top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

by Maeng Santos @News | July 4, 2026



Modus na paiihi sa gasolina at krudo - PNP

Photo: FB PNP



Timbog ang apat na indibidwal matapos maaktuhang ilegal na naglilipat ng petroleum products mula sa dalawang bangka patungo sa isang tanker truck sa Navotas City, Huwebes ng umaga.


Sa kanyang ulat kay NPD Acting Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Navotas Police Chief P/Col. Renante Pinuela, habang nagpapatrolya ang kanyang mga tauhan, isang concerned citizen ang nag-ulat sa umano'y ‘paihi’ sa Kanduli St., Brgy. NBBS Dagat-dagatan, alas-6:30 ng umaga.


Nang respondehan ng mga tauhan ng Kaunlaran Police Sub-Station 4, naaktuhan ang apat na indibidwal na edad 50, 28, 25, at 21. At nang hingan ng kaukulang permit, lisensya, at iba pang dokumento, walang naipakita ang mga suspek, dahilan upang arestuhin sila.


Nasamsam ang isang tanker truck, dalawang bangka, dalawang generator pump, at 50 metrong suction hose.


 
 

by Maeng Santos @News | March 31, 2026



Libreng sakay sa Caloocan - Along Malapitan

Photo: FB - Along Malapitan



Nakatakdang ipatupad ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang programang “Libreng Sakay” simula sa Abril 6, katuwang ang mga asosasyon ng mga tricycle para magbigay ng libreng biyahe sa mga commuter.


Ang “Libreng Sakay” ay magagamit sa oras ng traffic rush hour, mula 7:00am hanggang 9:00am at 5:00pm hanggang 7:00pm, kung saan ang mga kalahok na Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) ay makakatanggap ng P695 para sa dalawang oras na serbisyo kada araw.


Idineklara ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang buong suporta ng pamahalaang lungsod na magbigay ng tulong sa mga lokal na pampublikong transportasyon at tiniyak na ang mga karagdagang programa ay dapat ipatutupad bilang pag-asa sa karagdagang pagtaas ng presyo ng gasolina.


Ang pamahalaang lungsod ay nakatakda ring magpatupad ng hiwalay na libreng programa sa transportasyon kasama ang mga jeepney organization.

 
 

by Maeng Santos @News | February 24, 2026



Shabu lab

Photo: NALANSAG ng pinagsamang mga operatiba ng PDEA Cavite Provincial Office, at PDEA RO-NCR Northern District Office, kasama ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City Police sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil ang isang shabu laboratory sa loob ng isang warehouse sa Brgy. Viente Reales, Valenzuela City matapos ang pagkakaaresto sa isang High-Value Drug Personality na si alyas John, 30, sa ikinasang buy-bust operation sa lugar. Tinatayang nasa bilyong pisong halaga ng ilegal na droga, mga kemikal, at mga kagamitan sa paggawa ng shabu ang nasamsam. (Maeng Santos)



Isang shabu laboratory ang nalansag ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kasunod ng pagkakaaresto sa isang High-Value Drug Personality sa buy-bust operation sa Valenzuela City, Linggo ng madaling-araw.


Ikinasa ang operasyon ng pinagsamang mga operatiba ng PDEA Cavite Provincial Office, PDEA RO-NCR Northern District Office, Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City Police sa pangunguna ni PLt. Sherwin Dascil laban sa isang alyas John, 30, ng Cubao, Quezon City.


Matapos umano ang transaksyon sa pagitan ni alyas John at ng isang PDEA agent na nagpanggap na buyer, alas-4:15 ng madaling-araw sa Brgy. Viente Reales ng lungsod, ay biglang tumakbo umano ang suspek papasok sa isang warehouse.


Hinabol siya ng mga operatiba hanggang sa maaresto sa loob ng warehouse at nakumpiska sa kanya ang isang plastic bag na naglalaman ng humigi't kumulang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P3.4 milyon at buy-bust money.


Kasunod nito, nadiskubre ng mga operatiba ng PDEA sa loob ng nasabing warehouse ang isang shabu laboratory kung saan ginagawa ang droga.


Nasamsam sa nasabing shabu lab ang humigi't kumulang 25 kilos ng umano'y shabu, mga kemikal at kagamitan sa paggawa ng drugs at ilang drum na naglalaman ng suspected cocaine.


Ayon sa PDEA, tinatayang umaabot lahat sa bilyong piso ang halaga ng mga nasamsam na ilegal na droga, mga kemikal at mga kagamitan sa paggawa ng shabu habang inaalam pa kung sino ang nagpapatakbo ng naturang shabu laboratory.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page