top of page
Search

ni MC - @Sports | October 27, 2022



ree

Asahan na ang pagdating ng mga manlalaro ng Japan B.League para sa ikalimang window ng 2023 Fiba Basketball World Cup Asian qualifiers.


Inaasahang babalik ang mga Filipino import na sina Dwight Ramos, magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena, at Bobby Ray Parks sa Oktubre 28 para sumali sa Philippine team training bilang paghahanda sa road games laban sa Jordan sa Nob. 10 at Saudi Arabia sa Nob. 13.


Naglaro ang apat para sa Gilas sa fourth window, kabilang ang 84-46 panalo laban sa Saudi Arabia sa Mall of Asia noong Agosto 29.


Bukod sa quartet, umaasa rin si coach Chot Reyes na makakakuha ng clearance si Kai Sotto mula sa Adelaide 36ers para sumali sa Gilas. “May direktiba ang FIBA sa lahat ng liga sa buong mundo na hindi mapipigilan ang mga manlalaro na maglaro para sa kanilang mga pambansang koponan. Sana, makuha natin si Kai. Tulad ng sa Japan, alam namin na sa isang tiyak na petsa, sa tingin ko hanggang ika-28 ng buwang ito at pagkatapos ay si Dwight Ramos, Kiefer at Thirdy Ravena at Ray Parks, magagamit na sila noon at ganoon din ang inaasahan namin para sa Kai,” sabi ni Reyes.


Sisimulan ng Gilas ang araw-araw na pagsasanay pagkatapos ng huling PBA gameday sa Okt. 30 bago umalis patungong Jordan sa Nob. 7.

 
 

ni MC - @Sports | October 20, 2022



ree

Magdaraos ang Qatar ng World Cup at 2023 Asian Cup, ayon sa Asian Football Confederation makaraang umatras ang China sa unang bahagi ng taon dahil sa Covid.


Nagwagi sa bidding ang China noong June 2019 para mag-host ng event pero umatras noong Mayo dahil na rin sa "zero-Covid" policy, kaya naman nagdumale ang AFC na humanap ng bagong host para sa men's 24-team football tournament. Ang torneo sana ay idaraos sa 10 Chinese cities mula Hunyo 16 hanggang July 16 2023.


Ang South Korea at Indonesia ang dalawang iba pang bansa na nagnanais mag-host makaraang umatras ang China, pero Qatar ang napili. "The Asian Football Confederation (AFC) executive committee has today confirmed the Qatar Football Association (QFA) as the host association for the AFC Asian Cup 2023," ayon sa Malaysia-based AFC sa statement.


Hindi naman nagbigay ang AFC ng petsa para sa Asian Cup. Napipisil naman ng executive comittee ang India at Saudi Arabia para sa 2027 Asian Cup.


Sinabi ni AFC president Shaikh Salman bin Ebrahim Al Khalifa na ilalatag na ng Qatar ang mga event sa kabila ng pagkagahol sa panahon para maghanda. Iho-host din nila ang World Cup simula sa Nobyembre. Pinuri naman ng AFC chief ang Qatar, "existing world-class infrastructure and unrivalled hosting capabilities". "I must also commend the AFC for showcasing utmost professionalism in conducting a fair and transparent expedited bidding process and I thank all our commercial partners and sponsors for their patience during these unprecedented times."


Idinaraos ang Asian Cup tuwing apat na taon. Napagwagian din ng Qatar ang torneo sa nakaraang edisyon noong 2019 na nai-host ng United Arab Emirates. Nai-host ng Qatar ang 1988 at 2011 editions.

 
 

ni MC - @Sports | October 20, 2022



ree

Tumaas sa 39th place ang FIBA World rankings ng Gilas Pilipinas Women.


Nanatili naman ang China bilang top team sa Asia at pumapangalawa sa buong mundo matapos na mag-silver medal finish sa 2022 FIBA Women’s World Cup na ginanap sa Sydney. Nakuha ng Australia ang 3rd spot sa ranking, sinundan ng Japan sa pang-siyam, Korea nasa ika-12, New Zealand na 29 na puwesto, at ang Chinese Taipei sa 33rd. Hawak ng Olympic champion at World Cup gold medalist na US ay ang top rankings.


Samantala, matikas ang bukas ng kampanya ng Ateneo de Manila University sa V-League Women's Collegiate Challenge nang talunin ang San Sebastian College, 25-19, 25-19, 25-14 kahapon sa Paco Arena, Manila.


Umiskor si Faith Nisperos ng 18 points sa bisa ng 11 kills, six aces at block, para sa second set ng Pool A match-up ng Ateneo. Nakapag-ambag si Vanie Gandler ng 14 points habang sina Lyann de Guzman at Joan Narit ay may tig-10 at 8 points.


"We still have to polish many things. Baste (San Sebastian) is a very good team, lumamang lang kami ng konti sa rotation ng tao," ayon kay Blue Eagles head coach Oliver Almadro.


"But we are preparing for bigger games, not just in the V-League but also in the UAAP. So, we really need to work on so many things."


Bumanat si Kristine Dionisio ng 12 points habang sina Tina Marasigan at Kamille Tan ay may tig-seven points apiece sa Lady Stags na haharapin sa susunod ang Adamson University.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page