top of page
Search

ni MC @Sports | April 4, 2024




ree


Bilang tugon na rin sa 'di maiwasang kakulangan ng players nitong nakaraan, inanunsiyo ni national coach Tim Cone ang pagdaragdag sa team ng 6'9" Barangay Ginebra Kings veteran Japeth Aguilar at mas batang  6'7" Fil-Australian Mason Amos para sa overall Gilas Pilipinas Men's program pool. 


We're excited that Mason [Amos] and Japeth [Aguilar] agreed to be our alternates on Gilas,” saad ni Cone nitong Lunes, Abril 1. 


“The first window showed us that we were a little thin in our lineup after AJ Edu, June Mar [Fajardo] and Jamie [Malonzo] missed our game vs. Chinese Taipei due to injuries, and we were left with only nine players and only Japeth as a replacement to make 10. So now, Japeth and Mason will practice and travel with the original 12 and be ready to step in if the need arises. If we lose one of our bigs, Japeth will step in. If any of the others, Mason will fill the hole. Mason, too, because of his youth, projects as one of the regulars over time.” 


Si Aguilar, ay isa sa miyembro ng gold medal-winning Philippine team noong Hangzhou Asian Games 2023 at last-minute stand-in para sa injured na si AJ Edu sa FIBA Asia Cup Qualifiers kontra Hong Kong at Chinese Taipei noong Pebrero 2024, habang si Amos ang Ateneo Blue Eagle star at dating Gilas U18 stalwart ang magpupuno sa long-term Gilas program pool at magsisilbing backup kung kinakailangan para sa official 12-man team kasama si  Cone para sa Olympic Qualifying Tournament sa Europe sa kaagahan ng Hulyo.                          


 
 

ni MC / Gerard Arce @Sports | March 27, 2024



ree


Nagselyo ng isang kasunduan si 8th-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao sa Saudi Arabia patungkol sa hinaharap na laban – kung saan pangunahing nasa listahan si undefeated/retired Floyd Mayweather Jr. para sa inaabangang PacMay 2 na proyekto. 


Magandang balita ang ibinulgar ni MP Promotions President at international matchmaker Sean Gibbons matapos ang pakikipagpulong ni Pacquiao kay Saudi Arabian Chairman Turki Alalshikh tungkol sa  laban sa kanilang bansa para sa pagbabalik sa pro fight ng Filipino boxing legend para pagpilian ang laban kina Conor “The Destroyer” Benn, two-division UFC champion Conor “The Notorious” McGregor at Mayweather.  


After meeting with his excellency Turki Alalshikh, boxing legend Manny Pacquiao is back at his gym in the Philippines and looking in incredible fighting shape,” wika ni Gibbons sa panayam ng World Boxing News.  


Samantala, walang iba kundi Team 2000. Nasungkit ng Team 2000 ang kampeonato sa kauna-unahang E. Rodriguez Jr High School Alumni 3x3 basketball tournament sa Barangay N.S. Amoranto covered court sa Malaya St. Quezon City. 


Sa pangunguna ng magkapatid na Mark and Jeff Caguisa, pinabagsak ng T2000 ang Batch 98, 14-10, para sa kampeonato sa 2-day competition na itinaguyod ng ERJHS Alumni Sports Club, sa pangunguna ni Ed Andaya ng Batch 81, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ERJHS 72nd Foundation Day and Grand Alumni Homecoming noong Feb. 23-25.


Napili si Mark Caguisa bilang Most Valuable Player sa kompetisyon, na sinuportahan din ng ERJHS Alumni Association, sa ilalim nina President Jess Asistin at Vice-President Zeny Castor, at Barangay N.S. Amoranto Chairman Ato de Guzman. Sa pamumuno ni playing coach Jerome Nell. 


Ang iba pang mga miyembro ng T2000 ay sina Kelvin Pantaleon at Chris Santiago.  Iginawad ni incoming ERJHS alumni president Ramon "Monchie" Ferreros ng Batch 73 ang mga tropeo, katuwang sina Asistin at Andaya. Ang naturang kompetisyon ay sinuportahan din nina PBA Commissioner Willie Marcial at Deputy Commissioner Eric Castro.


 
 

ni MC @Sports | March 26, 2024



ree


Lumilider na sa scoring ang National University at De La Salle-Lipa matapos mamayani kontra sa kani-kanilang karibal sa opening weekend ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship women’s division noong Linggo sa Rizal Memorial Coliseum. 


Nahigitan ng Lady Bullpups ang lakas ng Parañaque City, 25-4, 25-16 habang ginapi ng La Salle-Lipa ang kapitbahay na San Juan Institute of Technology-Batangas, 25-17, 25-19 para kumartada sa 12-team women’s division. 


Ang 21-point win ng NU sa first set ang pinakamalaking agwat sa torneo kung saan kinailangan lang ng Lady Bullpups ng 37 minuto na paglalaro para dispatsahin ang Parañaque. Sa tropa ng La Salle-Lipa ay nagwagi sila sa loob lang ng 48 minuto. 


Ang dalawang koponan ay sumampa sa parehong 2-0 slates para magsalo sa liderado ng Pool B kung saan may dalawa pang laban sa single-round elims.


Unang tinalo ng NU ang Colegio de Los Baños, 25-10, 25-12 habang ginapi ng La Salle-Lipa ang isa pang Batangas bet na Canossa Academy-Lipa sa bisa ng reverse sweep, 22-25, 25-19, 25-17. 


Sa Pool A, nagpakabog agad ang Maryhill College-Lucena (1-0) nang talunin ang wala pang panalong Limitless Sports Center (0-2), 25-18, 25-19 habang ang Gracel Christian College ay nagwagi kontra UAAP squad La Salle-Zobel, 25-22, 25-21. Ang unang  youth tournament na ito ng PNVF ni President Ramon “Tats” Suzara ay babalik sa Abril 5 pagkatapos ng Semana Santa.  


Ang laro sa three-setter formats ay nilalaro tuwing Biyernes, Sabado at Linggo para sa single-round eliminations sa parehong pool ng  women’s and men’s divisions bago ipatupad ang regular five-set match sa playoffs. Tanging ang top 4 teams sa bawat pool ay aabanse sa quarterfinals na maglalaro sa ilalim ng knockout format hanggang sa semifinals at sa championship para sa prestihiyosong  PNVF youth crown.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page