top of page
Search

ni MC @Sports | July 11, 2024



Sports News

Walang ibang nasa isip si Ernest John "EJ" Obiena, isa sa pinakamalakas na medal potential sa Paris ng Pilipinas kundi ang konsentrahin ang isip at katawan sa laro, ayon kay  Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino nang makausap sa isang maigsing internet call ang world No. 2 men’s pole vaulter Martes ng hatinggabi.


“EJ is doing well and is very focused, him despite missing on a medal in the Diamond League in Paris,” ayon kay Tolentino, na tiniyak na ang mga magulang na si Emerson, dating national pole vaulter, at Jeanette ay tutuntong sa Paris para mag-cheers at suportahan ang kanilang anak. 


Ayon sa tatay Obiena sinabi ni Tolentino na ito na rin ang namahala sa mga kailangan ng anak sa  Olympics para mas makapagpokus ito sa laro.


“After the Diamond League, EJ and his team will remain in France and no longer return to their base in Formia [Italy],” ani Tolentino at idinagdag na hindi na rin praktikal sa Team Obiena na magbiyahe dahil ang  men’s pole vault competitions sa Paris ay magsisimula na sa Agosto 3 para sa kuwalipikasyon at August 5 para sa final na idaraos sa 81,000-seat Stade de France.


Makakasama ni Obiena sa Team Philippines sa Paris ang weightlifters na sina Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza at Elreen Ando; boxers Aira Villegas, Hergie Bacyadan, Carlo

Paalam, Nesthy Petecio at Eumir Felix Marcial; rower Joanie Delgaco; fencer Samantha Catantan; gymnasts Carlos Yulo, Emma Malabuyo, Aleah Finnegan at Levi Ruivivar; swimmers Kayla Sanchez at Harold Hatch; judoka Kiyomi Watanabe; golfers Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina; at hurdlers Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino.

 
 

ni MC @Sports | July 10, 2024



Sports News

Umuusok ang gulong at pedalan ni Jan Paul Morales nang makarating sa dulo ng meta ng finish line at hawakan ang paghahari sa Go For Gold Criterium Race Series 2 sa City Di Mare sa Cebu City. 


Nagawang manaig ng reigning national champion ng Standard Insurance continental team mula sa isang batalyon na malulupit na riders at kumalas sa final 50 meters para lampasan sina Esteve Hora Jr. ng SIP team at Go For Gold’s Marc Ryan Lago sa finish line. 


Naorasan si Morales, ang two-time local Tour champion at sprint specialist ng 55:00.79 sa men’s elite category matapos kumarera sa 35 laps ng 1.1-kilometer course  kasama si Hora, ang Go For Gold Criterium Race Series 1 champion nitong unang bahagi ng taon, habang si Lago na ilang segundo lang na kabuntot.


"Naghintay ako ng tamang pagkakataon at nabiyayaan ng maganda sa dulo,’’ ani Morales sa pagtatapos ng  day-long series ng karera na pakay na ibalik ang init ng pagtanggap sa sport sa naturang lugar.  


Ang  second phase ng three-leg race series at suportado ng Go For Gold, Scratchit, Cebu City govt at ng PhilCycling.


Umarangkada rin si Mathilda Krogg nang manguna sa women's open sa bilis na 41:04.71 (20 laps) habang ang teammates sa Standard Insurance na sina Raven Joy Valdez at Angela Joy Marie Bermejo ay dumating na segunda at tersera sa karera.


"Thank you to all Cebuano cyclists and cycling fans for coming over. Also, the support of Cebu City Vice Mayor Dondon Hontiveros made it doubly successful,” ani Go For Gold founder Jeremy Go, na nagpasalamat din sa  cycling teams ng kompetisyon. Nagwagi rin si Steven Tablizo sa men’s under-23 category at iniwan sina   Rorking Roque ng SIP at James Paul Ryan Escumbien.

 
 

ni MC @Sports | July 3, 2024



Sports News

Hindi lamang ang Alas Pilipinas ang bibigyan ng oportunidad ng FIVB Volleyball Challenger Cup (VCC) for Women para mas umibayo pa ang laro sa “one miss and you’re out” tournament kundi mas masasalang pa sa mga dry run competitions  bago pa man ang kauna-unahang  solo hosting ng Pilipinas sa  FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025.


“We’re down to 14 months to go and at the rate we’re going, we look forward to aiming for a well-hosted world championship in 2025,” ayon kay Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara kasabay ng pasasalamat sa FIVB sa pagkilala sa tagumpay na hosting ng federation na Volleyball Nations League (VNL) Men’s Week 3 sa nakaraang 2 linggo sa Mall of Asia Arena.


The Philippine’s love for volleyball was clear, setting the stage for the FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025,” ayon sa FIVB sa official website. “The Volleyball Nations League (VNL) Men’s pool in Manila … attracted a massive turnout of 45,886 fans eager to witness world-class volleyball, an exciting sign of what is to come for the upcoming FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025 in the country.”


Itatampok sa men’s world championship ang top 32 na mga bansa, kabilang ang host Philippines sa September 12 hanggang 28, 2025 . Ang pinakamaraming physical audience, ayon sa FIVB ay naitala sa huling araw na umabot ng 93.82% at nakabenta ng 12,497 tickets at mapuno ang MOA Arena. 


Maghahanda naman si Alas Pilipinas coach Jorge de Brito sa matinding bakbakan kontra Southeast Asia powerhouse Vietnam kasagupa ang nationals sa Biyernes.  


Ang VCC ay magsisimula sa  Huwebes (July 4) na sisimulan ng laro ng Puerto Rico vs. Kenya ng 3 p.m. at Belgium kontra Sweden ng 6:30 p.m. Haharap ang Pinays sa  Vietnamese ng 6:30 p.m. sa Biyernes matapos ang  3 p.m. match ng Argentina at ng Czech Republic.  

 
 
RECOMMENDED
bottom of page