top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | Feb. 24, 2025



File Photo: Vince Dizon at RFID Toll - RTVM, Circulated


Pinuri si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa desisyong suspendihin ang full cashless payment system sa mga expressway.


Ayon sa CLICK Partylist (Computer Literacy Innovation Connectivity and Knowledge), matagal na nilang tinututulan ang pagpapataw ng multa sa mga motoristang hindi gumagamit ng RFID, dahil ito'y pabigat sa mga ordinaryong Pilipino, lalo na sa mga umaasa sa cash payments para sa transportasyon.


Matatandaang binigyang-diin ni Dizon na ang nasabing mandato ay nagpapahirap sa publiko, dahilan upang ipatigil muna habang inaayos ang sistema.


Nauna nang inihayag ng grupo ang mga problema sa RFID implementation, kabilang ang palyadong RFID tags, sirang barriers, at hindi maasahang top-up systems, na nagdulot ng matinding trapiko at hindi makatarungang multa. "Suportado namin ang modernisasyon ng toll collection, ngunit dapat itong ipatupad nang maayos at hindi makakasama sa mga motorista. Ang desisyon ni Secretary Dizon ay isang hakbang sa tamang direksyon," ayon kay Atty. Nicasio A. Conti.


Patuloy umanong ipaglalaban ng grupo ang patas at epektibong transport policies upang matiyak na ang anumang modernisasyon ay hindi magiging pabigat sa mga motorista.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | Feb. 22, 2025



File Photo: Pangulong Bongbong Marcos - BARMM / Circulated, FB


Pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang batas ang panukalang pagpapaliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections. 


Sa paglagda ng memorandum of agreement sa mga mall at telecommunication industries, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na nilagdaan ni Pangulong Marcos ang panukalang batas na layuning ipagpaliban ng limang buwan ang kauna-unahang eleksyon. 


Kaya sa halip na isabay sa midterm elections sa Mayo, idadaos na lamang ito sa Oktubre 13, 2025.


Kinumpirma naman ng Palasyo ang nasabing ulat. 


Matatandaang sinertipikahang urgent ni Pangulong Marcos ang naturang panukala.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | Feb. 19, 2025



File Photo: Sen. Imee Marcos



Hindi ikinatakot ni Senador Imee Marcos ang naging banta ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpatay sa mga senador kung saan sinabi niyang sanay na siya sa "Davao trash talk" nito.


"Baka sila balakid, alam mo 'yun. Balakid, di-ka-lab, ako kasi 'di ako natatakot kasi ako lab.


Balakid siguro sila kaya kinakabahan," pahayag ni Marcos.


“Sanay na rin tayo sa Davao trash talk, di ba?” dugtong ng senadora.


Una rito, sinabi ni Duterte sa proclamation rally ng Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) Senatorial candidates noong nakaraang linggo na napag-usapan na patayin ang mga senador para magkaroon ng puwesto ang mga kandidatong ineendorso niya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page