- BULGAR
- Jun 3, 2023
ni Mylene Alfonso | June 3, 2023

Nasabat ng National Bureau of Investigation (NBI)-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang 999 iba't ibang klase ng coral species sa isinagawang operasyon sa Biñan, Laguna.
Naaresto rin ng ahensya sina Diomedes Velaso, Judith Velasco at Jamille Velasco.
Habang hindi naman inabutan sa bahay ang mag-asawang Jairo at Richelle Velasco na target ng operasyon.
Nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang NBI-EnCD na ang mag-asawa ay nag-iingat ng mga corals sa kanilang bahay sa Bgy. San Antonio, Biñan at ibinebenta ang mga ito online nang walang kaukulang permit.
Nagsagawa ng serye ng surveillance at nang makumpirma ay agad na nag-apply ng search warrant.
Nitong Mayo 29, kasama ng mga operatiba ng NBI-EnCD ang BFAR at pinuntahan ang lugar kung saan naaresto ang mga suspek.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 96, Ban on Coral Exploitation and Exportation ng R.A. 8550 as amended ang mga suspek sa Biñan Prosecutors Office






