top of page
Search

ni Mharose Almirañez | December 15, 2022


ree

Tuwing magpapalit ang taon, palagi tayong mayroong bagong New Year’s resolution na pinapangarap ma-achieve taun-taon. ‘Yung tipong, next year ay hindi ka na magiging marupok, hndi ka na magiging gastador, hindi ka na magiging lakwatsera, hindi ka na magiging bida-bida, at pagbubutihin mo na ang pag-aaral.


Eh, ang tanong, kailan ka ba talaga magbabagong-buhay? Parang taun-taon kasi ay pare-pareho lang naman ang iyong New Year’s resolution—pero wala namang nagbabago. Hay naku, beshie, tigilan mo na ang pagma-mañana habit at pagpo-procrastinate dahil wala ka talagang ma-a-accomplish kung puro ka, “Mamaya na lang” o “Next year na lang.”


Subukan mong mag-focus sa iisang bagay. Halimbawa, ang pag-iipon sa 2023. Tandaang walang imposible sa taong desididong makaipon. Kahit palima-limang piso kada araw ang iyong ihulog sa alkansya, ipon pa rin ‘yan.


Bilang concerned citizen, to the rescue ang inyong lingkod upang matulungan kang makaipon. Narito ang ilang tips na dapat mong gawin para ma-manifest ang limpak-limpak na salapi sa 2023:


1. HUWAG MAGPANGGAP NA MAYAMAN. Kumbaga, huwag mo piliting makipagsabayan sa lifestyle ng iba kung hindi mo naman afford o kayang i-maintain ang ganu’ng lifestyle katulad nila. Not all the time, kailangan mong mag-post ng iyong latest ganap sa social media. Wala kang kailangang i-flex para masabing nakakasabay ka sa uso, sapagkat wala kang kailangang patunayan. Ang mahalaga, kumakain ka three times a day at nakakatulong ka sa iyong mga magulang. Sapat na ‘yun.


2. HUWAG MAGPAUTANG. Sabihin man nilang madamot ka, ‘wag mo na lang silang pansinin. Tandaan, hindi ka nagtatrabaho para lang utangan ng mga kamag-anak mong never kang kinumusta unless mangungutang sila. May limitasyon ang pagpapautang at depende ‘yun sa tindi ng pangangailangan. Kaya kung may history na hindi marunong magbayad ng utang ang taong ‘yan, ekis na talaga. Minsan kasi, ikaw pa itong nai-stress kapag hindi sila nakapagbayad on time.


3. LIMITAHAN ANG ONLINE SHOPPING. Walang masama sa online shopping dahil napaka-convenient nitong gawin, lalo na sa mga busy person. Ang masama ay ‘yung kinaadikan mo na ang pag-a-add to cart at kahit hindi mo naman kailangan ‘yung item ay binibili mo pa rin. Kumbaga, kung ano’ng matripan mong bilhin ay binibili mo o wala kang control sa paggastos. So this 2023, spend your money wisely. Magkaiba kasi ‘yung needs sa wants.


4. MAGLAAN NG PERA PARA SA SAVINGS. Sabi nga nila, “Kapag may isinuksok, may madudukot.” Napakahalaga ng pagkakaroon ng savings dahil magagamit mo ito in the future or in case of emergency. Ayaw mo naman sigurong dumating sa point na kung kani-kaninong kamag-anak at kaibigan ka pa magmamakaawa para lamang mangutang once kailanganin mo ng pera, ‘di ba?


So, beshie, kalimutan mo na ang pagiging magastos at simulan mo nang mag-ipon. Every cent counts, kaya mainam na salubungin ang 2023 na may kumakalansing na mga barya sa ‘ting bulsa at daan-daang piso sa ‘ting makapal na wallet. Sabay-sabay nating i-manifest ang more savings to come this 2023!


Okie?

 
 

ni Mharose Almirañez | December 4, 2022


ree

Nakikita mo ba ang iyong sarili in the future na umuuwi sa isang subdivision? ‘Yung tatango lamang sa ‘yo ang mga security guard sa tuwing darating ka at malaya mong mae-enjoy ang ilang amenities tulad ng clubhouse, covered court, playground at swimming pool. Then, quarterly kang a-attend ng homeowner’s meeting and may pa-Halloween party at pa-Christmas party pa yearly sa inyong subdivision. Lakas makasosyal, ‘di ba?

Actually, hindi naman issue ang maliit na sahod para makabili ng property dahil puwedeng-puwede ka namang kumuha ng co-borrower para ma-meet ‘yung required income ng target mong bahay at lupa. Besides, napakaraming budget-friendly na land developer kaya paniguradong abot-kamay mo na ang pinapangarap na tahanan.

Ang Affordable Housing Program (AHP) ng Pag-IBIG Fund ay espesyal na home financing program na tumutugon sa mga pangangailangan ng minimum-wage at low-income na mga miyembro na kumikita nang hindi hihigit sa P15,000 kada buwan sa loob ng National Capital Region (NCR) at sa mga kumikita nang hindi hihigit sa P12,000 kada buwan sa labas ng NCR. Sa ilalim ng AHP, ang Pag-IBIG Fund ay nag-aalok ng subsidized rate na 3% kada taon para sa socialized home loan na nagkakahalaga ng hanggang P580,000 — ang pinakamababang rate na available sa merkado ngayon.

Sounds good, ‘di ba? Pero beshie, bago ka tuluyang mamangha, narito ang ilang bagay na dapat mong tandaan sa pagbili ng bahay:


1. REAL ESTATE AGENT. Tiyaking legit na agent ang iyong katransaksyon dahil baka kunin lang nito ang iyong mga impormasyon at pera, at sa huli ay ma-scam ka lamang. Kung mayroon kang kakilala na nagtatrabaho sa ganitong field, sa kanya ka na magtanong upang matiyak na hindi ka maloloko ng nagkalat na scammer. Isa pang advantage ng pagkakaroon ng ahente ay tutulungan ka nila sa pag-aasikaso ng mga dokumento at aabisuhan ka rin nila sa mga dapat gawin. Mag-ingat ka lamang sa mga agent na sugapa sa benta. ‘Yung tipong, mag-o-offer sila ng unit at dadaanin ka sa salestalk, pero hindi nila sasabihing binabaha pala sa lugar na ‘yun.


2. BUDGET. May tatlong uri ng bahay na puwede mong bilhin, katulad ng pre-selling, ready for occupancy at pasalo. Nakadepende sa mga ‘yan ang magiging presyo ng bahay, kaya dapat mo ring isipin kung kailangan mo na ba talagang lumipat. Sapagkat kung gusto mo lang naman ay investment o magkaroon ng matitirhan in the future, mainam na mag-pre-selling ka muna dahil mabibili mo ito sa murang halaga. Pero once na maitayo ang bahay at maging ready for occupancy ay posible nang dumoble ang presyo nito. May kamurahan din naman ang presyo ng mga pasalong bahay. Ito ‘yung bahay na hindi na kinayang ituloy ng first owner ang pagbabayad sa Pag-IBIG o bangko. Kaya sa halip na mahatak ay ipinapasalo na lamang nila sa iba.


3. TITULO NG LUPA. Kung kukuha ka ng mga pasalong bahay at lupa, dapat mong tiyakin na wala kang magiging sabit sa inyong transaksyon. As much as possible ay makipag-transact ka lamang sa first owner. Humingi ka rin ng kopya ng titulo ng lupang bibilhin sa Register of Deeds. Bilang buyer, dapat ay mag-imbestiga ka kung nakapangalan ba sa nagbebenta ng lupa o sa developer ang titulo. Rito malalaman kung ang titulo ay peke o may pasanin, gaya na lang kung nakasangla o ano pang problema. Magpagawa ka rin ng SPA o special power of attorney para ikaw na ang maging signatories niya sa mga future transactions.


4. LOKASYON. Siguraduhin mong malapit sa palengke, ospital, simbahan, paaralan at remittance center ang bibilhin mong bahay para hindi maging hassle sa ‘yong pamilya ang paglabas-pasok ng subdivision. Pumili ka rin ng mataas na lugar upang makaiwas sa pagbaha.


5. SEGURIDAD. ‘Yun bang may nakabantay na security guards sa magkabilang gate ng inyong subdivision. No sticker, no entry policy, ‘ika nga. Mapaaraw o gabi ay palagi silang rumoronda sa loob ng subdivision para matiyak na walang nangyayaring violations at iba pa. Puwede ka ring magpatawag ng tricycle sa kanila kapag lalabas ka ng subdivision. ‘Yun bang, iiwanan mong safe ang iyong mga kagamitan at hindi ka mangangambang pasukin ng magnanakaw ang iyong bahay. Ang kagandahan pa nito ay malayo sa mga tsismosa at maiingay na kapitbahay.

Kaya naman sa 2023 ay isama mo na sa iyong bucket list ang pagkakaroon ng sariling bahay. Mahirap kung habambuhay kang mangungupahan o makikitira sa ‘yong mga kamag-anak, kaya ikaw na ang gumawa ng paraan para makaalis sa ganyang cycle ng inyong pamilya.


Okie?

 
 

ni Mharose Almirañez | December 4, 2022


ree


Pumasok na ang buwan ng Disyembre, kung saan ilang tulog na lamang ay Pasko na. Ang tanong, may budget ka pa ba para sa parating na 2023?


Palagi nating ipinapaalala na huwag maging ubos-biyaya tuwing Pasko, sapagkat mayroon pang New Year na mas dapat paghandaan. ‘Yung tipong, lahat ng pampasuwerte para sa Bagong Taon ay inihahain natin sa lamesa para lamang ma-manifest ang good luck.


Ang 2023 ay Year of the Water Rabbit. Batay pa sa Chinese culture, ang taong ito ay isang taon ng pag-asa. Isang simbolo ng mahabang buhay, kapayapaan at kasaganaan. Kaya naman, upang tuluyang ma-manifest ang suwerte ay maaari mong salubungin ang Bagong Taon sa pamamagitan ng mga sumusunod:


1. MAGSUOT NG POLKA DOTS. Ang polka dots ay kahugis ng barya. May kasabihang maa-absorb mo ang pagkakaroon ng maraming pera kapag nakasuot ka nito tuwing bisperas ng Bagong Taon. Mas masuwerte rin daw kung kulay pula ang iyong damit.


2. MAGPABARYA NG PERA. ‘Yun bang, papapalitan mo ng tagpi-piso, tagli-lima, tagsa-sampu hanggang tagbe-bente ang iyong mga kaperahan. May kasabihan din kasing kapag mas maraming barya sa bulsa ay mas lalapit sa ‘yo ang pera next year.


3. PAGHAHAIN NG PRUTAS NA BILOG. Labindalawang bilog na prutas ang inihahain sa hapag tuwing New Year, katumbas nito ang labindalawang buwan ng suwerte. Kumbaga, isang buong taon mong mararanasan ang suwerte. Simbolo ito ng peace, harmony, fortune, happiness, love, health and money.


4. PAG-IINGAY. Dumadagundong na sound system, kumakalansing na takip ng kaldero, kaserola, nagkikiskisang sandok, at kung anu-ano pang pag-iingay na puwedeng gawin para lamang i-welcome ang Bagong Taon. The more na maingay, the more mong maa-absorb ang lahat ng positive energy ng 2023. Sa paraang ito ay mawa-wash out ang lahat ng negativity na pinagdaanan mo ngayong 2022.


5. FAMILY GATHERING. Tulad ng Pasko, pamilya ang dapat makasama tuwing may mga espasyal na okasyon, kabilang na rito ang Bagong Taon. Kung sama-sama n’yong sasalubungin ang 2023, magandang simula ito para mas maging strong ang inyong family bond. Walang away-pamilya. Walang may sakit sa pamilya. Walang malalagas sa pamilya.


Bagama’t kahit na bawal ay may ilan pa ring pasaway na patuloy sa pagpapaputok. Kaya naman patuloy nating pinaaalalahanan ang bawat isa na mag-ingat sa paputok. Hindi natin masasabi ang panganib na dala nito at kahit na sabihin na marunong ka namang magpaputok, mahirap pa ring ilagay sa alanganin ang iyong buhay.


Ngayong tuluyan na tayong nakabalik sa normal, sana ay huwag na maulit ang nagdaang pandemya kung saan maging ang pagtitipon tuwing may espesyal na okasyon ay ipinagbawal. Let’s spread love, not germs, ‘ika nga.


So advance Merry Christmas and Happy New Year, beshie.


More blessings to come this 2023!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page