top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | May 26, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Nakakagulat ang mga lumalabas na pahayag mula sa aming mga kapwa senador na ang namamagang paa pala ni Sen. Bong Revilla Jr. ang dahilan kaya napatalsik sa puwesto si dating Senate President Juan Miguel Zubiri.


Sa isang interview, sinabi ni Sen. Ronald dela Rosa na ang pagtanggi ni Sen. Zubiri na payagan si Sen. Revilla na padaluhin sa plenary sessions virtually ang dahilan kaya nagalit ang mga senador na nag-udyok para patalsikin ang dating Senate president.


Matatandaang sina Sen. Francis Tolentino at Sen. Francis Escudero ang nag-move para payagan si Sen. Revilla na dumalo sa online session.


Hindi ito pinayagan ni Sen. Zubiri. Ayon kasi sa patakaran ng Senado, ang virtual attendance ng mga senador ay para lamang sa mga may 2019 coronavirus.


☻☻☻ 


Ngayon lang nangyari sa kasaysayan ng pulitika sa bansa na nagkaroon ng kapangyarihang magpatalsik sa puwesto ang isang paa.


Medyo weird isipin na sa dinami-dami ng conspiracy theories na nagsilabasan sa likod ng kudeta sa Senado ay isang namamagang paa lang pala ang dahilan ng pagpapatalsik kay Sen. Zubiri.


Kung ‘yung paa ang dahilan ng pagkatanggal sa puwesto ni Sen. Migz, masasabi natin na kailangan nilang ipakita ang kanilang best foot forward. 


At habang sama-sama sila para sa paa ni Sen. Bong Revilla, naninindigan kaming Solid 7 na tutukan ang kapakanan ng ating bansa at mga kababayan.


Makakaasa kayo na patuloy tayong magsisilbing tagapagmasid at active fiscalizers sa 19th Congress.


☻☻☻ 


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask ‘pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice! 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | May 23, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Pagkatapos ng tagtuyot na dala ng El Niño, inaasahan naman na susunod ang matinding tag-ulan sa bansa dahil sa La Niña.


Ayon sa PAG-ASA, nasa 69 percent ang probability ng pagdating ng La Niña sa bansa sa July-August-September season.


Inaasahan na dahil dito, mula 13 hanggang 16 cyclones ang papasok sa bansa, kumpara sa 11 noong 2023.


☻☻☻


Mahalagang ngayon pa lang ay humanda na ang bansa para mabawasan ang epekto ng La Niña sa ating mga pamayanan.


Umabot na sa P9.5 billion ang pinsala sa agrikultura dahil sa El Niño. Kung hindi tayo handa, tiyak na lalo pang malulugmok ang ating agrikultura, na magkakaroon ng negatibong epekto sa presyo ng pagkain at ibang pangunahing bilihin.


☻☻☻


Naiulat nitong mga nakaraang araw na dinirekta na ang Task Force El Niño na simulan na ang paghahanda para sa La Niña.


Ayon naman kay Finance Sec. Ralph Recto, “all hands on deck” daw ang pamahalaan sa pagkontra sa epekto ng El Niño sa food security at naghahanda na sa banta ng La Niña.

Mino-monitor din daw nito ang mga galaw sa food inflation, lalo na sa bigas at iba pang bilihin.


Kaugnay nito, inihain natin ang Senate Resolution No. 1034 upang imbestigahan kung ano ba ang plano ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng La Niña sa bansa.


Umaasa tayong sa pamamagitan ng imbestigasyong ito, matutukoy natin kung sapat at angkop ba ang pagsisikap ng pamahalaan upang maprotektahan ang sambayanan sa magkasunod na dagok ng panahon, na patuloy na lumalala dahil sa nagbabagong klima.


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | May 19, 2024



Be Nice Tayo ni Nancy Binay


Nitong nakaraang linggo ay naging bahagi tayo ng hearing ng Senate Committee on Public Services para imbestigahan ang mga isyu na kailangang tugunan sa ating mga airport.


Paulit-ulit na kasi ang reklamo na marumi, mainit o kaya naman ay sira ang mga pasilidad sa ating mga paliparan.


Matatandaang nasira ang cooling tower ng NAIA Terminal 3 kamakailan kaya dusa ang mga pasahero sa init ng temperatura sa terminal.


Tumirik din ang ilang mga escalator kaya naman sunud-sunod ang naging pasakit sa mga pasahero.


☻☻☻


Nagtataka ang inyong lingkod pati na rin ang ibang mga kapwa ko senador kung bakit hinayaan ng mga namumuno sa Manila International Airport Authority (MIAA) na humantong sa ganito ang kalagayan ng ating mga airport.


Giit naman ng MIAA, kakailanganin nila ng anim na buwan para maayos ito dahil inoorder pa abroad ang spare parts.


Pangako nila ay sa Hunyo magiging maayos na ang escalator sa nasabing airport.


☻☻☻


Bukod dito, tinalakay din natin ang estado ng mga airport sa probinsya.


Kinamusta natin kung bakit hindi pa sinisimulan ang pag-aayos sa Iloilo International Airport at ang problema sa rami ng tao sa Laguindingan Airport.


Umaasa tayo na sa tulong ng hearing na ito ay aaksyunan na ng DOTr at MIAA ang hinaing ng ating mga pasahero lalo na at paulit-ulit na ang mga aberya na nararanasan nila.


☻☻☻


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask ‘pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page