top of page
Search

ni Mylene Alfonso | May 29, 2023



ree

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., ang pagbuo ng isang inter-agency committee, na siyang may tungkuling tugunan ang inflation at palakasin ang ekonomiya ng bansa.


Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nilagdaan ni Marcos ang Executive Order No. 28 noong Mayo 26 kung saan magsisilbing Economic Development Group’s (EDG) advisory body ang Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO) na layuning mapanatili ang inflation partikular sa pagkain at enerhiya base sa inflation target ng gobyerno.


Nakasaad sa EO ang pagreorganisa at pagpapalit ng pangalan ng Economic Development Cluster (EDC) sa EDG upang matiyak na ang pagsasama-sama ng mga programa, aktibidad, at mga prayoridad tungo sa patuloy na paglago ng ekonomiya ay nananatiling mahusay at epektibo.


"In view of the increasing prices of key commodities, particularly food and energy resources, the creation of an advisory body to the EDC, tasked to directly address inflation, will strengthen the EDC, and reinforce existing government initiatives aimed to improve the economy and the quality of life of the Filipino people,” base sa EO.


Nabatid na ang IAC-IMO ay bubuuin ng National Economic and Development Authority (NEDA) secretary bilang chair; ang Finance secretary bilang co-chair; ang Budget secretary bilang vice-chair; at mga kalihim ng Agriculture, Energy, Science and Technology, Trade, and Interior bilang mga miyembro.


"Among the functions of the advisory body are to closely monitor the main drivers of inflation, particularly food, and energy, and their proximate sources and causes; assess the supply-demand situation for essential food commodities during the cropping period, allowing periodic updating as new information becomes available; assess the possible impact of natural and man-made shocks on the supply of key food commodities; and regularly monitor data necessary to assess food prices and the

supply and demand situation,” ayon pa sa PCO sa isang pahayag.


 
 

ni Mylene Alfonso | May 28, 2023



ree

Inilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang kanyang sarili bilang number one fan at best friend forever o BFF ni Vice President Sara Duterte.


Si Duterte, ang kanyang running mate noong 2022 national elections, sa gitna ng kamakailang gulo sa House of Representatives sa pagitan nina House Speaker Martin Romualdez at dating pangulo at kasalukuyang Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo.


Ipinahayag ng Pangulo ang paghanga niya kay Duterte bago ibigay ang kanyang talumpati para sa grand launching ng Pier 88, ang unang smart port ng Cebu, sa Liloan, Cebu province kahapon.


Binalikan ni Marcos ang kampanya noong 2022 at ibinahagi kung paano sila karaniwang nagtatawanan ni Duterte.


"Parang nabalik ako doon sa kampanya, nandoon kaming dalawa ni Inday Sara nagbubungisngisan ulit," wika ni Marcos.


"And the reason I made her laughed is that I told her, dito sa mga gulong nangyayari, I have just officially designated myself as your self-appointed official BFF (best friend forever)," saad ng Pangulo.


"So kahit… Sorry na lang. Sa ayaw mo at sa gusto mo, I’m still your number one fan," dagdag pa ng Chief Executive.


Nabatid na dumalo rin sa nasabing event si Romualdez na pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), kasama si dating Liloan mayor at ngayo'y Tourism Secretary Christina Frasco at ang kanyang mister na si Cebu 5th District Rep. Duke Frasco.


Kilala ang mga Frasco na malapit kay Duterte kung saan nagsilbing spokesperson nito noong nakaraang kampanya.


Matatandaang nagbitiw si Duterte bilang chairperson ng Lakas-CMD, ang dominant political party sa bansa, matapos i-demote ng Kamara si Arroyo, ang chairman emeritus nito, bilang deputy speaker mula sa senior deputy speaker.


 
 

ni Mylene Alfonso | May 28, 2023



ree

Umapela si Sen. Win Gatchalian sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na paalalahanan ang mga bangko na ang Republic Act 11055 o ang Philippine Identification System Act ay nag-uutos sa kanila na tanggapin o kilalanin ang national ID bilang sapat na patunay ng pagkakakilanlan ng taong gumagawa ng transaksyon.


Sinumang tumanggi, aniya, ay pagmumultahin ng P500,000.


Ginawa ni Gatchalian ang panawagan sa gitna ng patuloy na mga reklamo na ang ilang bangko ay tumatangging kilalanin ang national ID bilang patunay ng pagkakakilanlan dahil ang card mismo ay walang pirma ng may-ari nito.


Ayon sa senador, malinaw sa Memorandum No. M-2021-057 na ang hindi pagsama ng isang sulat-kamay na lagda bilang bahagi ng Philippine identification (PhilID) ay sinadya at kahalintulad ng national ID system sa ibang bansa tulad ng India, Singapore, Malaysia, Thailand, Vietnam, at iba pa. Layon nitong isulong ang mas higit na seguridad sa mga transaksyon sa pamamagitan ng mas malakas na paraan ng pag-verify at mas mababang panganib ng pamemeke.


Ang pagpapatunay ng pagkakakilanlan ay ginagawa sa pamamagitan ng PhilID physical security features, QR code digital verification, biometric verification, at SMS one-time password (OTP).


"Hindi na kailangan ng ibang valid ID kung ang national ID lang ang dala-dala," sabi ni Gatchalian, na binibigyang-diin na ang national ID ay isang opisyal at sapat na patunay ng pagkakakilanlan.


Hinikayat din ni Gatchalian ang publiko na isumbong sa BSP ang mga bangkong hindi tumanggap ng national ID para sa kanilang bank transactions.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page