top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | September 28, 2023



ree

Magkatuwang na nagpamahagi ng bigas sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Manila Mayor Honey Lacuna para sa 'Pantawid Pamilya Households'.


Ginawa nina Marcos at Lacuna ang pamamahagi ng tig-25 kilong bigas mula sa may 1,000 benepisyaryo sa San Andres Sports Complex sa Maynila.


Ang naturang subsidiya ay bilang ayuda sa pamilyang nakapaloob sa nasabing programa.


Dinaluhan din ang naturang pagtitipon nina 5th District Rep. Irwin Tieng, mga opisyal at miyembro ng Department of Social Welfare and Development's Central at NCR Offices pati na ang mga kawani Manila Department of Social Welfare sa ilalim ni Re Fugoso.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | September 28, 2023



ree

Ibinasura ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang panukala ng ilang gabinete na bawasan ang taripa o buwis sa imported na bigas.


Sa sectoral meeting sa Malacañang, inihayag ni Marcos na hindi ito ang tamang panahon para ibaba ang tariff rates sa mga imported na bigas.


Kadalasan umanong binabawasan ang taripa kapag mataas ang presyo at hindi ngayong inaasahang bababa ang pandaigdigang presyo ng bigas.


Una nang ipinanukala nina Finance Sec. Benjamin Diokno at National Economic and Development Authority Sec. Arsenio Balisacan na babaan ang taripa para umano pababain ang presyo ng bigas sa merkado.


Nauna nang nagpahayag ng pagtutol ang ilang grupo ng magsasaka sa pagbaba ng taripa dahil mga importer lamang umano ang makikinabang nito.


Sakaling ipinatupad, mas lalong bababa umano ang presyo ng palay at mawawalan ng gana ang mga magsasaka na paramihin pa ang produksyon.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | September 28, 2023



ree

Nabulabog ang klase sa Far Eastern University (FEU) Manila matapos makatanggap ng bomb threat.

Batay sa report ng Manila Police District, ang bomb threat ay ipinaalam ng isang estudyante sa Control and Monitoring Office ng FEU pasado alas-3 ng hapon matapos may mag-post sa kanilang social media page na One PIYU community na umano'y mayroong bomba sa Arts Building, FEU Manila.

Agad namang kinansela ang klase dahil sa bomb threat.


Maagap namang nagresponde ang mga tauhan ng MPD-District Explosive and Canine Unit at intelligence personnel ng Barbosa Police Station at nagnegatibo naman sa bomba ang nabanggit na unibersidad.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page