top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Melba R. Llanera @Insider | June 8, 2024



File photo

Kinumpirma ni Vilma Santos na nakipag-meeting nga siya sa magkasintahang Direk Antoinette Jadaone at Direk Dan Villegas kasama ang Mentorque producer na si Bryan Dy para pag-usapan ang isang future project na gagawin niya sa nasabing production. 


Ayon sa Star for All Seasons, masaya at maganda ang kinalabasan ng meeting nila at first time niyang na-meet ang dalawang direktor. May inilatag daw sa kanyang istorya at nagustuhan niya ito pero kailangan pang linisin at mas pagandahin.


Maraming materyal ang naialok na kay Ate Vi para gawin nito, pero ang gusto niya ay de-kalidad at pinag-isipan talaga at hindi 'yung masabi lang na gumawa siya ng pelikula. 


Ang huling ginawa niya ay ang 2023 Metro Manila Film Festival entry na When I Met You In Tokyo kung saan nanalo siya sa ilang award-giving bodies.


Kamakailan ay tumungtong uli sa Metropolitan Theater si Ate Vi nang magkaroon sila ng talk back ni Direk Chito Roño para sa pelikulang Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?.


Aminado ang mahusay na aktres na malaking bahagi ng career niya ang naturang venue dahil walo hanggang sampung taong ginawa sa MET ang show niyang Vilma


Ayon kay Ate Vi, nagpakuha ng mga larawan ang ilang executives  ng MET sa dati niyang dressing room na renovated na ngayon.


Samantala, after ng talk back sa MET ay dumiretso si Ate Vi sa event ng AKTOR organization na pinangungunahan ng inaanak niyang si Dingdong Dantes. Ayon kay Ate Vi, kinuha sila nina Tirso Cruz III, Ms. Charo Santos-Concio at Christopher de Leon upang maging advisers ng organisasyon. 


Papuri rin ni Ate Vi, gusto niya ang mission at vision ng grupo para mapangalagaan at mapabuti ang industriya.


Pero kung busy pa rin si Ate Vi sa kaliwa't kanang events, hindi naman nawawala sa kanyang oras ang pagiging lola sa napaka-cute na apong si Peanut. Ito raw ang inspirasyon niya ngayon at pinapasalamatan niya ang anak na si Luis Manzano at ang asawa nitong si Jessy Mendiola dahil hindi ipinagkakait sa kanya si Peanut, na 'pag may oras siya ay siya ang dumadalaw sa bahay ng mag-asawa. O kung hindi naman ay ang mag-anak ang dumadalaw sa kanya.

 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | May 10, 2024



File photo
File photo: The House of Collab / Pabby

Nakapasok kami kamakailan sa House of Collab mansion at dito ay nakilala namin ang mga content creators na naglalaban-laban para sa Season 7 ng House of Collab


Mahigit dalawampu ang naglalaban-laban dahil hindi lang brands ang mapapanalunan ngayon, kundi tumataginting na isang milyong pisong cash. 


Sa dami ng mga sumali, ang isa sa mga nakaagaw ng atensiyon namin ay ang LGBTQ member na si Princess Aguas Bartolome o mas kilala bilang Pabby sa social media world. 


Kasintahan niya ngayon ang kapwa content creator at dating kasama sa House of Collab na si Cassy Beltran na isa ring miyembro ng LGBTQ. 


Masaya at kuntento raw siya sa itinatakbo ng kanilang relasyon sa ngayon. Isa sa mga ipinagpapasalamat ni Pabby ay tanggap at mahal nito ang pitong taon na anak niyang babae, si PaoPao.


Sa naturang interview namin kay Pabby ay inamin nito na isa siyang rape victim at ang anak na si PaoPao ay bunga ng panghahalay sa kanya nu’ng labingwalong taong gulang pa lang siya nu’ng year 2017. 


Pagbabalik-tanaw ng content creator, buntis ang girlfriend niya noon at dahil walang trabaho ay naisipan nilang ibenta at i-post sa Facebook ang cellphone nito na nagkakahalaga ng P38,000. 


May isang lalaki ang nag-message sa kanila at dahil sa pangangailangan at tiwala ay pumayag si Pabby na makipagkita rito. 


Inalok daw siya ng P5,000 bilang tulong na lang at hiniling na kumain na lang sila sa labas. Nu’ng nasa sasakyan na, nagulat siya nu’ng nagsalita ito na gusto nitong makita ang pribadong parte ng kanyang katawan. 

Gustuhin mang tumakas ay ‘di niya nagawa dahil naka-child lock ang sasakyan at nadala siya sa motel at napagsamantalahan. 


Pagkahatid ay binigyan siya nito ng P15,000 para palabasing binayaran siya nito.


Walang pinagsabihan si Pabby hanggang sa magdalantao siya at wala na siyang choice kung hindi ipagtapat sa pamilya at kasintahan ang nangyari sa kanya.


Binalak mang magdemanda ng rape ay hindi na niya naituloy, dahil sinabihan na siya na hindi aakyat ang kaso dahil kusa siyang sumama. 


Nagsampa rin siya ng kaso para sa financial support pero hindi na rin niya itinuloy dahil kaya na naman nilang buhayin ng current girlfriend ang anak.


Naikuwento rin sa amin ni Pabby na dapat ay ipi-feature ang buhay niya sa


Magpakailanman, pero hindi ito natuloy dahil nalaman ng management ng GMA-7 na humingi ng cut na nagkakahalaga ng P10,000 ang researcher ng programa. 


Na-interview na siya ng host ng show na si Mel Tiangco pero dahil nga sa nangyari ay hindi na ito natuloy ipalabas.

 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | March 11, 2024



Isa sa mga artistang nakita naming nakiramay sa labi ng namayapang aktres na si Jaclyn Jose sa Arlington Memorial Chapels ay si Tom Rodriguez. 


Sa panayam namin sa Kapuso actor, inamin nito na si Jaclyn pala ang kahuli-hulihang tao na nakausap niya nu’ng nasa America siya at nagbiyahe pa-LA ang aktres.


Pagkatapos nito’y ‘di na siya nakipag-usap pa kahit kanino. Ito ay nu’ng magdesisyon si Tom na pansamantalang iwanan ang showbiz at sa America piniling magpahinga muna after mauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila ni Carla Abellana. 


Ayon pa kay Tom, pagbalik ng bansa ay hinahanap niya si Jaclyn pero ‘di sila pinalad na magkita, hanggang sa nangyari na nga ang pagkawala ng 2016 Cannes Film Festival Best Actress. 


Inilarawan ni Tom sa amin si Jaclyn bilang isang masayahin, kalog at maalaga at kung paano siya inalalayan gayung tagahanga siya nito at siyempre, dapat siya ang alalayan nito.


Naalala ni Tom ang kakulitan ni Jaclyn kung saan gumawa sila ng mga kasamang kabataang artista sa The World Between Us ng group chat. Kuwento ng Kapuso actor, si Jaclyn ang pinakamatanda sa kanila pero ito ang puno't dulo ng mga kalokohan at barkada vibes lang talaga sila. Pag-describe pa ni Tom, masigla at puno ng buhay si Jaclyn kaya't ‘di siya makapaniwala na wala na ito ngayon.


Nang tanungin namin kung ano ba ang ipinayo sa kanya ng namayapang aktres, ayon kay Tom, ito ay magpatuloy lang siya, mahalin ang trabaho at go lang lagi sa buhay anumang pagsubok ang pagdaanan niya. 


Sa ngayon nga ay aktibo na uli si Tom kung saan napapanood na siyang muli sa ilang guestings sa GMA at sa play na Ibarra.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page