top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | Mar. 13, 2025



File Photo: Retired Justice Chief Antonio Carpio at VP Inday Sara Duterte - The Flame, UST Student Publication / FB, VP Sara


Kasunod ng panawagan ng 1 Sambayan na simulan na ng Senado ang paglilitis sa inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, hiniling nito kay Senate President Francis 'Chiz' Escudero na atasan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na siguruhing maprotektahan at masiguro ang mga ebidensya kaugnay sa dalawang military aide ni Duterte na humawak ng P125 milyong confidential funds nito. 


Batay sa liham na ipinadala ni dating Retired Chief Justice Antonio Carpio kay Escudero, tahasang sinabi nito na dapat ngayon pa lamang ay naghahanda na ang Senado kaugnay sa kailangang atensyong legal at procedural details ng impeachment. 


Kabilang sa mga iminungkahi ni Carpio na maaaring simulan na ng Senado ay ang pagrebisa sa impeachment rules na kung saan gawing simple lamang upang sa ganoon ay maging epektibo ang proseso. 


Bukod pa sa mungkahi nito na dapat nakapaloob sa impeachment rules na binibigyan ng kapangyarihan si Escudero o ang Senate President ukol sa usapin ng forthwith issue na kung saan ay maaari na siyang magpalabas ng summons sa inirereklamong opisyal ng pamahalaan upang sa ganoon ay agarang makasagot ito sa reklamo laban sa kanya sa loob ng 15 araw. 


Hiniling din nila na pagkalooban ng Senado si Escudero ng kapangyarihang pahintulutan nang tanggapin ang mga isusumiteng pangalan ng mga testigo ganoon din sa mga judicial affidavits. 


Dapat din aniya pahintulutan si Escudero na matiyak na maingatan o ma-preserve ang anumang records na may kaugnay sa kaso na hawak ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan. 


Iginiit din ni Carpio na lubhang mahalaga ang kanilang mga mungkahi upang magampanan ng Senado ang kanilang 'sole power' para sa paglilitis at paghuhusga sa impeachment cases. 


Binigyang-linaw ni Carpio na kung susundin ng Senado ang kanilang mungkahi ay matitiyak na uusad ang paglilitis nang walang anumang hadlang.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | Mar. 11, 2025



File Photo: Salvador 'Sal' Panelo - FB


Tinawag ni Atty. Salvador Panelo, dating Chief Presidential Legal Counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na labag sa batas ang ginawang pag-aresto sa huli.


Ayon kay Panelo, hindi rin pinayagan ng Philippine National Police (PNP) na makipagkita kay Duterte ang isa sa kanyang mga abogado sa paliparan para tanungin ang legal na batayan sa pag-aresto sa kanilang kliyente.


"He was deprived of legal representation at the time of his arrest," wika ni Panelo. Naniniwala rin si Panelo na walang hawak na hard copy ng arrest warrant laban kay Duterte .


Hindi rin aniya maaaring arestuhin ng International Criminal Police Organization o INTERPOL si Duterte dahil ang trabaho lamang nito ay mag-facilitate at kapulisan pa rin ng bansa ang dapat na umaresto sa dating Pangulo.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | Mar. 11, 2025



Photo: Veronica Duterte / IG


Kinuwestiyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang legalidad ng pag-aresto sa kanya ng mga pulis makaraang isilbi ng prosecutor general mula sa International Criminal Court (ICC) ang arrest warrant kaugnay ng war on drugs.


Sa isang video na in-upload sa social media ng kanyang anak na si Veronica, makikitang nagsasalita si Duterte habang nakaupo sa Kalayaan Hall sa Villamor Air Base at kinukuwestiyon ang mga otoridad sa batayan ng pag-aresto nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Hong Kong.


“What is the law and what is the crime that I committed? Explain to me now the legal basis for my being here as apparently I was brought here not of my own volition. It’s somebody else’s,” punto ni Duterte.


“You have to answer now for the deprivation of liberty… Have you read the case at the time you made the arrest so that you should be guided on what you should know?” tanong ng dating Pangulo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page