top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | Jan. 7, 2025



File Photo: DepEd / Sen. Win Gatchalian


Inanunsyo ni Senador Win Gatchalian na may P80 milyong nakalaan sa 2025 national budget para sa scholarship ng mga child development workers (CDWs).


Kasama sa inaprubahang national budget ang isang special provision na ipinanukala ni Gatchalian, kung saan inilaan ang P80 milyong pondo sa ilalim ng Promotion, Development, and Implementation of Quality Technical Education and Skills Development Programs ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).


Sa ilalim ng nasabing special provision, bibigyang prayoridad ang mga kasalukuyang CDWs na hanggang high school lamang ang natapos.


Upang ipatupad ang naturang programa, bubuo ng mga pamantayan ang TESDA at ang Early Childhood Care and Development (ECCD) Council.


Sa 68,080 CDWs sa buong bansa, 11,414 ang nakatapos ng high school.


Ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), matutulungan ng scholarship ang humigit-kumulang 2,854 na CDWs upang paigtingin ang kanilang propesyonal na kakayahan.


Nakahanay ang panukala ni Gatchalian sa isinusulong niyang Early Childhood Care and Development Act (Senate Bill No. 2575).


Layunin ng panukalang batas na magkaroon ng universal access sa early childhood education. Isinusulong din niya ang upskilling at reskilling ng mga CDWs.


Sa ilalim ng naturang panukala, magiging mandato sa mga CDWs na tumapos ng upskilling at reskilling training programs sa early childhood education o ECCD.


Nabatid na dapat makapasa sila sa certification ng TESDA na magbibigay nang libreng assessment at certification.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | March 28, 2024



ree

Nasakote ng National Bureau of Investigation-Cordillera Administrative Region (NBI-CAR), PNP Tuba MPS, PDEU/PIU, PIDMU-Benguet, PDEA-Baguio-Benguet, PDEA-CAR, RSET. at 2nd PMFC-Benguet PPO, ang may 600 kilong pinatuyong dahon ng marijuana na may halagang P72 milyon mula isang bigtime marijuana cultivator/distributor nitong Marso 22, sa  Sitio Sangilo, Camp 4, Tuba, Benguet.


Ayon sa NBI-CAR, ang mga pinatuyong dahon ng marijuana na may 'talks at fruiting tops' ay nakabalot sa itim na plastic sheets at sako.


Nabatid na ang narekober na marijuana ay itinurnover sa PNP-Tuba MPS para sa dokumentasyon at para sa forensic examination sa RFU Cordillera.


Nadiskubre ng NBI na ang nabanggit na property na inuupahan ng isang Felimon at hindi alam ng may-ari na ginawa itong marijuana plantation.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | October 7, 2023



ree

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang publiko na isumbong ang sinuman na malalaman nila na sangkot sa smuggling at hoarding ng mga agricultural products.


"Mga kababayan, gaano man kalaki ang kanilang sindikato… wala pong binatbat 'yan sa nagkakaisa nating lakas," ani Marcos sa isinagawang pamamahagi ng bigas sa Capiz.


"Kaya kung may nalalaman po kayong sangkot sa ganitong transaksyon, 'wag po kayong matakot na magsuplong," saad ni Marcos.


Una nang binigyan ng warning ni Marcos ang mga smuggler na hahabulin ng gobyerno ang malalaking sindikato na sangkot sa pananabotahe ng ekonomiya.


"Makilahok sa pagbabantay sa ating lipunan. Marami pa rin po tayong malalaking nakakapanloko ng kapwa. Tunay po na nakakagalit ang mga smuggler at hoarder na 'yan," ayon kay Marcos.


Ayon pa sa Pangulo, inaamyendahan na ng mga mambabatas para gawing kasong kriminal at bigatan ang parusa sa agricultural hoarding at smuggling.


Nabatid na inaprubahan na ng House of Representatives sa ikatlo at pinal na pagbasa ang bill na pabigatin ang parusa ng Anti-Agricultural Smuggling law.


Habang ilang agricultural group naman ang nagsulong sa paglikha ng special court na tututok lamang sa mga kaso ng smuggling.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page