top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | September 11, 2023



ree

Bumagsak ang presyo ng Vietnam rice exports matapos magpalabas ng rice price cap si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong nakaraang linggo.


Sa ulat ng pahayagang Vietnam Express, nabatid na ang pagkansela ng mga Philippine Rice Importers at traders ng tone-toneladang rice imports ang dahilan ng pagbagsak ng presyo ng bigas sa Vietnam.


Ayon umano sa isang exporter mula An Giang Province, 40% ng kanilang kostumer mula sa Pilipinas ang nagkansela na ng kanilang mga order.


Sinabi naman umano ng CEO ng Orico, na si Nguyen Viet Anh, na dumami tuloy ang stock ng bigas ng Vietnam. Bumagsak ng 2.3% ang presyo ng bigas para i-export na ngayon ay nasa $628 per ton mula sa $640 per ton.


“It clearly shows na apektado talaga ang presyo sa abroad dahil sa EO 39 ni P-BBM,” ayon kay House Speaker Martin Romualdez.


“Pababa na ang presyo ng bigas kasi tag-ani na rin dito sa atin,” dagdag pa ni Romualdez.




 
 

ni Mylene Alfonso @News | September 11, 2023



ree

Nagsalita na si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nitong Sabado sa mga espekulasyon kaugnay sa larawan nila kasama si dating Bise Presidente Leni Robredo.


Sa isang pahayag, sinabi ni Arroyo na dumalo lamang siya sa isang social dinner kasama si Robredo.


"I recently had a social dinner with former Vice President Leni Robredo and mutual friends from Bicol," ani Arroyo.


"We chatted about Bicol politics," wika pa ng House Deputy Speaker.


Nagpatibay umano kasi ang naturang larawan na umikot sa social media tungkol sa mga usapan sa diumano'y pagkakaugnay ni Arroyo kay Robredo, na nabigo sa karera sa pagka-pangulo laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Nabatid na si Arroyo ay kilalang kaalyado ng kasalukuyang Vice President na si Sara Duterte-Carpio, ang running mate ni Marcos.




 
 

ni Mylene Alfonso @News | September 10, 2023



ree

Maaari umanong tumaas pa ang P15,000 financial assistance para sa mga qualified rice retailers na apektado ng price cap sa regular at well-milled rice sa bansa.


"Nakausap natin ang Pangulo. Inatasan niya ang DTI (Department of Trade and Industry) at DSWD na mag-calibrate pa para masiguro na kung kulang pa 'yun, hindi tayo mag-aatubili na mag-adjust at magdagdag pa," pahayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian.


Pinangunahan ni Gatchalian at ng mga lokal na opisyal ang distribusyon ng cash grants sa Commonwealth Market sa Quezon City, Agora Market sa San Juan City at sa Maypajo Market sa Caloocan City base sa instruksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.


May kabuuang 232 small rice retailers ang nakatanggap ng P15,000 cash grant – 48 sa Quezon City at 48 sa San Juan City habang 136 na benepisyaryo ang nakatanggap ng cash assistance sa Caloocan City.


"Para sa Pangulo, importante na mapangalagaan ang kapakanan ng mga MSME (micro, small, and medium enterprises). Alam natin na may sakripisyo sila ngayong mga panahon na ito kaya gusto ng gobyerno na matulungan sila. Alam natin na kahit negosyante sila, maliliit silang negosyante," sabi ng kalihim.


Pinasalamatan din niya ang mga rice retailers sa kanilang pag-unawa at pakikipagtulungan upang maging bahagi ng solusyon sa mga nagdaang pagtaas ng presyo ng bigas.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page