top of page
Search

Fni MC - @Sports | August 24, 2022


ree

Halos wala pang isang linggong nag-eensayo kasama ang Gilas Pilipinas, sinabi ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Jordan Clarkson ay nakikibagay nang husto sa pambansang koponan bago ang kanilang laro sa Lebanon sa ikaapat na window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.


Ayon kay SBP executive director at spokesperson Sonny Barrios na komportable na si Clarkson sa mga kapwa manlalaro ng Gilas. “Napakahusay niyang nakaka-adapt at nakaka-relate sa tatlong senior coach: sina Chot (Reyes), Tim (Cone), at Jong (Uichico),” sabi ni Barrios.


Aside from the high energy na napansin ko prevailing sa buong team, as far as Jordan is concerned, pati ‘yung side interaction nila sa kapwa eh ano siya, very comfortable.”


Para kay Barrios, ang mga nationals na patungo sa Lebanon ay may chemistry na ng koponan.


“As far as cohesion is concerned, magandang-maganda. Very promising at very nice to watch silang magkakasama,” wika nito.


Habang si Clarkson ay saglit lang kasama sa koponan, sinabi ni Barrios na ipinakita na ng Fil-Am NBA player na siya ay magaling gaya ng inaanunsyo. “As expected, ‘yung tinatawag na learning curve niya sa plays eh napakabilis. ‘Yung lahat ng katabi ko na nanonood ng practice, iisa lang ang komento nila, iba talaga ang kilos ni Jordan,” dagdag ni Barrios. “Hindi lang siya one cut above the rest, if I may say without downplaying the ability of our players.”


Sa inihayag ng 13-man lineup, kabilang si Clarkson, noong Lunes, sinabi ni Barrios na magbibigay ng magandang laban ang Gilas laban sa Lebanon. “Mabigat ‘yung Lebanon pero we are confident that we will play well. ‘Di natin puwedeng sabihin na siguradong tatalunin natin, pero siguradong lalaban tayo ng magandang laban.”


Makakalaban ng Gilas Pilipinas ang Lebanon sa Biyernes ng madaling araw (oras ng Maynila).

 
 

ni VA / MC - @Sports | August 23, 2022



ree

Hindi naging madali para sa 2018 runner-up Japan ang walisin ang katunggaling Chinese Taipei sa straight set 25-22, 25-22, 25-22 kasunod ng matamlay na opensa galing sa mga manlalaro sa pagkuha ng ikalawang sunod na panalo sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women sa Philsports Arena sa Pasig City Lunes ng umaga.


Kumpara laban sa naunang panalo kontra sa Thailand sa unang laro na mas naging epektibo ang takbo ng opensa nang magtala ng kabuuang 53-of-131 atake sa straight set, kumpara sa 46-of-162 laban sa Taiwanese team.


Rumehistro si Yuki Nishikawa ng 11 puntos para sa Japan, habang nag-ambag ng tig-9 puntos sina Mizuki Tanaka, Asuka Hamamatsu at Miyu Nakagawa. Kumunekta naman sina middle blocker Hiroyo Yamanaka ng 5pts at setter at team captain Mika Shibata sa 4pts.


Nakapalo ang Taiwanese team ng kabuuang 49-of-160 atake na pinagbidahan ni Chang Li-Wen sa 16pts mula 15 atake at sinegundahan nina Lin Shu-Ho sa 10pts, Chen Tzu-Ya sa 8pts at middle blocker Kan Ko-Hui sa 7pts.


Naging malaking bagay sa panalo ng Japanese squad ang mas maraming error ng Taiwanese sa 22 kumpara sa 12 lamang ng Nippon crew, na nagnanais na mas pagandahin at ayusin ang susunod na laro kontra Australia sa Huwebes.


Sasabak sa kanilang huling laro ang Japanese team kontra Australia sa preliminary round ng Pool B ng 1 p.m. matapos umatras ng Kazakhstan, bago ang pagsisimula ng quarterfinals sa Sabado, habang susubukang makabawi ng Chinese Taipei laban rin sa Australians ngayong p.m.


Mga laro ngayong araw (Martes)(Philsports Arena)1:00 n.h. – Australia vs Chinese Taipei (A)4:00 n.h. – Vietnam vs Iran (A)7:00 n.g. – Philippines vs China (B)

 
 

ni MC / VA- @Sports | August 23, 2022



ree

Magandang simula ang ipinakita ng Gilas Pilipinas Youth sa 2022 FIBA Under-18 Asian Championship matapos talunin ang Syria, 112-48, sa Azadi Basketball Hall sa Tehran.


Pinasimulan ni Mason Amos ang maagang 35-7 simula ng Pilipinas nang pangunahan niya ang crew na may 20 puntos at apat na rebounds.


Gumawa rin si EJ Abadam ng pinsala sa kanyang 19 puntos, anim na tabla, at apat na assist, kung saan si Seven Gagate ay kulang lang ng isang rebound para sa kanyang double-double performance na 19 puntos at siyam na rebounds sa isang panalo kung saan ang mga kabataan ay pumukol ng 32-porsiyento mula sa malalim at 52-porsiyento sa field.


Sasagupain ng Gilas ngayong araw ang Qatar Group C action dahil layunin nitong makakolekta ng sapat na panalo para makapasok sa top eight. Nanguna si George Kastntin sa Syria na may 12 puntos sa pagkatalo.


Ang mga iskor: PHILIPPINES 112 — Amos 26, Abadam 19, Gagate 19, Coronel 9, Demisana 8, Porter 8, Gamber 6, Bahay 6, Alao 3, Pablo 3, Nacua 2, Andres 1.


SYRIA 48 — Kastntin 12, Khantoumani 7, Alfarouk 6, Eid 5, Essa 5, Harami 5, Mousa 3, Dabdoob 2, Ibrahim 2, Al Hajji 1, Aldassouki 0, Tallaj 0. Mga quarters: 35-7, 53-16, 87-24, 112-48.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page