top of page
Search

ni MC - @Sports | October 13, 2022



ree

Naghari ang Ateneo de Manila University's Loyola Gaming Helios sa Mobile Legends: Bang Bang Pro Series (MPS) SEA Campus Invitational Summer 2022 mula sa isang Filipino-Vietnamese tournament na idinaos nitong weekend.


Winalis ng Ateneo ang kapwa Pinoys na San Sebastian College-Recoletos Golden Stags, 2-0 tungo sa invitational title. Ang Ateneo rin ang defending champion sa Collegiate Center for Esports’ (CCE) University Clash Invitationals.


Sa kabuuan, 4 na teams mula sa Pilipinas at 4 na teams mula Vietnam ang lumahok sa kompetisyon kung saan ang semifinals ay binuo ng all-Pinoy showdown.


Pumasok sa final 4 ang Collegiate powerhouse Lyceum of the Philippines University Pirates at University of Santo Tomas’ Teletigers Esports Club na pawang mga tinalo rin ng Ateneo para makapasok sa finals. Naiuwi ng Ateneo ang $600 (P36,000) bilang premyo. Lumahok din ang Vietnamese squads na Dangerous Guys Team, Chi Thơ Ngok, Nextplay Esports, at CĐ Kinh Tê TP Ho Chi Minh sa kompetisyon.


Samantala, halos magaling na ang natamong ACL injury ni hard-hitting mixed martial arts strawweight Lito Adiwang matapos ang 7 buwang pagpapagaling at rehabilitasyon.


Huling sumabak sa aksyon ang 29-anyos na si Adiwang nang matalo siya sa kapwa Pinoy na si Jeremy Miado noong Marso sa ONE X kung saan nakuha niya ang kanyang injury.


Nanalo ang kinatawan ng Team Lakay sa laban hanggang sa mapunit niya ang kanyang kanang ACL sa ikalawang round na nagresulta sa anticlimactic na pagtatapos sa paligsahan sa pamamagitan ng technical knockout. “Kaunting push pa at babalik na ako.


Nagpapalakas na lang at ibinabalik ang reflexes. Nagulat ang doktor ko kasi mabilis ang recovery ko,” ani Adiwang.

 
 

ni MC - @Sports | October 12, 2022



ree

Pangungunahan ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz ang kampanya ng bansa sa International Weightlifting Federation World Championships na nakatakda sa Disyembre 5 hanggang 16 sa Bogota, Colombia.


Isasama sa aming mga babaeng lifter para sa World Championships sa Colombia ang aming pambatong si Hidilyn Diaz,” sabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella.


Ito ang magiging unang kompetisyon para kay Diaz, kasama ang pinakasalan na strength at conditioning coach na si Julius Naranjo noong Abril pagkatapos ng kanyang ginintuang pagsisikap sa Hanoi Southeast Asian Games noong nakaraang Mayo.


Itinatanghal ng bansa ang best of the best na kinabibilangan ng Asian champion at SEA Games gold winner na sina Vanessa Sarno, Tokyo Olympian Elreen Ando, ​​Kristel Macrohon at Rosegie Ramos. Kasama rin sa roster sina Lovely Inan, Nestor Colonia, John Ceniza at John Pacaldo.


Sinabi ni Puentevella na nagpadala lamang sila ng dalawang kinatawan na sina Rose Jean Ramos at Fernando Agad sa nagpapatuloy na Asian Championships sa Manama, Bahrain para tumutok sa Bogota tilt. “We skipped the Asian, para makasali tayo sa World this December. Ang Olympics ang pangunahing layunin natin,” aniya.


Si Ramos, nakababatang kapatid ni Rosegie, ay nakakuha ng tanso sa Manama sa kabila ng pagiging pinakabatang kalahok na 16 taong gulang.

 
 

ni Gerard Arce / MC - @Sports | October 5, 2022



ree

Naitakas ng University of the Philippines Fighting Maroons ang isang pambihirang come-from-behind victory laban sa Adamson University Soaring Falcons sa overtime sa pamamagitan ng 87-78 sa ikalawang laro ng quadruple-double kahapon sa 85th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball sa Philsports Arena sa Pasig City.

Pinagtulungan nina Malick Diouf at Zavier Lucero ang Fighting Maroons para kunin ang ikalawang sunod na panalo na bumangon mula sa 16-puntos na pagkakalubog sa first half. Lumista ng 13-4 blast ang Katipunan-based squad sa additional period kabilang ang apat na puntos ni Diouf at matinding block upang maiselyo ang panalo na kinailangang maghabol mula sa 16-puntos na kalamangan.


Tumapos ang season 84 Finals MVP na si Diouf ng 13pts, 12 rebounds, 4 assists, 4 blocks at 3 steals sa 5-of-7 shooting, habang nanguna sa puntusan si Lucero sa 15pts, 7 rebounds, 4 assists, at 1 steal.


Samantala, itinaas ni Manny Pacquiao ang level ng kanyang boxing training sa pagsisimula ng kanyang gym work bilang paghahanda sa kanyang exhibition bout laban kay DK Yoo ng South Korea sa Disyembre.


Sa ilang mga video, ipinakita ng retiradong boxing champion at dating senador ang paghataw sa punching bag at paggawa ng mitt work sa kanyang gym sa General Santos City.


Nakatakdang labanan ni Pacquiao si DK Yoo sa isang charity match sa Disyembre 11.


Pumayag ang dating senador na labanan ang Koreano kung saan ang kikitain nito ay gagamitin para sa pagtatayo ng bahay ng mga walang tirahan sa Pilipinas.


Pumirma rin si Pacquiao sa isang kasunduan para makalaban ang kanyang dating sparring partner na si Jaber Zabayani ng France sa Pebrero sa susunod na taon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page