top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 11, 2023




Huwwaaattt… si Sarah Geronimo, na-depressed kaya muntik nang magbabu sa showbiz bilang singer-performer-actress?


Weeeh, no kidding?!


But yes, sa mismong A.S.A.P. Natin 'To episode recently kung saan nagbalik si Sarah para i-promote ang latest single niya titled Sansinukob ng Viva Records at G Productions, inamin mismo ng Pop Star kung bakit pansamantala siyang nagpahinga sa showbiz world at nawala sa Sunday musical variety show ng Kapamilya Network.


Ayon kay Sarah, talagang pinanghinaan siya ng loob sa lahat ng pinagdaanan niya sa buhay bago pa nagkaroon ng pandemic, pero ngayon daw ay handa na siyang lumaban at haraping muli ang kanyang showbiz at singing career.


“Marami pong mga dumaan sa buhay ko na nagpahina ng aking loob, ng aking paghinga. Nakaapekto po ‘yun lahat sa akin pero tinulungan po ako ng Panginoong Diyos na bumangon ulit at yakapin ‘yung talento na ibinigay Niya sa akin.


"And, of course, ‘yung inspirasyon na galing, unang-una, sa Kanya, pangalawa po sa mga mahal ko sa buhay, sa aking pamilya, at ngayon ang aking asawa rin at sa inyong lahat po, Tito Martin (Nievera), kayo po, inspirasyon ko po kayo.


"Grabe talaga po ‘yung inspirasyon na naibibigay n’yo sa akin na tuluy-tuloy lang. Hangga’t meron, tuluy-tuloy lang. Happy New Year po! Walang iyakan! Hahaha!” turan ni Sarah na tipong maiiyak na sa mga A.S.A.P. hosts na sina Martin Nievera at Robi Domingo.


“I am starting the year with a grateful heart. Maraming salamat, Lord, maraming salamat sa aking pamilya, Popsters, sa aking A.S.A.P. Natin ‘To family, ABS-CBN family, sa lahat po ng Popsters, sa lahat po ng nakaka-appreciate ng aking mga original songs at sa mga nakatrabaho ko on this album, thank you very much po. And now, I’m offering another single, my latest single, Sansinukob Salamat. Sana po ay magustuhan n’yo," she even added.


So, shall we say... welcome the New Year 2023, Sarah Geronimo, kahit na si Nadine Lustre ngayon ang tipong Reyna ng Viva Productions nina Boss Vic del Rosario dahil kumita ang Deleter movie nito at naging Best Actress pa ang ex ni James Reid.

'Yun na!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 9, 2023




Na-curious kami sa reaction ng nag-iisang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa pagkakaroon na ng baby ng anak niyang si Luis Manzano at manugang na si Jessy Mendiola.


Of course naman, first time lola ng nag-iisang si Ate Vi, ‘no?!


Kaya naman tinext namin siya ng ganitey, “Hi, Vi! Congrats, may apo ka na! Ano’ng feeling na may first apo ka na at ano’ng wish mo para sa kanya at sa parents niya.


“Plus, ano’ng New Year’s resolution mo for year 2023?”


Sumagot naman si Vilma na buti na lang at hindi pa yata busy sa pag-aalaga sa kanyang unica apo.


Text nito sa amin, “Feeling heaven!!!! Sobrang cute (ni) Peanut. Takot ako (na) hawakan pa!! Parents.... so proud and happy!!! Thanks, Te Mers!!”


Oh, ha?! ‘Yun na! Napakagandang regalo nga naman ito sa nagdaang Krismas at Bagong Taon.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 5, 2023




So touching naman ang FB post ni Direk Perci Intalan nitong pagpasok ng New Year 2023 na tipong may konek sa paghihiwalay nila ng kanyang longtime partner na si Direk Jun Lana.


The following ay ang FB post ng producer ng IdeaFirst company na gumawa ng mga blockbuster films tulad ng Die Beautiful ni Paolo Ballesteros, Unforgettable ni Sarah Geronimo at Gameboys nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos…


"It’s been over a year now since I was making it thru each day praying and taking antidepressants my psychiatrist prescribed. At the time, I felt there was barely any light at the end of this long tunnel.


"But with little steps, I kept going. Each day can be good or can be bad. There’s work to do, some fulfilling, some disheartening. People surprise you, delight you, or disappoint you. But you keep going. Even when life sometimes rolls the dice and you have to take a few steps back and start again. It was tough but I learned the hard way that the key is to breathe, rest, but do not stop. Even a small step is a shift in perspective."


Patuloy niya, "Miracles don’t happen overnight and there is no magic pill. But gradually I made my way. I started weaning myself from the antidepressants — very slowly because I needed my system to adjust. My prayers slowly shifted from asking to thanking. And I learned to appreciate myself, forgive myself, love myself.


"Today, I am clearing a lot of stuff in my room and I am packing these pills and novena booklet away now. I won’t say the journey is done. The dice still rolls and I may have to go back and start over from whatever point. But I know now it’s not impossible. I won’t say I’m completely in the light, but I do see more of it now.


"I am sharing this because some of you may be going thru it too. Be patient with yourself. Pray.


Don’t be afraid to ask for help if you need it. Personal help or professional help. But be patient with people around you too. We all have our personal battles. Rest. Breathe. But keep going.


Through good and bad. The world turns regardless. The universe unfolds regardless. Let life reveal its many surprises for you. You made it this far, you can always take it one step further — and if that’s all you can do today, that still takes you closer to your light."


Oh, ha?! Wala tayong kaalam-alam na may pinagdaraanan pala si Direk Perci.


Thank you for sharing this, Direk Perci Intalan. For sure, marami ang makaka-relate rito lalo na 'yung mga may pinagdaraanan sa kani-kanilang love life or maging sa pamilya at trabaho or even sa kani-kanilang pangarap sa buhay.


Nag-text si yours truly kay Direk Perci saying... "I'm glad naka-recover ka na from depression," and even added kung okay na uli sila ni Direk Jun Lana, as in kung nagkabalikan na sila as partners in reel and real life?


Heto ang naging reply niya sa amin, "Happy New Year, Tita Mercy! Thank you po. Sana po, kayo rin, okay naman. Totoo nga po ang depression kahit sino at kahit kailan talaga, puwedeng tamaan.


Yakap po nang mahigpit, Tita!"


At sa status ng relasyon nila ni Direk Jun Lana, "Kami po ni Jun, okay naman kami.


Magkasama sa bahay kasama ng mga anak namin at magkasama kami sa IdeaFirst. Best friends po kami and happy na po kami sa setup namin na ito. Hindi man kami talaga nagkabalikan, hindi naman kami magkalayo sa buhay, hehe!"


Huwoowww! That's good to hear, ha? Malay natin, dahil magkasama pa rin naman pala sila sa bahay, eh, may reconciliation pang maganap.


Maganda ang partnership nina Direk Perci at Direk Jun at harinawang magkasundo na sila for the betterment of their showbiz career.


At kung may natitira pa silang love and fe...elings to one another, yes, why not? Go, go gowwww!

'Yun lang and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page