top of page
Search

ni Mharose Almirañez | June 16, 2022



Bisikleta ang naging alternatibong paraan ng transportasyon noong ipinagbawal ang pagpasada ng mga pampublikong sasakyan sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa.


Ayon pa kay Department of Health (DOH) Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, “Hindi lamang alternatibong paraan ng transportasyon ang bisikleta, ang palagiang pagbibisikleta ay ehersisyo rin na makakatulong upang tumaas ang ating immune system, na lalo tayong inihahanda sa paglaban sa COVID-19 virus.”


Bilang karagdagang impormasyon, narito ang iba’t ibang benepisyo na maaari nating makuha sa pagbibisikleta:


1. NAKAKATULONG PARA MAGING PHYSICALLY HEALTHY. Ang pagbibisikleta ay mainam upang mabawasan ang risk sa cardio-vascular disease at iba pang karamdaman. Nakabubuti ito sa ating puso, baga at daloy ng dugo. Nakakapayat o nakakabawas din ito ng timbang dahil sa nasusunog na calories. Napatitibay din nito ang ibabang bahagi ng ating katawan, tulad ng quads, glutes, hamstrings at calves. Gaya ng nabanggit, ang pagbibisikleta ay katumbas ng pag-e-ehersisyo, kaya malaki ang tsansang ma-achieve ang iyong pinapangarap na chest, butt, waist and muscles.


2. NAKAKAAYOS NG MENTAL HEALTH. Maaari mong maging sandalan ang iyong bisikleta sa tuwing ikaw ay nababagabag. Ipadyak mo lang ang iyong mga paa at hayaan ang manibela’t pedal na mag-guide sa ‘yong lumilipad na isip. Matapos ang pagmumuni-muni sa mahabang biyahe, hindi mo namamalayang nagiging fresh na ang iyong utak at nahanap mo na rin ang sagot sa ‘yong agam-agam.


3. NADE-DEVELOP ANG SOCIALIZATION SKILLS. Ito ‘yung bonding na maituturing sa tuwing may kasama kang magbisikleta. Puwede kayong mag-rides sa highway, bundok, zigzag road, at kung saan-saang lupalop ng bansa. Puwede ka ring sumali sa marathon.


4. ECO-FRIENDLY. Kumbaga, walang usok na lalabas mula sa tambutso kaya makakabawas ka sa mga contributor ng air pollution. Menos gastos na rin dahil hindi mo na kailangang magpagasolina sa iyong bisikleta.


5. TIMESAVER. ‘Di hamak na mas mabilis ang biyahe gamit ang bisikleta kung ikukumpara sa mga sasakyang may apat na gulong. May sarili ring linya ang mga nagbibisikleta sa highway kaya sobrang tipid talaga sa oras dahil sa napaka-smooth na takbo.


So, beshie, kung hindi ka pa marunong magpatakbo ng bisikleta ay simulan mo na itong pag-aralan ngayon!


 
 

ni Mharose Almirañez | June 12, 2022



Naranasan mo na bang itrato nang tama? ‘Yung tipong, kapag kasama o kausap mo ‘yung taong nagpapasaya sa ‘yo ay napakagaan ng pakiramdam at para bang hindi ka nangangambang matibag ang ginawa mong pader. Kumbaga, bibigyan ka niya ng assurance sa tuwing nagda-doubt ka. ‘Yun bang, nawawala ang lahat ng insecurities mo sa tuwing kino-compliment ka niya. Siya rin ‘yung tipong, hindi nahihiyang maging vocal sa feelings niya towards you.


Sabi nga ng Ben&Ben, “‘Di ka madedehado kung sasagutin mo lang ako… Paninindigan kita...”


Sounds in love na ba? Well, beshie, papunta pa lang tayo sa exciting part.


Alam kong nauumay ka na sa paulit-ulit na trial cards at napakaraming red flags when it comes to dating. Hindi na rin bago ‘yung ghosting issue at may dyowa pala siya. Alam ko rin ‘yung feeling na hindi ka naman waiting shed, pero tila naging tambayan ka muna ng ilan bago sila tuluyang nakarating sa kanilang tahanan. Mapapatanong ka na lang talaga ng, “Nasaan ka na ba?” tulad ni Zack Tabudlo.


Gayunman, bawat tao ay may nakatakdang kapalaran, hindi pa man sila naisisilang. Kaya sa oras na makita mo na ang mga signs na ito, sana ay huwag mo na siyang pakawalan.


1. COMPATIBLE KAYO. Bagama’t may sinasabing “Opposite attracts,” napakalaking bagay pa rin kung compatible kayo, alinman sa Astrology o Numerology. Iba ‘yung impact kapag pareho kayo ng taste sa music, hobby, interest at tila on the same ground kayo pagdating sa napakaraming bagay. Idagdag na rin ‘yung mga bagay na nadi-discover n’yo unexpectedly.


2. CONSISTENT SIYA. Hindi lang ito tungkol sa consistency ng replies and updates niya kundi consistent din siya sa pagpapakilig sa ‘yo. ‘Yung siya na ang mag-a-adjust ng schedule niya para sa ‘yo. ‘Yung ipaparamdam niyang hindi ka istorbo at para bang every day is full of surprises.


3. CURIOUS SA ‘YO. ‘Yun bang napakarami niyang tanong tungkol sa ‘yo at tungkol sa mga taong nakapaligid sa ‘yo. Interesado rin siyang malaman, maging ang future plans mo, to the point na magugulat ka na lang, na-stalk ka na pala niya sa lahat ng social media accounts mo.


4. UNDERSTANDING. ‘Yung kahit pinapakitaan mo na siya ng napakaraming red flags ay hindi pa rin siya nagsasawang unawain ka. Para bang lalo mo siyang nakikila kada araw.


5. HINDI PA-IMPRESS. Ipagpalagay nating langit siya at lupa ka, o kaya naman ay academic achiever siya at very gifted sa lahat ng aspeto— pero hinding-hindi niya ‘yun ipagyayabang sa ‘yo. Hindi niya ipagyayabang na naka-iPhone 13 128 GB siya, habang ikaw ay naka-Cherry Mobile. Hinding-hindi niya pahaharurutin ‘yung sasakyan niya sa inyong date kasi hindi siya pa-impress para lang makuha ang loob mo.


6. HINDI BITTER SA EX. Hindi siya nagkukuwento ng ka-toxic-an o puro negative tungkol sa kanyang past relationships. Hindi rin siya pa-victim o attention seeker para lang i-comfort mo siya at makuha ang iyong simpatya.


7. MAGINOO PERO MEDYO BASTOS. Mabait siya, hindi lang sa ‘yo kundi pati na rin sa waiter, security guard, janitor atbp. Inirerespeto rin niya ang iyong opinyon at paniniwala. Kapag magkasama kayo ay hindi siya panay cellphone, unless pi-picture-an ka niya o manonood kayo ng videos. Bagama’t may pagka-naughty siya ay hindi ka niya pipiliting gawin o pag-usapan ‘yung mga bagay na ayaw mo o ‘di ka komportableng pag-usapan.


8. GINAGASTUSAN KA. Hindi naman sa pagiging materialistic, ngunit sabi nga nila, ang totoong gold ay very expensive, pero good for investment kaya dapat talagang pagkagastusan. Halimbawa, magugulat ka na lang na bumili pala siya ng BULGAR, habang ‘yung iba ay palaging idinadahilan na wala silang mabilhan. Ha-ha-ha!


Mapapakanta ka na lamang talaga ng, “Something I wanted to feeeel!”


Deserve mo ‘yan, beshie!


Sa article na ito ay puro good vibes lang, kaya hindi kita tuturuang mag-play safe at maging allergic sa too good to be true. Instead, imo-motivate kita to enjoy the moment, go with the flow and live your life to the fullest. Bihira lang makatagpo ng ganyang tao, so congratulations for being treated that way. Sana all na lang talaga, ‘di ba?!


#Manifesting, sana hindi ‘to trial card.


 
 

ni Mharose Almirañez | June 9, 2022




Marupok kang maituturing kung isang “Hi” o “Slr” lang ng nang-ghost sa ‘yo 1 week ago ay mas mabilis pa sa kidlat ang reply mong “Hello. Okey lang. Kumusta?”


A friendly reminder: Hindi ka PDF file na puwedeng ma-attach basta-basta. Kaunting pakipot naman d’yan, especially girls, hindi porke trending ang pagiging marupok ay makikiuso ka na rin. Have some dignity, okie?!


Pero paano nga ba maiiwasang hindi ma-fall sa taong ka-chat mo araw at gabi?

Bilang concerned citizen, narito ang ilang tips:


1. HUWAG MAG-GOOD NIGHT. Hindi totoong may multo sa gabi, pero maraming nanggo-ghost. ‘Yung tipong, kung anu-ano na ang naging topic n’yo kagabi, pero kinabukasan ay biglang hindi ka na niya chinat. Tip no. 1, huwag kang maggu-good night para may dahilan kang mag-good morning sa kanya kinaumagahan. Take note, mag-good morning sa paraang hindi mawawala ang iyong dignidad. Halimbawa, “Sorry, hindi na kita na-reply-an kagabi. Nakatulog na ako, eh. Btw, good morning.” Proven and tested na ang ganyang strategy para mapahaba ang inyong conversation hanggang sa mga susunod pang araw.


2. HUWAG MANGULIT SA CHAT. Alam kong masaya ka sa tuwing kausap siya, pero know your place, beshie. Huwag na huwag mong sasanayin ang sarili mo na ka-chat siya kada minuto dahil super ma-a-attach ka talaga sa kanya kapag ginawa mo ‘yang hobby. Halimbawa, seen niya lang ‘yung last message mo, then after 2 hours ay seen pa rin. Tip no. 2, ‘wag na ‘wag kang magpa-flood chat sa kanya ng, “Busy ka ba?” “Uyyy, ano’ng ginagawa mo?” “Seen lang?” etc., somehow nakakakilig ‘yan, but at some point, medyo nakaka-turn off din. Better to keep it low key sa tuwing nami-miss mo siya. Instead na mangulit sa kanya sa chat box, magmaganda ka na lang sa IG stories mo. Post a selfie or something na sigurado kang mapapa-reply talaga siya sa ‘yo. Subok ko na ‘yan, beshie!


3. BAGALAN ANG PAG-REPLY. ‘Yung tipong, masaya kayong magkausap, pero biglang hindi mo muna siya re-reply-an. Kumbaga, gagawin mong ‘cliffhanging’ ‘yung conversation n’yo. Halimbawa, may interesting question siya sa iyo, ‘wag mo munang sagutin para mabaliw siya kaiisip sa isasagot mo. I’m sure, beshie, he/she’s into you na kapag kinulit ka niyan.


4. DALANGAN ANG PAG-COMPLIMENT SA KANYA. Mayroong iba na nagbabardagulan sa chat box as their word of affirmation. Iba’t iba rin naman ang trip natin. Normal lang na puriin mo siya, pero huwag na huwag mo siyang sasambahin. Mainam kung once in a blue moon niya lang marinig ‘yung compliment galing sa ‘yo. Kumbaga, out of nowhere mo siyang sinabihan ng “Mas bagay sa ‘yo ‘yung clean cut,” mga ganyan.


5. HUWAG KANG AAMIN. Sabi nga nila, nawawala ang thrill kapag nagkaaminan na. Kaya ‘wag na ‘wag mong pakakawalan ang magic word na “Gusto kita”. Ang tanong, paano kayo magle-level up kung walang maglalakas-loob na umamin? (Okey lang ‘yun para pare-pareho tayong sad. Damay-damay na ‘to. Charot!)


Napakaraming relasyon ang nagsimula sa chat, ngunit marami rin ang nagtapos dahil dito. ‘Yung akala mo, single siya kaya ine-entertain mo ang pakikipag-chat niya. ‘Yung hoping kang i-flex ka niya, ngunit kalaunan ay jowa niya ang nag-flex sa ‘yo sa social media as third party na hindi dapat tularan.


Lesson learned, tiyakin munang single ang ka-chat bago maging totally invested sa feelings. Hindi masama ang mag-play safe. Ang masama ay ‘yung mag-take ng risk sa taong hindi ka sigurado sa totoong intensyon sa ‘yo. Okie?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page