top of page
Search

ni MC @Sports | June 23, 2023



ree

Asahan ang mas malawak at makabuluhang programa sa Esports mula sa grassroots hanggang sa elite level bilang National players tungo sa pagiging pro players sa tambalan ng dalawang kumpanya para tumatag ang oportunidad ng mga kabataan na iangat pa ang kakayahan.


Ikinasa ng Smart Communications, Inc. at Dark League Studios (DLS) sa tulong ng Philippine Esports Organization (PESO) ang programa para higit mapagsilbihan ang Pinoy gamers sa ginanap na media conference noong Miyerkules sa New World Hotel at palakasin pa ang Smart GIGA Arena, ang unang all-in-one na Esports platform ng bansa na nag-aalok ng karanasan sa torneo ng mga baguhan Mobile Legends: Bang Bang, Call of Duty Mobile, Player's Unknown Battleground, at League of Legends Wild Rift.


Ang partnership ay para sa mga tuntunin ng torneo at mas makabuluhang interaction ng mga gamers at maayos na lugar para sa baguhan at beteranong gamers.


Our partnership with DLS is in line with our commitment to provide the best gaming experience to Filipinos. We at Smart have always believed in the ability of Filipinos to dominate sports of all kinds – including Esports. Through our collaboration with DLS, we hope to empower more aspiring Esports athletes to level up their gameplay and compete in a much bigger arena," pahayag ni Al S. Panlilio, ang PLDT Inc at Smart Communications President at CEO.


Mula nang ilunsad ito noong 2022, ang Smart GIGA Arena ay nakapagho-host na ng mahigit 2 milyong user na nakalahok sa mahigit 1,000 tourneo na may kabuuang P4.2 milyon na papremyo.


“This will help generate more opportunities for aspiring Filipino gamers to showcase and develop their skills as they aspire to become the next generation of Team SIBOL athletes,” ayon kay Marlon Marcelo, Executive Director of Philippine Esports Organization.


 
 

ni MC @Sports | June 22, 2023



ree

Makakasama si Jordan Clarkson sa Gilas Pilipinas sa huling bahagi ng Hulyo para sa pagsabak ng nationals sa pocket tournament sa China sa Agosto, bilang bahagi ng kanilang krusyal na pagsasanay para sa 2023 FIBA World Cup.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio, pina-finalize na ng federation at kampo ni Clarkson ang schedule at inaasahan na ang Utah Jazz star ay lalaro sa Gilas Pilipinas sa China.

"We're talking to him. Timing lang talaga. I'm not getting the latest updates but the last time Butch Antonio spoke to them, we're gonna be asking him if he can come to join us in the last week of July because we want him to be part of the games in China," saad ni Panlilio kahapon.

Samantala, sa unang pagkakataon ay darayo sa Pilipinas si "Greek Freak" NBA player Giannis Antetokunmpo. Si Giannis ay nagmula sa bansa kung saan nagsimula ang Olympics at mga sinaunang mandirigma.


ree

Isa si Giannis sa ipinagmamalaking maging bahagi ng FIBA at malagay sa world no. 9 ang national team, naging bahagi ng NBA champion at naging back-to-back Most Valuable Player ang 6-foot-9 forward ng Milwaukee Bucks.

Kilala sa NBA sa buong mundo sa katawagang "Greek Freak," unang tatapak sa Pilipinas si Antetokounmpo sa Agosto 25 hanggang Setyembre sa ilalim ng kanyang home team na Greece kagrupo ang United States, New Zealand at Jordan sa Group C ng preliminaries.

Samantala, igagawad na kay Carlos ‘Caloy’ Loyzaga, ang greatest basketball player ng bansa, sa Agosto 23 posthumous FIBA Hall of Fame sa mismong FIBA World Congress sa Sofitel, dalawang araw bago simulan ang 2023 World Cup kung saan co-host din ang Japan at Indonesia.Kilala sa monicker na “Big Difference” noong dekada 50, si Loyzaga ang ika-2 Pinoy sa FIBA Hall of Fame.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | June 20, 2023



ree

Itinuturing na pangunahing men’s professional basketball league worldwide at isang prominenteng organisasyon ang National Basketball Association (NBA) na may 30 professional basketball teams sa North America.

Nakabuo ang NBA ng malawak na social media presence at ngayo’y may pinakamaraming followers, partikular sa Facebook, base sa 7-day research study ng Capstone-Intel Corporation dahil na rin sa pagiging well-respected at globally renowned sports brand.

Ang Capstone-Intel ay isang “high impact research company which uses innovative research technologies, tools and methods to convert data and information into breakthrough insights and actionable intelligence outputs.”

Makapagbigay ng komprehensibong pang-unawa sa fan behavior sa sports industry gamit ang Facebook bilang platform for analysis ang target ng research na isinagawa noong Mayo 16 hanggang 22, 2023.

Sa NBA Finals, nangunguna ang highest-ranking teams na inantabayanan ng general public, kabilang ang Boston Celtics, Denver Nuggets, Los Angeles Lakers, at Miami Heat. Base sa Facebook data mula sa Pilipinas ang pagsubaybay sa teams, gamit ang keyword analysis ng basketball team names upang masukat ang Facebook performance.

Napatunayan ang malaking interes ng mga Pilipino sa basketball bilang primary sport sa bansa kaya patuloy pang pagdami ng mga tumatangkilik dito.

Nagsagawa rin ng sentiment analysis base sa reactions, channels/influencers, at word clouds upang matukoy ang popularidad ng teams.

Gumamit ng graphical elements kabilang ang charts at graphs, upang maipresenta at maanalisa ang numerical data, functions at qualitative structures “in a visually concise and clear manner,” upang maintindihan ng publiko kung bakit usap-usapan ang 2023 NBA Finals.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page