top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | Mar. 31, 2025



File Photo: Inday Sara Duterte / FB


Nagbabala ang Dutch police sa mga supporter ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na bawal mag-rally malapit sa International Criminal Court (ICC) detention center sa The Hague, Netherlands.


Manatili lamang umano sila sa loob ng bakuran na itinalaga para sa kanilang pagtitipon.

Ang permit na nakuha ng supporters ni Duterte para sa kanilang pagtitipon noong Sabado ay nagpapahintulot lamang sa hanggang 500 katao para sa isang picnic, at hindi isang political rally.


Bandang hapon, dumating ang isa pang grupo Dutch police officers upang paalalahanan ang mga supporter ng dating Pangulo na manatili sa loob ng barricaded area at tiyakin na ang mga pedestrian at bike lane ay mananatiling walang harang.


Nabatid na ang dating tagapagsalita ni Duterte na si Atty. Si Harry Roque, na humihingi ng asylum sa Netherlands, at si Senador Robin Padilla ay nanatili ng ilang oras sa “picnic”.


Ang mga supporter ni Duterte ay patuloy na nangangampanya para sa kanyang paglaya noong Sabado, habang sila ay nagtitipon sa harap ng ICC detention facility.

Nagmula sila sa iba't ibang bahagi ng Europa, kabilang ang Norway at Germany.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | Mar. 29, 2025



File Photo: Spox Claire Castro - PCO


Hinikayat ng Malacañang ang mga tumatakbo sa local level na sumunod sa itinatakda ng batas na may kinalaman sa pangangampanya ngayong umarangkada na ang campaign period para sa local elections.


Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro, dapat tumalima sa patakaran ang mga kandidato at patunayan na marunong silang sumunod sa batas.


Bukod sa mga kandidato, nagbigay din ng mensahe ang Palasyo sa hanay ng mga nasa uniformed personnel.


Binigyang-diin ng Palace Press Officer na dapat manatiling “apolitical” o walang pinapanigang politikal na partido ang nasa hanay ng pulis at militar.


Hindi rin aniya dapat magpapagamit sa interes ng mga pulitiko ang mga uniformed personnel at sa halip, dapat aniyang manatiling pokus ang mga ito sa bansa at sa Saligang Batas.


"Ang PNP kasi dapat it should remain apolitical, so huwag magpapagamit tama po, huwag magpagamit sa pulitiko, huwag magpagamit sa damdamin. Alam nila, tandaan nila na ang kanilang trabaho ay manatiling loyal sa bansa, loyal sa konstitusyon, iyon lang po," dagdag pa ng opisyal. 

 
 

ni Mylene Alfonso @News | Mar. 29, 2025



File Photo: Atty. Claire at Duterte - PCO - ICC


Binati kahapon ng Malacañang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng mabuting kalusugan at kapalaran sa kanyang ika-80 kaarawan.


Sa press briefing sa Palasyo, maikling kumanta si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro ng 'Happy Birthday'' para kay Duterte. 


''Katulad po ng sinabi natin noong nakaraan, dapat lamang po nating batiin ng 'Happy Birthday, ang dating Pangulong Duterte at kung maaari nga po nating kantahan lahat ng Happy Birthday ang Pangulo,'' wika ni Castro.


''And of course we wish more years to come, we also wish good health, good fortune, kailangan po niya 'yan,'' hirit ng Palace official.


Kasalukuyang nahaharap si Duterte sa kasong murder sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC). 


Noong Marso 11 nang arestuhin si Duterte sa Pilipinas at dinala kalaunan sa The Hague, Netherlands.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page