- BULGAR
- Jun 20, 2023
ni Mylene Alfonso | June 20, 2023

Muling nanawagan ang Alliance of Concerned Truck Owners & Organizations (ACTOO), ang pinakamalaking grupo ng mga trucker sa bansa, na alisin ang container registry and monitoring system o mas kilala sa tawag na TOP-CRMS.
Ayon sa grupo, mayorya ng mga trucker ang kontra sa nasabing sistema.
Naniniwala ang grupo na hindi umano kailangan at pabigat lang sa kanilang hanay ang container registry and monitoring system na nais ipatupad ng Philippine Ports Authority (PPA).
Nakakadagdag lang din umano sa kaguluhan ang nasabing sistema sa trucking industry bukod sa dagdag-gastos pa ito para sa mga truck owners at operator.
Ayon pa sa ACTOO, ang Confederation of Truckers Association of The Philippines (CTAP), ang tanging grupong pabor sa panukala, ay ‘misinformed’ at ‘misled’ umano sa nasabing isyu.
“We urge the PPA to immediately scrap this burdensome and unnecessary system,” ayon kay ACTOO Chairman Ricky Papa






