top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

ni Maeng Santos @News | August 7, 2026



2 pulis, kulong sa pagbebenta ng baril

Photo: File



Tiklo ang dalawang pulis sa ikinasang buy-bust operation ng kanilang mga kabaro dahil sa pagbebenta umano ng ilegal na armas sa Caloocan City, Huwebes ng madaling-araw.


Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili ang mga pulis na sina alyas Onin na may ranggong Staff Sergeant, 32, nakatalaga sa Caloocan Police Sub-Station 2, at JayAr na may ranggong Master Sergeant, 39, ng Caloocan Police Sub-Station 9.


Sa nakarating na ulat kay NCRPO Director P/MGen. Anthony Aberin, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth sa pangunguna ni PLt. Col. Rengie Deimos matapos ang ilang araw na surveillance at monitoring operation laban sa dalawa.


Isang sibilyan ang ginamit na poseur-buyer ng pulisya na nagbayad ng P2,500 marked money sa mga suspek kapalit ng hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala na dahilan ng kanilang pagkakaaresto alas-5:30 ng madaling-araw sa Riles Compound, Brgy. 5.


Nakuha rin sa dalawa ang kanilang service firearm na kalibre .9mm pistol na ang isa ay kargado ng 10 bala sa magazine at 15 bala naman sa isa pa, isang 12-gauge shotgun na may apat na bala, dalawang mobile phone, dalawang motorsiklong gamit nila sa ilegal na operasyon at ang ginamit na marked money.


Bukod sa kasong administratibo, mahaharap din ang dalawa sa kasong paglabag sa Illegal Sale and Illegal Possession of Firearms at Possession/Sale of High-Powered Firearms sa ilalim ng R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.


 
 

ni Maeng Santos @News | August 3, 2026



Sunog sa Brgy. 8 Caloocan - Harold Quiroga Circulated

Photo: File / Harold Quiroga Circulated



Nasawi ang limang katao, kabilang ang 11-buwang sanggol at kanyang ina, matapos ma-trap sa nasunog na dalawang-palapag na apartment sa Caloocan City, Linggo ng madaling-araw.


Sa inisyal na ulat ni Caloocan City Central Fire Station arson investigator FO1 Samuel Rentillo Jr., nagsimula ang sunog sa talyer na nasa unang palapag ng apartment sa Sinilyasi St., Dagat Dagatan, Brgy. 08, na pag-aari ng isang Marina Escondo, ala-1:02 ng madaling-araw sa hindi pa nabatid na dahilan.


Agad namang nakapagresponde ang mga tauhan ng Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) at fire volunteers, na dahilan upang agad makontrol ang sunog ala-1:24 na umabot lang sa unang alarma hanggang tuluyang maapula ng alas-2:04 ng madaling-araw.


Matapos ang mapping-up operation, nadiskubre ng mga bumbero ang mga bangkay na kinabibilangan ng tatlong babae at dalawang lalaki, kung saan huling nakita ang 11-buwang sanggol.


Napag-alaman na kadarating lang sa trabaho ng ama ng sanggol at tinangka pang iligtas ang kanyang mag-ina subalit, hindi na siya makapasok dahil sa laki ng apoy habang labis naman ang paghihinagpis ng mister ng isa pang nasawing ginang matapos makabitaw sa kanya ang misis nang sabay silang lumabas ng nasusunog na tirahan.


Tinatayang P500K halaga ng ari-arian ang naabo habang nasa anim na pamilya ang apektado na pansamantalang nanunuluyan sa barangay hall ng Brgy. 8 kung saan sila pinadalhan ng pagkain at pangunahing pangangailangan ni Mayor Along Malapitan.

 
 

ni Maeng Santos @News | July 18, 2026



Mima Alicia - Circulated

Photo: File



Nasawi ang 24-anyos na vlogger na kilalang supporter umano ni Pangulong Bongbong Marcos habang sugatan ang kanyang ka-live-in matapos pasukin at ratratin ng hindi pa kilalang mga salarin sa Caloocan City, Biyernes ng madaling-araw.


Dead-on-the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si alyas Mima Alicia habang patuloy namang inoobserbahan sa ospital ang kanyang kinakasamang si alyas Tapong, 25, sanhi ng tinamong tama ng bala sa bahagi ng katawan.


Sa tinanggap na ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, alas-3:06 ng madaling-araw nang pasukin ng dalawang hindi kilalang suspek ang inuupahang bahay ng mag-live-in partner sa Brgy. 171, saka niratrat ang mga biktima.


Matapos nito, tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo habang isinugod naman ng may-ari ng inuupahan nilang bahay ang sugatang biktima.


Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang habang nagsasagawa na ng backtracking at forward tracking sa kuha ng mga CCTV ang mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page