top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | October 4, 2023



ree

Hiniling ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, principal sponsor ng Increased Social Pension of Indigent Senior Citizens Law, sa Department of Budget and Management (DBM) na siguruhing may nakalaang pondo para sa dagdag na buwanang social pension ng mga indigent senior citizen.

Sa 2024 National Expenditure Program, naglaan ng P49.80 bilyon para sa P1,000 kada buwan na social pension ng mga indigent senior citizen.

Subalit, iginiit ni Villanueva na sa taong 2023, nananatiling P500 kada buwan ang social pension ng mga indigent senior citizen, kahit na naipasa ang batas na nagdodoble sa halaga nito noong nakaraang taon.


Sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act, P25.30 bilyon ang inilaang pondo para sa social pension ng mga indigent senior citizen. May inilaan ding P25 bilyon sa ilalim ng unprogrammed funds para sa dagdag-pensiyon.


Mandato ng Republic Act No. 11916, inisponsoran ni Villanueva noong 18th Congress, na dagdagan ng 100 porsyento ang buwanang pensiyon – P1,000 mula sa dating P500 – ng mga indigent senior citizen, na tinatayang nasa 4.1 milyon sa kasalukuyan.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | October 3, 2023



ree

Nagsampa ang Bureau of Customs (BOC) ng apat na reklamong kriminal laban sa tatlong mangangalakal ng bigas noong Setyembre 29, 2023, kasunod ng mga pag-agaw at imbestigasyon kamakailan sa iba't ibang bodega sa Bulacan.


Noong Agosto 2023, natuklasan ng mga ahente ng BOC ang labag sa batas na inangkat na mga sako ng bigas sa Bulacan, na nagkakahalaga ng mahigit P260 milyon.


Sa pagtatatag ng probable cause, naglabas ang BOC ng mga warrant of seizure at detention laban sa mga subject warehouse para sa mga umano'y paglabag sa mga batas, panuntunan, at regulasyon ng Customs. Kasunod nito, noong Setyembre 29, ang BOC, sa pangunguna ng Bureau’s Action Team Against Smugglers, ay nagpresenta ng mga natuklasan nito at nagsampa ng kaukulang kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga may-ari at nagmamay-ari ng mga bodega dahil sa umano'y rice smuggling.


Kasama sa apat na reklamong kriminal ang mga paglabag sa Republic Act (R.A.) 10863, na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at R.A. 11203 o ang Rice Tariffication Law.


Sa kabuuang mga kasong isinampa, tatlo ang nauukol sa large scale smuggling na lumalabag sa R.A. 10845, o kilala bilang Anti-Agricultural Smuggling Act.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | October 2, 2023



ree

Sa kabila na binabalak ng gobyerno na pondohan ang assessment at certification ng mga mag-aaral sa senior high school na kumuha ng technical-vocational-livelihood (TVL) track, ikinabahala ni Senador Win Gatchalian na mananatiling hamon sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kakulangan ng mga kwalipikadong assessors.

Sa isinagawang pagdinig sa panukalang pondo ng TESDA para sa 2024, binigyang-diin ni Gatchalian ang balak ng Senado na maglaan ng P1.5 bilyon para sa assessment at certification ng 470,000 na mag-aaral sa senior high school na kumukuha ng TVL track.

Matatandaang noong School Year 2020-2021, may 473,911 na graduate ng senior high school ang kumuha ng TVL track at 32,965 dito ang kumuha ng national certification.


Lumalabas na sa mga kumuha ng national certification, 31,993 o 97.1% ang pumasa, ngunit nananatili sa 6.8% ang overall certification rate para sa naturang school year.


Dati nang ipinaliwanag ng Department of Education (DepEd) na ang gastos sa assessment ang nagiging balakid sa mga mag-aaral na kumuha ng TVL track.


“Kahit na may pondo tayo sa assessment, kulang naman tayo sa assessors. Kaya masasayang lang ‘yung pondo. Kung may 470,000 tayong mag-aaral sa senior high school na kumukuha ng tech-voc at pagsisikapan nating maabot ang 10 is to 1 ratio, kakailanganin natin ng 47,000 assessors. Pero ang balak lang nating idagdag ay 11,000 lang,” sabi ni Gatchalian sa mga opisyal ng TESDA.

Batay sa TESDA Certification Office, lumalabas na meron lamang 7,551 accredited competency assessors sa buong bansa.


“Kailangang simulan natin ang proseso ng pagkuha ng mga assessor para sa 470,000 na mag-aaral sa senior high school. Naglaan na tayo ng pondo. Tungkulin na ng TESDA na kumuha ng assessors,” ani Gatchalian.


Ipinanukala ni TESDA Director General Suharto Mangudadatu na sanayin ang mga DepEd district supervisors bilang assessors. Ngunit ayon kay Gatchalian, masyado nang abala ang mga DepEd supervisors sa kasalukuyan nilang mga gawain.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page