top of page
Search

ni Mylene Alfonso | June 24, 2023



ree

Inamin ni Senador Imee Marcos na sadya siyang hindi nakilahok sa botohan sa Maharlika Investment Fund (MIF) Bill dahil sa kanyang paniniwala na “hinog sa pilit” ang panukala. Ayon sa kapatid ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., marami siyang katanungan sa panukala at batid umano ito ng Punong Ehekutibo.


"At tiyak alam din ng aking kapatid 'yan kaya ang sabi ko sa kanya parang nag-aalangan ako at hindi ako bumoto," wika ng senadora.


Nabatid na 19 na senador ang pumabor sa batas, bumoto naman ng “no” si Sen. Risa Hontiveros at nag-abstain si Sen. Nancy Binay.


"Alam naman n'yo na hindi ako nakilahok sa Maharlika Bill dahil tulad ng maraming Pilipino, marami akong pangamba d'yan. Kasi sa tingin ko masyadong hinog sa pilit at marami akong hindi naintindihan at maraming higit pa duda at pangamba” dagdag pa ng senadora.


Matatandaang pinirmahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang panukala at dadalhin ito kay House Speaker Martin Romualdez para sa kanyang pirma bago dalhin sa Palasyo na agad umanong pipirmahan ni Pangulong Marcos.


 
 

ni Mylene Alfonso | June 23, 2023



ree

Nagpahayag nang tuwa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa resulta ng survey na nagpapakita ng tumaas na approval rating tungkol sa kung paano niya pinamamahalaan ang bansa, at nagpasalamat sa mga patuloy na nagtitiwala sa kanya at sa kanyang administrasyon.


Ginawa ng Pangulo ang pahayag nang tanungin ng mga mamamahayag sa isang kaganapan sa SEC sa Makati na magkomento sa kamakailang survey ng PUBLiCUS Asia, na nagpapakita na ang rating ng pag-apruba ng Pangulo ay tumaas mula 60 porsyento hanggang 62 porsyento.


Naging panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita si Marcos noong ika-85 anibersaryo ng SEC bilang Registrar of Companies.


"Siguro sa pagkakataong ito ay may nangyaring resulta dahil magkasama kami. Sama-sama tayo,” pahayag ng Pangulo.


“But, of course, still at the very heart of it, I have to thank all those who have continued to support not only myself but all of the different things that we have been trying to do to make life better for all Filipinos, to find ways to bring us into the forefront of the global economy,” aniya.


Sinabi ni Marcos na ang pangunahing layunin ng administrasyon ay ang pagpapabuti ng ekonomiya sa pamamagitan ng pag-akit ng mas maraming mamumuhunan at sa pamamagitan ng pagpapakita sa mundo na ang Pilipinas ay handa na para sa negosyo at na ito ay isang perpektong destinasyon ng paggawa at pamumuhunan.


 
 

ni Mylene Alfonso | June 23, 2023



ree

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na agad niyang pipirmahan para maging isang ganap na batas ang Maharlika Investment Fund Bill sa oras na makarating na ang panukala sa kanyang tanggapan.


“I will sign it as soon as I get it,” pahayag ng Pangulo sa isang media interview matapos pangunahan ang 85th Anniversary Celebration ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa Makati City.


Sinabi ng Pangulo na ang kapalaran ng kauna-unahang sovereign fund ng Pilipinas ay babagsak pa rin sa mga managers nito.


Muli rin tiniyak ni Marcos na dapat ay mag-operate ito nang independent mula sa gobyerno, at mapapamahalaan ng mga professionals.


Sa katunayan, siya pa umano aniya ang nagmungkahi na alisin siya bilang bahagi ng MIF Board.


Hindi rin aniya mababangkarote ito lalo na kung hindi naman mga kurakot ang ilalagay bilang fund managers nito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page