top of page
Search

ni VA / MC - @Sports | December 19, 2022



ree


Pamilya ng mga siklista, pinadyak nina Emmanuel Arago at Maritanya Krog ang gold medal sa criterium event ng PSC-Batang Pinoy National Championships - Cycling na nagsimula at nagtapos sa Provincial Capitol Diversion Road, Ilocos Sur.


Naghari si 13-yer-old Arago ng Batangas City sa Boys Under 13 matapos irehistro ang 36 minuto at 05 segundo sapat upang sikwatin ang ginto sa event na suportado at inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman Jose Emmanuel "Noli" M. Eala.


Dominado ni Arago ang karera dahil malayo ang agwat nito sa pumangalawa at sumikwat ng silver medal na si Dashel Carmona ng General Santos na nakapagtala ng 38 minuto at 05 segundo, bronze naman ang kinalawit ni DJ Perez ng Pangasinan.


"Hindi ko inaasahan, nagulat ako sa panalo ko, umpisa pa lang kumawala na ako tapos noong malapit na sinasabihan na ako na hinay-hinay na kasi malaki ang agwat ko," masayang sabi ni Arago na idolo si former Ronda champion Ronald Oranza.


Hindi naman nagpadaig si Krog, 13, Grade 9 student ng Baesa High School sa Caloocan, hinablot nito ang gintong medalya sa Girls 13 and below sa nilistang 37 minuto at 43 segundo sa 30 minutes plus 3 laps.


Naka-silver si Maria Louisse Alejado ng Iloilo (00:39:12.067) habang bronze ang naiuwi ni Jhanah Abella ng Calapan (00:39:16.426).

Sina Jacqueline Joy De Guzman ng Quezon City at Chris Andreu Ferrer ng Cebu ang nanalo sa Girls, Boys 14 to 15 Under ayon sa pagkakasunod.


Samantala, ang ibang nakapitas ng gintong medalya sa day 2 ng grassroots development program ng PSC ay sina Sophia Angela Dela Vega ng San Jose Ciity, (long jump), Kristian Yugo Cabana ng Lucena City, (swimming), Kyla Louise Bulaga ng La Union (swimming), Ellaine Jane Calunsag (weightlifting) at Hannah Shene Cabalida (weightlifting).


 
 

ni MC @Sports | December 19, 2022



ree

Kapwa humakot ng medalya ang magkapatid na sina Jilian Celestine at JB Matthew Bata ng Megakraken Swim Team mula sa Iloilo City para madomina ang kani-kanilang age group class at tanghaling Most Outstanding Swimmers (MOA) sa pagtatapos ng 2022 FINIS Long Course National Championship nitong Linggo sa New Clark Aquatic Center sa Capas, Tarlac.


Nakuha ng 14-anyos na si Jilian ang mga gintong medalya sa girls 13-14 class 100m back (1:19.61), 50m fly (34.44), 100m fly (1:21.39), at 50m back (34.93), habang pumangalawa sa 200m IM (3:03.75), 100m breast (1:44.20), at 50m free (31.61) para manguna sa kanyang age bracket na may naipon na 68 puntos.


Nangibabaw ang kanyang nakababatang kapatid na si JB Matthew sa Boys 11-12 100m back (1:19.67), 50m back (36.07) at 50m butterfly (35.30) bukod pa sa pagkapanalo ng silver sa 200m IM (2:58.76), 100m fly (1). :29.43), 100m breast (1:31.48), at 50m free (31.60) para sa kabuuang 66 na puntos sa pagtatapos ng programa ng FINIS ngayong taon.


Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Dr. Maricel Bata, isang dentista at ina ng mga Bata, sa tagumpay ng kanyang mga anak na parehong nangangarap na maging miyembro ng Philippine Team at makalaro sa Olympics. “Masayang, medyo malungkot at nalilito,” sabi ni Dr. Bata. “Nakatanggap lang ako ng impormasyon na ang isang tao sa Iloilo Province Team na kasalukuyang naglalaro sa Philippine Sports Commission-organized Batang Pinoy sa Vigan, Ilocos Sur gamit ang pangalan ng anak kong si JB bilang isa sa mga kalahok sa swimming,’ ayon kay Dr. Bata.


Nagningning din at nakatanggap ng MOS awards si Trixie Ortiguera ng Tarlac Aquatics Swim Club , na nakakuha ng 78 puntos sa girls 15-16 class matapos manalo sa 100m backstroke (1:11.26), 50m fly (30.78) 50m free (28.80m6), 200m free. IM (2:43.28), 100m fly (1:15.45), 50m back (32.30), at bronze sa 100m breast (1:31.92).


 
 

ni MC - @Sports | December 18, 2022


ree

Pinakabatang player sa mundo si Kylian Mbappe sakaling masungkit ang titulo sa World Cup mula nang maabot ito ni Pele sa edad na 21.


Si Mbappe, na sasampa sa edad 24, dalawang araw matapos ang final, ang joint leading scorer na may five goals sa World Cup at siya rin ang bagong mukha ng football new generation.


Ang huling World Cup kay Lionel Messi at Cristiano Ronaldo ay ang torneong ito sa Qatar tiyak na ipapasa na ang baton ng dalawang manlalaro na dinomina ang sport sa halos dalawang dekada.


Habang si Messi ay may isang pinal na tsansa para makuha ang mailap na World Cup title, umaasa si Mbappe at ang France na umukit ng pangalan sa panahon ng pagdomina ng kanilang bansa at pumasok sa ika-fourth final sa pitong pagtatangka.


Ilang ulit ding tinamaan ng injuries at nahirapan ang porma sa ilang laro, nakikita noon na daranasin din ng France ang dating nangyari noong 2002 at nalaglag sa group stage.


Hindi man nakatutok ang France patungo sa final, pero na-master na nila ang bawat sulok ng laro, ipinamalas ang sigasig at killer instinct kung kinakailangan.


Karamihan ng goals ay mula kay Mbappe, ang pinaka-malupit na player sa mundo at binitbit ang France sa panalo upang maging unang team na mapanatili ang World Cup mula nang kunin ng Brazil noong 1962. "There is a great connection between the team.


We work together but, when you start to come close to the title in this competition you need your main players at their best," ayon kay goalkeeper at captain Hugo Lloris.


Ipinakilala ni Mbappe ang sarili sa global stage noong 2018 nang makasagupa ang Argentina sa last 16 sa Russia, kung saan itinanghal siyang best young player awardee.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page