top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | September 30, 2023



ree

Sa sandaling lumusot sa House of Representatives ang panukala ni Manila Congressman Benny Abante, Jr., 'di na kailangan ang senior citizens ay umabot pa ng 101 taon dahil sa edad na 70-anyos pa lamang ay tatanggap na sila ng cash reward mula sa gobyerno.


Sa kanyang pagdalo sa ‘Balitaan sa Harbor View’ ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) bilang solo guest, sinabi ni Abante na sa kanyang panukala ay ibinaba niya ang edad ng senior citizen na mapapabilang sa tatanggap ng cash reward at ito ay magsisimula sa edad na 70.


Ang halaga ng tatanggaping cash reward ay depende kung ilang taon na ang senior citizen.


Kapag ang senior ay umabot ng 70-anyos siya ay tatanggap ng P70K, 80-anyos P80K, 90-anyos P90K at kapag 101-taon at tumataginting na P1M.


“Dapat ibigay na natin ‘yung regalo sa mga senior citizens at 'di na kailangan pang umabot sila sa 100 years old,” giit pa niya.


Para mapabilang sa qualified na seniors na tatanggap ng cash reward, inihayag ni Abante na kailangan lang ipakita ng senior citizen ang ID card na mula sa Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA), ang tanging tanggapan na sa ilalim ng batas ay awtorisadong mag-issue ng identification cards sa kanilang nasasakupan.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | September 29, 2023



ree

Pinatawan ng contempt ng Senado ang lider ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) na si Jay Rence Quilario alyas "Senyor Agila" at ang tatlo pang kasamahan nito.

Ito ay dahil sa pagsisinungaling sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senador Ronald "Bato" dela Rosa kasama ang Committee on Women Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan naman ni Sen. Risa Hontiveros.

Nang tanungin ni Sen. Hontiveros si Senyor Agila at mga kasama nito na sina Mamerto Galanida, Janeth Ajoc at Karren Sanico kung mayroong child marriages at rape na nangyayari sa mga miyembro ng SBSI na mariing itinanggi ng apat ang nasabing akusasyon.

Hindi naman kuntento si Hontiveros sa sagot ng mga lider ng kulto kaya ipina-contempt nito ang apat.

“I respectfully move to cite in contempt Jey Rence Quilario, Mamerto Galanida, Janeth Ajoc, and Karren Sanico,” pahayag ni Hontiveros.

Habang wala namang mga senador ang tumutol sa naturang mosyon at isinailalim sa kustodiya ng Senate sergeant-at-arms ang mga ito.

Samantala, sa naturang pagdinig emosyonal din na humarap ang mga menor-de-edad na biktima ng kulto sa pang-aabuso na sinapit nila kapag hindi sila sumusunod sa kautusan ng SBSI kabilang dito ang pagkulong sa kanila sa fox holes, pag- swimming sa mga tinatawag na aroma beach na isang hinukay na lugar na puno ng dumi ng tao at ihi.

Naging emosyonal naman at nag-iiyak ang ilang batang testigo habang sinasalaysay ang kalupitan at pang-aabuso na sinapit nila sa kamay ng lider ng mga kulto.

Ibinunyag din sa pagdinig ng Department of Education (DepEd) na simula noong 2019 ay nagkaroon ng massive dropout ng mga estudyante at high school sa Socorro dahil hindi pinapayagan ni Senyor Agila ang mga bata na pumasok sa eskwelahan.

Pinatunayan naman ito ni alyas Renz sa pagdinig at naiiyak na sinabi na 12-anyos na siya subalit hindi pa siya marunong magsulat kaya tumakas siya sa naturang grupo.

Kinumpirma rin ng isa sa mga miyembro ng 'Soldiers of God" ng SBSI na ginagamit na sundalo ng grupo ang mga batang edad 6 hanggang 7.


Napag-alaman na mayroong mga levels ang mga kasapi ng "Soldiers of God" kung saan ang tinutukoy na "God" o Diyos dito ay ang lider ng kulto na si Senyor Agila.


Sinabi ni Jeng Plaza na isa sa mga kasapi ng "Soldiers of God", may mga antas o cluster ang mga sundalo… ang Agila na siyang pinakamataas, sinundan ng Agnus, Bium, Ciera, Elli, Deo at ang pinakamababang cluster ang Fetus.


Nabatid na binubuo ang Fetus Cluster ng mga sundalong bata na may edad 6-7.


Ibinunyag naman ni Atty. Richard Dano ng Socorro Task Force Kapihan na batay sa

isinumiteng counter affidavit ng SBSI, binubuo ng 650 na mga bata ang Fetus cluster na may 20 staff.


Sa halip aniya na paglalaro at pag-aaral ay paghihirap sa pagsasanay ang pinagdadaanan ng mga batang sundalo katulad ng pagbubuhat ng buhangin, pagsasanay ng arnis at masi-masi military exercise, at kapag nagkamali o may nilabag sa kanilang rules ay pinaparusahan ang mga bata ng military style na ehersisyo at pina-paddle.


Bukod dito, ikinabigla rin ni Hontiveros na ang Elli Cluster ay binubuo ng mga 'nursing mothers' o mga kapapanganak lang at ayon kay Atty. Dano ito naman ay mayroong 552 miyembro at 16 na staff.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | September 29, 2023



ree

Nasamsam ng pinagsanib na tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BoC) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA), ang may 560 kilo ng shabu na may halagang

P3.8 bilyon, na itinago sa plastic ng chicharon at dried fish kamakalawa ng gabi sa isang bodega sa San Jose Malino, Mexico City, Pampanga.


Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sa isang press briefing, ito na ang pinakamalaking huli ng ilegal na droga ngayong taon sa bansa.


Sinabi ni Remulla na ang shabu ay nagmula sa Thailand sakay ng Sitc Shekou at dumaong sa Subic Port in Subic Bay Freeport Zone noong Setyembre 18, 2023.


Nagawa umano ng crack team ng NBI na mapasok ang sindikato at nahubaran ng maskara ang mga sangkot sa pagpasok ng droga sa bansa.


Kinumpirma ni Remulla na may mga sangkot na dayuhan at may iniimbestigahan na rin na taga-BOC.


Inamin ni Remulla na napakasopistikado na ng operasyon ng sindikato dahil maski ang mga K-9 dogs ay nahirapan at dapat na muling sanayin sa pag-amoy ng ilegal na droga.


Gayunman, tumanggi si Remulla na magbigay ng pangalan sa mga taong sangkot sa sindikato.


Dahil sa naturang malaking huli, nakatakdang magkaroon ng masusing pakikipag-ugnayan ang NBI sa National Prosecution Service para sa pagsasampa ng kaso.


Magkakaroon din ng imbestigasyon sa kaso ang Anti-Money Laundering Council.

Layunin nito na kilalanin ang korporasyon na ginamit para sa pagpupuslit ng droga sa bansa.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page