top of page
Search

ni MC - @Sports | September 27, 2022


ree

Bagsak sa 2nd round kay Floyd Mayweather ang mixed martial arts fighter na si Mikuru Asakura sa pinakahuling post-retirement exhibitions ng boxing great.


Pinadapa ng 45-anyos na si Mayweather ang kasagupa sa bisa ng kanan niyang upak habang nasa ringside at nanonood ang dating karibal sa welterweight na si Manny Pacquiao sa Saitama.


Inisnab naman ng nagretirong si Mayweather noong 2017 na may unbeaten record na 50-0 record ang mga tanong hinggil sa kapareho niyang retirado na si Pacquiao.


Dumating si Mayweather sa Saitama Super Arena, Hilaga ng Tokyo, isang oras bago ang laban.


Sa naturang laban na 'easy money' styled ni Mayweather, hindi na nagawa pang makatayo ni Asakura sa pagkakadapa sa canvas hanggang sa matapos ang bilang ng referee. "It was another blockbuster turnout... boxing for me is like breathing," saad ni Mayweather at idinagdag na naghahanap siya uli ng laban sinuman sa "YouTubers and MMA guys".


Wala na sa plano niya si Philippine great Pacquiao. "I retired for a reason," ani Mayweather. "I'm here to have fun and enjoy myself... but I'm not going to take no punishment to the point to where I can barely walk and barely talk."


"People will always pay to get a glimpse of Floyd Mayweather," aniya at sabay nagtanong na, "so why would I go out there and... fight a top fighter when I can get the same amount of money for three rounds with whoever?"


Mas pinahirapan ni Asakura, isang MMA star at popular YouTuber ng Japan si Mayweather kaysa sa huling exhibition fight ng American sa Japan, laban kay kickboxing prodigy Tenshin Nasukawa noong Disyembre 2018.

 
 

ni MC - @Sports | September 27, 2022


ree

Hindi pa raw nababayaran si YouTuber Logan Paul ni Floyd Mayweather Jr. sa kanilang nagdaang exhibition match noong Hunyo ng nakaraang taon.


Nagbakbakan ang dalawa sa 8-rounds bout sa isang pay-per-view event sa Hard Rock Stadium sa Florida, kung saan ay walang nanalo sa kanilang laban dahil isa lamang itong exhibition fight. Ayon kay Paul, may utang pa rin sa kanya si Mayweather mula sa naturang laban.


"He didn't pay me, I wished he paid me. I got paid a little bit, not like I should have gotten paid, no. I am out a few million," reklamo ni Paul sa Impaulsive podcast. "He probably [still owes me] between two and three [million dollars]," ani Paul.


Noong Enero unang isinambulat ni Paul na hindi pa rin siya nababayaran sa naturang exhibition match. Sumagot naman si Mayweather sa isyu na pinoproseso pa aniya ang pera.


Una ring pinaniniwalaan ni Paul na nagwagi siya sa laban. "He did not knock out a YouTuber in eight rounds. He guaranteed a knockout in our press conference. I don't know there is a world where you can take away from that fight that Floyd won," aniya.


Nagretiro si Mayweather sa professional boxing noong 2017 pero nagbalik sa ibabaw ng ring para sa mga exhibitions. Noong Linggo ay nanalo siya sa knockout sa isang exhibition fight kontra Japanese MMA fighter Mikuru Asakura sa Saitama Super Arena sa Japan

 
 

ni MC - @Sports | September 26, 2022


ree

Nagkita ang mortal na magkaribal sa boxing na sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa press conference para sa RIZIN 38 noong Sabado sa Saitama, Japan.


Pero sa pagkakataong ito sina Pacquiao at Mayweather, na parehong nagretiro mula sa aktibong pakikipaglaban, ay hindi nagpalitan ng suntok, bagkus ay mga parunggitan sa isa't isa.


Sa Japan kasi ay makakalaban ni Mayweather si Mikuru Asakura, isang mag-aaral ni Pacquiao, sa isang exhibition bout. Magaganap ngayong araw ang laban ng dalawa.


Gayunpaman, hindi nito napigilan sina Pacquiao at Mayweather na makipagpalitan ng verbal jabs. “Nandito ako para suportahan ang aking boksingero na lalaban bukas — si Asakura Mikuru,” ani Pacquiao. “I’m so thankful na pumunta siya sa Pilipinas, sa Manila para magkaroon ng mga techniques about boxing, and train with me there. Kaya ito ay magiging isang magandang boxing exhibition laban kay Floyd.”


Sinabi ni Mayweather na si Asakura na sinanay ni Pacquiao ay gagawing mas kapana-panabik ang laban. “Mas exciting na nakapunta siya sa Pilipinas at humingi ng payo kay Manny,” sabi ni Mayweather.


Nanindigan si Mayweather na walang nakakaalam kung paano siya tatalunin, maging si Pacquiao na nadaig ng Amerikano noong lumaban sila noong 2015. “Tulad ng sinabi ko noon, walang blueprint kung paano talunin si Mayweather,” wika ng mayabang na mamang itim.


Nakatakda ring lumaban si Pacquiao sa isang exhibition bout laban sa Korean martial artist na si DK Yoo sa Disyembre.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page