top of page
Search

ni Gerard Arce / MC - @Sports | December 9, 2022



ree

Nasa South Korea na si dating Senador Manny Pacquiao para sa exhibition fight nito kontra sa martial arts star na si DK Yoo.


Gaganapin ang laban ng dalawa sa Disyembre 10 sa Korea International Exhibition Center. Pagdating pa lamang ni Pacquiao sa airport, agad na sinalubong si Pacquiao ng mga Filipino at Korean fans na nakipag-selfie pa sa dating senador.


Magugunitang noong nakaraang taon ay nagretiro na sa boxing si Pacquiao na mayroong record na 62 panalo, walong talo, dalawang draw at 39 knockouts. Ayon kay Pacquiao, ang mapananalunang premyo sa nasabing laban ay ibibigay nito sa charity.


Bukod pa sa laban ng dalawa ay mayroong ilang nakatakdang undercard na ito ay kinabibilangan ng laban ni Jose Luis Castillo Jr. kay Min Guk Ju; Nico Hernandez vs. Jae Young Kim; Min Wook Kim vs. Marcus Davidson; Abel Mendoza vs. Cristian Ruben Mino at Sean Garcia vs. Seung Ho Yang.

ree

Samantala, umusad na ang Ateneo sa UAAP 85 men’s basketball finals matapos talunin ang Adamson, 81-60, noong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum. Muling sumandal ang top-seeded Blue Eagles sa kanilang third-quarter run, umiskor ng 19 na hindi nasagot na puntos upang gawing 63-36 na kalamangan ang 44-36 kalamangan sa pagpasok ng payoff period.


Ito na ang ikatlong pagkakataon sa apat na season na ang Blue Eagles at ang Fighting Maroons ay magsasalpukan sa championship series. Nakatakda ang Game One sa Linggo sa Mall of Asia Arena.



 
 

ni Gerard Arce / MC - @Sports | December 8, 2022



ree

Nasungkit ng Petro Gazz ang kampeonato nitong Martes matapos umiskor ng 25-17, 22-25, 25-12, 25-22 panalo laban sa Cignal sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa PhilSports Area sa Pasig City kamakalawa ng gabi.


Kumamada si import na si Lindsey Vander Weide na may 19 puntos para sa Angels, na nakaligtas sa Game One, 25-21, 27-25, 37-35 noong Huwebes. Itinanghal siyang Best Import at Finals MVP awards. “Sobrang saya (we very happy), given the sacrifices by the players. Sulit na sulit (we made it),” ani coach Rald Ricafort.


Nagdagdag si Mary Remy Joy Palma ng 18 puntos, si Myla Pablo ay may 17 at si Mar-Jana Phillips ay umiskor ng 12 puntos.


Sa panig ng HD Spikers, pinangunahan ni Ces Molina ang Cignal na may 14 puntos habang nag-ambag ang import na sina Tai Bierria at Roselyn Doria ng 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod. Nakabawi naman ang Creamline mula sa pagkatalo sa ikatlong set para talunin si Chery Tiggo, 25-15, 25-19, 23-25, 25-21, para tumapos sa ikatlo.



ree

“Hindi namin nakuha ang grand slam pero mas maraming pagkakataon para makuha ito,” ani Creamline head coach Sherwin Meneses matapos ang laban. “Hindi naman talo sa amin, one game at a time. Magiging intact pa rin kami kaya may chances.”


Nagawa ng Chery Tiggo Crossovers na dominahin ang ikatlong set, sinamantala ang kawalan ng team captain ng Creamline na si Alyssa Valdez na nagtamo ng kanyang kanang tuhod.


Nangunguna si Mylene Paat na may 19 puntos para sa Crossovers, na nakakuha rin ng 13 puntos mula sa import na si Jelena Cvijovic. Nagdagdag si Ennajie Laure ng 11 puntos habang si Czarina Grace Carandang ay may 10 puntos.


 
 

ni MC - @Sports | December 8, 2022


ree

Opisyal nang natapos ang round-of-16 ng 2022 Qatar World Cup at walong team na lamang ang nalalabi upang pag-agawan ang inaasam na tropeo ng torneo, babanat na sila sa quarterfinals.


Kinatatampukan sila ng pinakamalulupet na elite men's national teams—Brazil (No. 1), Argentina (No. 3), France (No. 4), England (No. 5), Netherlands (No. 8) at Portugal (No. 9)—na nasa top 10 ng FIFA world rankings. Ang Croatia (No. 12) at Morocco (No. 22) ang iba pang teams na nalalabi sa bracket makaraan ang makapigil hiningang paglaglag sa Japan at Spain.


Ang mga astiging team ay maghaharap na para sa semifinals spot na aabangan ay ang Croatia vs. Brazil (10 a.m. ET, sa Education City Stadium) habang ang Netherlands vs. Argentina ng 2 p.m. ET, Lusail Stadium sa Dis. 9.


Pagdako ng Sabado, babanat ang Morocco vs. Portugal (10 a.m. EST, Al Thumama Stadium) at ang England vs. France (2 p.m. EST, Al Bayt Stadium). Unang tinalo ng national football team Brazil ang koponan ng South Korea sa iskor na 4:1 sa 1/8 final match ng World Cup sa Qatar noong Lunes.


Nanguna sa panalo sina Vinicius ng Brazil (ika-7 minuto), Neymar (13, mula sa penalty spot), Richarlison (29), Lucas Paqueta (36). Naiskor ni Paik Seung-ho ang tanging goal para sa South Korea sa ika-76 na minuto.


Ito ang unang pagkakataon mula noong 2010, nang makapasok ang pambansang koponan ng South Korea sa playoff ng World Cup. Nagho-host ang Qatar ng 2022 FIFA World Cup sa pagitan ng Nobyembre 20 at Disyembre 18 sa walong stadium sa limang lungsod sa buong bansa ng Persian Gulf, katulad sa Doha, Lusail, Al Wakrah, Al Khor at Al Rayyan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page