- BULGAR
- Aug 23, 2022
ni MC / VA- @Sports | August 23, 2022

Nagwagi si Oleksandr Usyk ng Ukraine sa kanyang rematch laban kay Anthony Joshua sa pamamagitan ng split decision, dahilan para maset-up ang potensiyal na unification bout kontra kay Tyson Fury ng Britain, sa Saudi Arabia.
Ang dating cruiserweight world champion, na nag-dismantle sa may hawak sa London noong nakaraang taon, ay humarap sa isang mas pinalakas na si Joshua ngunit muli itong na-outbox sa kanyang ika-apat na heavyweight na laban.
Si Usyk, na ngayon ay walang talo sa 20-0 ay agad hinamon si Fury, na nag-anunsiyo ng kanyang pinakabagong pagreretiro ng mas maaga sa buwang ito ngunit nagpahiwatig ng kanyang pagpayag na ipagpatuloy ang kanyang karera.
“Sigurado ako na si Tyson Fury ay hindi pa nagreretiro,” sabi ni Usyk. “I’m convinced he wants to fight me. I want to fight him. Kung hindi ko lalabanan si Tyson Fury I’m not fighting at all.”
Ang laban ay napanood sa free-to-air TV ng milyun-milyong Ukrainians na naninirahan sa ilalim ng pagsalakay ng Russia. Nag-sign up si Usyk para ipaglaban ang kanyang bansa bago tinanggap ang rematch. “Ibinibigay ko ang tagumpay na ito sa aking bansa, sa aking pamilya, sa aking koponan at sa lahat ng militar na nagtatanggol sa bansa,” sinabi niya sa 12,000-seat King Abdullah Sports City Arena sa Jeddah.
Isang galit na galit na Joshua ang nagpahayag sa kanyang post-fight speech ng mga expletive sa kabila ng presensya ni Crown Prince Mohammed bin Salman, ang de facto ruler ng relihiyosong bansa. Nanalo si Usyk sa iskor na 113-115, 115-113 at 116-112.






