top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | Feb. 3, 2025



File Photo: ACT Teachers Partylist / Rep. France Castro


Ipinagmalaki ni House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na siya ay isang aktibista na lumalaban para sa reporma at hindi isang armadong rebelde. 


Ginawa ni Castro ang reaksyon nang tanungin hinggil sa pagkakaugnay sa New People's Army (NPA), ayon sa militar at kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. 


“Mula nu'ng estudyante ako ay aktibista rin ako, katulad ni [former Bayan Muna] Congressman Teddy Casiño. Pinaglalaban natin ang tunay na pagbabago sa edukasyon, sa sistema ng edukasyon, at sa sistema ng ating pamahalaan. Pero hindi as member ng CPP (Communist Party of the Philippines), NPA, or whatever,” pahayag ni Castro sa Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025. 


“Parati na lang ‘yan, kung ikaw ay nagsasalita ng against sa posisyon ng gobyerno, ay itinuturing kang Red (communist) o itinuturing kang kaliwa. So, parang nakasanayan ko na rin 'yan. Kaya ako, patuloy ‘yung ating ginagawa [sa Kongreso], lalong-lalo na doon sa pagsasabatas ng mga kinakailangan ng ating mga guro sa education sector at sa mga issue rin ng mamamayan. Iyang mga issue na 'yan, kinasanayan ko na 'yan, at ako ay proud left," wika pa ni Castro. 


Aniya, sa halip ay dapat isaalang-alang ng publiko ang kanyang track record bilang isang mambabatas tulad ng kanyang matinding pagtutol sa maling paggamit ng confidential funds. 


“Ito po 'yung dadalhin natin sa Senado para labanan din po ‘yung maling paggamit o ‘yung kurupsiyon sa gobyerno. ‘Yun po ang aking ipagmamalaki sa Senado,” diin ni Castro. 


“Magsisilbing boses ng mga guro sa Senado, tuturuan ng leksyon ang mga korup at abusado sa gobyerno,” hirit ng mambabatas. 

 
 

ni Mylene Alfonso @News | Jan. 30, 2025



File Photo: PBBM - BARMM - PCO



Kinumpirma ng Malacañang na sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang panukalang nagpapaliban ng kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections na nakatakda sa Oktubre 2025. 


Ito ay kasunod ng naging pahayag ni Senate President Francis 'Chiz' Escudero na sinertipikahang urgent ng Pangulo ang naturang panukala.


“This is confirmed,” wika ni Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez. 


Ayon kay Chavez, lumiham ang Pangulo kay Escudero na sertipikahang urgent ang Senate Bill No. 2942 o "An Act Resetting the First Regular Elections in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Amending for the Purpose Article XVI, Section 13 of Republic Act No. 11054, Otherwise known as the Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, as amended".


Sinabi rin ni Escudero na target na maipasa ng Senado ang panukalang batas sa ikatlong pagbasa sa susunod na linggo.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | Jan. 21, 2025



File Photo: P-BBM / FB



Hindi hahayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na maipasa bilang batas ang Senate Bill No. 1979, o kilala bilang Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023.


Binanggit niya ang "katawa-tawa" at "kasuklam-suklam" na mga probisyon ng panukala.

Sa ambush interview sa Taguig City, sinabi ni Marcos na nagulat at nadismaya siya nang mabasa niya ang nilalaman ng SB No. 1979 nitong nakalipas na linggo.


“You will teach four-year-olds how to masturbate; that every child has the right to try different sexualities,” naalala ng Pangulo sa kanyang nabasa.


“This is ridiculous. This is abhorrent. This is a travesty of what sex education should be to the children,” wika ni Marcos.


Inalala rin ng Pangulo ang papel ng magulang sa pagtuturo sa kanilang mga anak kaugnay sa nasabing usapin.


“What about the parents? Wala na silang karapatan na sila ang mag-decide kung ano at kailan tuturuan 'yung bata,” sabi pa niya.


“We all… I’m a parent, and I’m a grandparent. So I feel very strongly about this,” ani Marcos.

Gayunman, nilinaw ng Punong Ehekutibo na buo ang kanyang suporta sa pagtuturo sa mga bata ng kanilang anatomy, reproductive system, mga kahihinatnan ng early pregnancy at ang paglaganap ng human immunodeficiency virus.


“But the woke absurdities they’ve included are abhorrent to me,” paliwanag ni Marcos.


“And I am already guaranteeing, even though it hasn’t been passed yet, if this bill is passed in that form, I guarantee all parents, teachers, and children, I will immediately veto it,” diin pa niya. 


Samantala, umalma naman si Senadora Risa Hontiveros sa naging komento ni Pangulong Marcos.


Tiniyak ni Hontiveros, pangunahing may-akda ng SB No. 1979 kay Marcos na wala siyang dapat ikabahala tungkol sa nasabing panukala.


Ani Hontiveros, maliwanag aniya na wala sa panukala ang salitang “masturbation” at

“try different sexualities”.


“Mr. President, with all due respect, maliwanag na wala po sa bill kahit 'yung salita na “masturbation”. Wala din po 'yung “try different sexualities”, paliwanag ni Hontiveros sa

isang pahayag.


Depensa ng senadora, nakasaad sa Comprehensive Sexuality Education na naglalaman ito ng pagtuturo sa mga bata ukol sa anatomy sa mga kabataan at kahihinatnan ng maagang pagbubuntis.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page