epekto ang congestion na ito sa ating ekonomiya. Ayon sa Japan International Cooperation Agency (JICA), nasa P3.5 billion ang halaga ng “lost opportunities” dahil dito, na inaasahang ti-triple pa pagdating ng 2030.


☻☻☻


Ngunit hindi dedicated motorcycle lane ang lunas sa traffic congestion.

Sa katunayan, kaya lumobo ang paggamit ng mga alternative rides gaya ng motorsiklo ay ang kawalan ng maayos na mass public transport.


Nabigo tayong maglatag ng imprastruktura na tutugon sa pangangailangan ng lumalaking populasyon.


☻☻☻


Sa halip na band-aid solution, kailangang tutukan ng pamahalaan ang pagpaparami ng mga efficient na “people-carrier” kagaya ng tren at bus.


Hindi pa nga natin ma-maximize ang full potential ng MRT at bus lanes, pero mag-a-allocate tayo sa single passenger alternative. 


Kulang pa rin ang mga tumatakbong bagon, at siksikan pa rin sa bus at tren.


Kaya kawawa ang mga daily commuter na sumasakay papasok ng trabaho na preskong nakabihis at nakaporma, kasi nagiging mandirigma sila pagdating sa opisina.


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page