top of page
Search

ni MC - @Sports | September 26, 2022


ree

Nadomina ni Nicola Queen Diamante ang anim sa pitong event na nilahukan para tanghaling ‘most bemedalled’ swimmer sa pagtatapos ng 1st Novice Swim Championship sa maulang Linggo sa Teofilo Ildefonso swimming pool sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.


Nakopo ni Diamante, isang miyembro ng RSS Dolphines Swim Team, ang girls 11-yrs old class A 25-meter free style sa oras na 14.30 segundo, butterfly (14.80), backstroke (16.30), breastroke (21.40), 50-meter freestyle (30.40), at 100-m Individual medley (1:29.40).


Hindi nakumpleto ni Diamante ang isang sweep sa grassroots development program ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) na pinamumunuan ni Batangas solon Eric nang masilat sa tunggalian laban kay Alex Pasia ng Sharknado Swimming Team sa ang 100-m freestyle (45.80) sa tiyempong 1:09.10.


Noong nakaraang buwan sa Reunion swimfest ng COPA, itinanghal din si Diamante na top swimmers tangan ang apat na gintong medalya sa Class A 100-m butterfly (1:21.30); 100-m backstroke (1:24.70); 100-m freestyle (1:11.00) at ang 200-m back (3:04.90).


“Masayang masaya po ako at nagpapasalamat sa COPA dahil tuloy-tuloy ang tournament nila sa mga kabataan tulad ko. Mas gagalingan ko pa po sa susunod. Medyo maginaw na kanina kaya hindi ko na masyadong nakahirit,” pahayag ni Diamante, patungkol sa malakas na hangin at bahagyang pag-ulan dala ng bagyong ‘Karding.


Idineklara ng weather bureau ang signal No.3 sa Maynila bandang hapon ngunit masuwerte ang organizers na natapos ang event pagkatapos ng lunch break. “Inagahan nga namin after we receive the info about the signal warning. Pasalamat naman kami at natapos ng maaga at napauwi natin ang lahat bago pa bumuhos ang ulan. Hindi na kami nag-awarding, abot na lang 'yung mga medals,” pahayag ni technical director head Richard Luna.


Sinabi ni COPA Board member Chito Rivera na inaasahan niya ang malaking partisipasyon ng public school student habang inihayag ang planong doblehin ang bilang ng mga kalahok sa susunod na tournament -- ang Reunion 3rd leg swim challenge sa Oktubre 22-23.

 
 

ni MC - @Sports | September 25, 2022


ree

Hinirang na kampeon si world champion gymnast Caloy Yulo sa kanyang pet floor exercise sa 55th All-Japan Seniors Championship na ginanap noong Biyernes bilang bahagi ng kanyang paghahanda para sa World Championship sa susunod na buwan sa Liverpool, England.


Iniulat ni Munehiro Kugiyama, Japanese coach ni Yulo, ang magandang balita ng pagkapanalo ng Filipino pocket-sized dynamo na may kasamang silver event at vault bronze.


Hindi nakipagkompetensya si Yulo sa ibang mga apparatus dahil sa pananakit ng daliri.


He (Yulo) has injury in his finger this time,” ani Kugiyama.


Sinabi ni Kiguyama na lilipad sila sa Paris, France sa susunod na buwan bilang bahagi ng buildup ni Yulo sa Worlds na nakatakda sa Oktubre 29 hanggang Nob. 6. “Pagkalipas ng isang buwan, pumunta kami sa pre-camp sa Paris at pagkatapos ay direktang pumunta sa World Championships,” sabi niya.


Doon, umaasa si Yulo na mag-imprub, o mapantayan ang kanyang vault gold at floor exercise silver sa huling edisyon sa Kitakyushu, Japan noong isang taon. Nag-gold din si Yulo sa floor exercise noong 2019 sa Stuttgart, Germany.


Samantala, makatatambal ni Roger Federer ang matagal nang karibal na si Rafael Nadal para sa huling laban ng kanyang dumidilim na karera dahil sa injury, inihayag ng mga organizer ng Laver Cup noong Huwebes.


Ang 20-time Grand Slam champion ay naglaro ng doubles kasama ang Espanyol na nanalo ng 22 majors, sa O2 arena sa London noong Biyernes (Sabado Ph time).


Si Federer, na ang pinakahuling kompetisyon ay ang pagkatalo kay Hubert Hurkacz sa quarterfinals ng Wimbledon noong nakaraang taon at nahirapan sa problema sa tuhod at hindi nakapaglaro ng mga single event sa London. Ang Laver Cup ay isang kompetisyon ng koponan na pinaghahalo ang Team Europe laban sa Team World.


 
 

ni MC - @Sports | September 25, 2022


ree

Bago labanan si mixed martial arts star Conor McGregor sa taong 2023, sasabak muna sa exhibition fight sa Japan ang retired undefeated American boxer Floyd Mayweather, Jr sa Linggo sa Saitama Super Arena.


Walang bakas ng takot si Floyd sa nakatakdang laban nito kay Japanese mixed martial artist Mikuru Asakura. Kumpiyansa si Floyd na magiging madali lang para sa kanya ang nasabing exhibition fight na gaganapin sa Linggo sa Saitama Super Arena.


“Wala akong nakikitang problema at kaya niyang ulitin ang ginawa niya kay Japanese kickboxer Tenshin Nasukawa na kanyang pinatumba sa loob ng 2 minuto noong 2018,” pagyayabang ni Floyd.


Siniguro ni Mayweather na hindi tatagal ang kanilang laban ni Asakura at matatapos ito bago o mismong sa round 3.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page